Sabrina's POV
------------------------Nasa kotse na kami papunta sa bar na pagmamay-ari ng kuya ni Emely. Kumain muna kami sa nadaanan naming fastfood bago kami bumyahe papunta, kaya gabi na ngayon.
Maingay na kumakanta sina Athila at Emely sa likod ng kotse kasama ang tahimik lang na si Bernardino.
Ako naman ang nandito sa front seat kasama si Roshan.Napapangiti ako habang nagmamasid sa kanila dahil pare-parehas pa kaming naka-school uniform lahat. Buti nalang talaga kapatid ni Emely ang may-ari ng bar, kaya wala naman daw magiging problema.
"Roshan! Dalian mong magdrive! Nagwawala na ang bahay alak ko!"
Malakas na sigaw ni Athila sa likod."Oo." Tamad na sagot ni Roshan.
Deretso lang ang tingin niya sa harap habang seryoso ang mukha."Pasensya ka na sa ingay nila."
Bumaling siya sa'kin saka ngumiti.
"Walang problema 'yon. Saka normal naman kay miss Athila ang pagiging maingay niya."
Mahina siyang tumawa."Himala, ngayon pumayag ka na uminom ako."
Bumaling na ulit ako sa bintana sa gilid ko."Ngayon lang, sa susunod hindi na."
Simpleng sagot niya.Hindi na ako sumagot sa kanya. Kung anong ingay ng dalawang babae sa likod namin siya namang tahimik namin dalawa.
Halos ala-siete na nang dumating kami sa bar. Pagdating namin doon mabilis kaming nakapasok dahil kay Emely. Kahit na masama ang tingin sa'min ng ibang tao dahil sa mga suot namin.
The usual spot. Doon ulit kami sa dulo kung saan hindi gaanong rinig ang tugtog at malayo sa mga nagsasayawan.
Namiss ko itong ganito. Ang tagal ko na rin kasing hindi nakakapunta ng bar. Well... Para sa'kin matagal na."Dino, Roshan. Go grab some drinks..." Utos ni Athila sa dalawang lalaking kasama namin.
"Lights lang ha, pero kung kukuha kayo ng hard, better."Nagtinginan lang ang dalawa saka sabay na tumayo para kumuha ng maiinom. Naiwan na naman kaming tatlong babae.
"I remember this spot, 'di ba dito kayo nahuli ni Roshan dati. D'yan pa nga siya umupo, e." Itinuro ni Emely ang pwesto ni Roshan ngayon. At hanggang ngayon d'yan pa rin siya nakapwesto.
"Yup, iyon 'yung mga panahon na naglalakad na karma pa ang tingin ni Sabrina kay Roshan."
Sagot ni Athila.Bumaling sa'kin si Emely na tinanguan ko naman. Bakit ba naoawkwardan ako ngayon kay Emely?
"Mabuti ngayon hindi na."
May halong pang-iintrigang sabi ni Emely."Ahm... Natutunan na naming makapag-adjust sa isa't isa."
Nakayukong sagot ko. Bakit ba ang tagal dumating nila Roshan?"Mabuti nga nagkasundo na sila. Dati kasi kulang na lang saksakin ni best si Roshan. Alam mo 'yung makita niya lang kahit anino ni Roshan para na siyang bulkan na bigla na lang mageerupt."
"Clique love story, huh..." Napatitig ako bigla kay Emely dahil sa sinabi niya.
"The more you hate, the more you love."Parang hindi naman napansin ni Athila ang sinabi ni Emely.
Sarkastiko na lang akong tumawa para balewalain ang sinabi ni Emely. Like, What! The! Heck? Ganon ba talaga ako kaobvious?"Drinks, guys."
Inilapag ni Roshan ang isang bucket ng Sanmig sa gitna ng mesa."Ano 'to? Bakit isa lang? Bitin 'to, Roshan." Ungot ni Athila. Tigang na talaga siya sa alak.
BINABASA MO ANG
MY ROBOT BUTLER
Novela Juvenil"Iniisip ko pa lang na ang tanging dahilan kung bakit ka narito sa tabi ko, ang siya ring dahilan kung bakit hindi kita pwedeng mahalin. Siguro nga baliw na ako, pero hinihiling ko na sana totoo na lang ang lahat." Meet RCS7, isang robot butler na i...