Chapter: 17

98 8 0
                                    

Sabrina's POV
--------------------------

"Hi Roshan."

Halos mabali ko ang bakal na kutsara sa pagpilipit ko, pang-ilang babae na ba 'yan na bumati sa kanya?
Nakakairita na!

Nasa Canteen kami ngayon para maglunch break.

"Hi."
Gumanti naman siya ng bati

"Ang cute naman ng mata mo, tunay ba 'yan?"
Kilig na kilig pa ang isa habang nagtatanong.

Biglang kumalampag sa mesa ang hawak na kutsara ni Athila.
"Pangbente ka na atang nagtanong niyan. Hindi naman sa nakakaistorbo ka pero abala ka at sinisira mo ang gana naming kumain."
Mataray niyang tinitigan ang apat na babaeng nagpapapansin kay Roshan.

"Sungit akala mo naman boyfriend niya."
Narinig ko pang nagbulungan ang mga babae habang naglalakad paalis.

"Hindi ko akalain na trip pala ng mga babaeng estudyante rito ang mga lalaking may abnormal na mata."
Sumubo na ng pagkain si Athila.

"Hindi naman abnormal ang mata niya, the right word is cute."

Napalingon ako sa katabi kong si Emely nang nagsalita siya, titig na titig siya ngayon kay Roshan.

"Best patigilan mo 'yan kung hindi papasakan ko bibig niyan."
Saway ni Athila.

Umiling lang ako saka tumawa.

"Pwede ba akong makiupo rito?"

Tiningala naming apat si Bernardino na hawak na ngayon ang tray niya na may nakalagay na pagkain.

"Wala ka bang friends, Bernerdino? Kawawa ka naman, sige umupo ka na d'yan. Pinaupo lang kita d'yan kasi naaawa ako sa'yo."
Daldal talaga ni Athila, parang ang deffensive ng tono niya.

"O-okay."
Umupo na si Bernardino at mabilis nang sumabay sa'min.

"Roshan, kamusta naman maging amo si Sabrina?"
Napalingon ako bigla kay Emely na bigla nalang gumawa ng tanong galing sa kawalan.

"Ayos lang, hindi naman siya ganon kahirap pakisamahan at masarap siyang kasama, tama ba ako? My lady."
Bumaling siya sa'kin.

"O-oo."
Nagsinungaling ka lang para hindi ako masaktan sa salita mo, sigurado akong hindi naman 'yun ang iniisip mo.

"My lady? Ohhhh?"
Feel na feel niya pa ang pagbuntong hininga niya habang nakahawak sa magkabilang pisngi niya.
"Ang sweet naman ng tawag mo sa kanya."

Sweet ba 'yun? Isang taon ko nang naririnig 'yun at nauumay na rin ako.

Hindi ko na lang pinansin ang pinag-uusapan nila, tinuon ko nalang ang pansin ko sa ginagawa ni Athila.
Naabutan ko si Athila na nagpapasa ng kanin kay Bernardino.
Nanlaki pa ang mata niya nung nakita niya akong nakatingin.

"I-ipinasa ko lang, baka kasi kulang pa 'yung kanin niya- I mean kesa itapon ko 'di ba?" Sarkastiko siyang tumawa.

Naniningkit lang ang mata ko habang tumatango sa kanya.

"Ilan na naging girlfriend mo, Roshan?"
Bigla nanaman akong napalingon kay Emely, ano bang mga tinatanong niya?

"Konti pa lang."
Simpleng sagot lang ni Roshan.

"Ano bang mga tipo mong babae?"
May haplos pa ng kalandian ang boses niya.

"Wala siyang balak magkaron ng girlfriend, Emely. Forbidden siyang magkaron at mamamatay siyang single at virgin na hindi manlang makakaranas ng kahit firstkiss!"
Napatingin ako bigla sa nanggigigil na kilay ni Athila.
"Gets mo?"

MY ROBOT BUTLERTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon