Sabrina's POV
--------------------------Naalimpungatan ako ng gising nang may naramdaman akong gumalaw sa gilid ng kama ko.
Kahit pa tinatamad pa ako ay nagawa kong idilat ang mga mata ko.Una kong nakita si Roshan, nakatagilid siya ng upo sa tabi ko at nakaharap sa pader. Nakasuot siya ng black T-shirt, kakaiba sa lagi niyang suot na tuxedong kulay itim.
Gumalaw ako para malaman niyang gising na 'ko, pumihit ang mukha niya patungo sa'kin kasabay ng pagtaas ng kalahati ng labi niya.
"Good morning, Bree."
Bati niya sa'kin.Umunat ako saka umupo.
"Himala, hindi ka nakatuxedo ngayon kahit sabado.""Sinabihan ako ni ma'am Irina na huwag ko na daw suotin ang tuxedo ko, sanayin ko na daw ang sarili ko sa ganito."
Tumango lang ako.
Tumayo na siya.
"Bumaba ka na para makapag-almusal ka, may gagawin tayo ngayon.""Hmmm?"
Narinig ko siyang bumulong habang nakatalikod pero hindi ko naintindihan, lumabas na rin siya.
Paglabas niya tumayo na rin ako para magbihis.May gagawin daw kami? Ano naman kaya?
Habang kumakain ako nasa tabi ko lang siya habang pinapanood ako. Hindi katulad noon nakaupo siya ngayon hindi kalayuan sa kinalalagyan ko.
Bumaling ako sa kanya ng nakakunot ang noo.
"Ikaw? Hindi ka kakain?"Umiling siya.
"Hindi naman kailangan.""Okay."
Tugon ko sa kanya saka ako sumubo ng hotdog gamit ang tinidor."Oo nga pala, pwede mong imbitahan si miss Athila para sa gagawin natin ngayon. Naisip ko kasi na mas mag-eenjoy ka kung nandito siya."
Naniningkit akong tumingin sa kanya.
"Ano bang gagawin natin?""Hindi na 'yun sorpresa kapag sinabi ko."
Pilyo siyang ngumisi sa'kin, lalo tuloy akong nahiwagaan sa pinagsasabi nito."Ayaw ko sa mga sorpresa, baka ikahimatay ko pa 'yan kapag nalaman ko on the spot, sabihin mo na lang."
Sana naman magustuhan ko ang sasabihin niya.Sandali muna siyang tumitig sa'kin na parang tinitimbang ang sitwasyon.
"Kinausap kasi ako ni ma'am Irina kanina, dahil nabanggit mo naman daw. Subukan daw kitang turuang magmaneho ng kotse... Pwede nating gamitin ang ginagamit kong kotse."Hindi ko napigilan ang pagsilay ng ngiti sa labi ko.
Seriously? Pumayag sila na matuto akong magdrive?
Sa pagkakaalam ko kasi ayaw nila akong matutong magdrive dahil baka itakas ko na ang kotse sa susunod.
Masaya ako na nagbago na ang isip niya.Mabilis kong kinuha ang cellphone sa bulsa ko para magtipa ng text para kay Athila.
Excited na ako!AKO:
Best! Punta ka dito! ASAP!
Emergency!Halos wala pang kalahating oras nakita ko na agad si Athila na tumatakbo papasok ng bahay namin.
Mukhang kagigising niya lang at medyo magulo pa ang buhok niya, mapungay pa ang mga mata niya na parang naalimpungatan lang siya at biglang napatakbo. Nakapajama pa siyang pumunta dito.Mabilis niya akong pinuntahan nang natanaw ako ng mga mata niya, nakita ko ang pag-aalala sa mga mata niya pero napalitan rin ng pagkairita ng nakita niya akong tatawa-tawa.
"'Yung totoo best, bakit mo ako pinapunta rito?"
'Yun agad ang bungad niya nang napagtanto niya na wala naman palang totoong emergency.Hinawakan ko muna ang dalawang kamay niya saka ako excited na nagkwento.
"Pinayagan na akong matutong magdrive nila daddy!"
Halos patiling sabi ko.
BINABASA MO ANG
MY ROBOT BUTLER
Teen Fiction"Iniisip ko pa lang na ang tanging dahilan kung bakit ka narito sa tabi ko, ang siya ring dahilan kung bakit hindi kita pwedeng mahalin. Siguro nga baliw na ako, pero hinihiling ko na sana totoo na lang ang lahat." Meet RCS7, isang robot butler na i...