Sabrina's POV
---------------------Ang bilis ng panahon, hindi ko namalayan na dumating na pala ang araw ng birthday ko. Sabagay naging busy rin kasi kaming lahat para sa paghahanda para sa espesyal na araw ko na ito, kaya hindi na namin namalayan na dumating na pala.
Paggising ko pa lang ng umaga hindi ko na nadatnan si Roshan, hindi gaya dati na lagi siyang nandyan pagdilat ko.
Pagbukas ko ng cellphone ko, sinalubong ako ng napakaraming text message sa'kin ng mga kakilala ko. Inihagis ko lang ang cellphone sa kama saka na ako pumasok sa banyo para maligo.Pagbaba ko sa kusina, nadatnan ko si mommy at daddy habang kumakain ng almusal.
"Happy birthday, baby!"
Yumakap sa'kin si mommy."Happy birtday, Sabrina."
Bati sa'kin ni daddy."Thank you po," inilibot ko ang paningin ko sa paligid.
"Si Roshan po?"Hinila na ako ni mommy sa upuan sa tabi niya para makakain na rin.
"Nandoon pa siya sa lab, iniutos ko kasi kay Dr. Lukas na doon muna siya, para mas maging exciting ang sayaw ninyo mamaya. Pangit naman kasi kung maghapon pa rin kayong magkasama ngayon, para mamiss niyo naman ang isa't isa."
"Okay." Maikling sagot ko.
Tama si mommy, kahit nga ngayon pakiramdam ko namimiss ko na siya.
Naging normal lang naman ang buong araw, naging maingay lang nang mga bandang hapon na dahil dumating na sila Athila, Emely at Bernardino. Napag-usapan kasi namin na dito na sila magbihis tatlo.
"Nasaan si Mr escort mo, Sabrina?"
Tanong ni Emely.Pagsapit ng dilim magsisimula na ang party. Tumatawag na rin ang iba naming mga kaklase dahil nandoon na daw sila.
Nakabihis na rin kaming tatlo, si Emely ang nagmake-up sa'min ni Athila. Magaling siyang magmake-up dahil talagang bumagay sa'min ang ginawa niya."Nandoon siya ngayon kay Dr. Lukas, sabi kasi ni mommy mas maganda daw kung mamaya na lang daw kami magkita sa party." Sagot ko sa kanya.
"Ah, kasama niya pala ngayon ang papa niya, siguradong proud na proud ngayon si Dr. Lukas sa anak niya kasi si Roshan ang escort ng may-ari ng kompanya nila."
Sandali akong natigilan sa sinabi ni Emely. Oo nga naman, ang alam pala nilang lahat ay anak ni Dr. Lukas si Roshan.
"Nope, I don't think so, si Dr. Lukas 'yung tipo ng tao na ayaw na pinag-uusapan siya. Malamang nakabusangot na naman siya ngayon dahil may dinaluhan siyang birthday celebration na saksakan ng dami ng tao at makikita ang kanerd'an na taglay niya." Mahabang litanya ni Athila habang sinusuri ang sarili niya sa salamin. Bagay sa kanya ang suot niyang pulang gown.
Medyo fitted ang suot niya kaya lalong nakikita ang kurba ng katawan niya. Kahit ano naman atang suotin niya ay nangingibabaw pa rin ang ganda niya.
Nakapalum-babang tumitig sa kanya si Emely habang nakaupo sa kama ko.
"Sinasabi mo ba 'yan dahil 'yan ang totoo o dahil lang sa expirience mo dahil ganon din ang boyfriend mo?"Nagmukha namang cute na diyosa si Emely dahil sa suot niyang Emerald green na gown na sinadya niyang ternohan ng dark green na contact lense, kaya mas lalo tuloy siyang nagmukhang anime character.
Napangisi ako bigla sa sagot ni Emely sa kanya.
"Whatever, Em."
Nakarinig na kami ng katok sa pinto.
BINABASA MO ANG
MY ROBOT BUTLER
Teen Fiction"Iniisip ko pa lang na ang tanging dahilan kung bakit ka narito sa tabi ko, ang siya ring dahilan kung bakit hindi kita pwedeng mahalin. Siguro nga baliw na ako, pero hinihiling ko na sana totoo na lang ang lahat." Meet RCS7, isang robot butler na i...