Sabrina's POV
------------------------"Paano, best? Kamusta ang date mo with Suea the jerk?"
Tanong sa'kin ni Athila habang nagsusulat sila sa notebook niya.Wala ang subject prof namin kaya napag-usapan namin na sa Library na lang tumambay.
"Hmm? Okay naman."
Simpleng sagot ko sa kanya.Katabi niya ako habang pinapagitnaan namin siya ni Bernardino dahil may mga itinuturo ito sa kanya.
Masasabi ko naman na okay ang naging date namin. Good mood nga si Suea kanina habang kausap ako pagdating ko sa room. Wala nga lang siya ngayon.
Malamang nasa rooftop na naman siya at natutulog."Tuwang-tuwa nga si Emely habang kinekwento sa'kin sa phone kung ano ang ganap nung sabado."
Bumaling siya kay Bernardino.
"Dito? Anong sagot dito?"Mabilis namang itinuro ni Bernardino ang page na paghahanapan ng sagot.
"Yup, mukha ngang nag-enjoy siya."
Bumaling ako kay Roshan na nakabagsak ang buong katawan sa mesa.Nakadilat siya habang tulala sa kawalan.
Nasa tapat ko siya nakapwesto.
Mas okay na siguro 'yang ginagawa niya kesa naman tumitig lang siya ng tumitig sa'kin. Atleast mababawasan ang pagkailang ko sa kanya."So... Ano nang status niyo ngayon?"
Matamang tumingin sa'kin si Athila."Ahm... Ganun pa rin... We're friends."
Bumaling ulit ako sa librong binabasa ko."Ay! Ganon lang pala 'yon."
Kausap niya si Bernardino. Malamang may itinuro ulit ito sa kanya.
"Kelan mo naman siya balak sagutin?"Naramdaman ko ang mabilis na pagpihit sa'kin ng ulo ng nakahandusay ngayon sa tapat ko. Siguradong hinihintay rin niya ang sagot na sasabihin ko kay Athila.
"Ewan."
Oo... Ewan. Dahil hindi naman ako sigurado sa sarili ko kung may balak pa ba akong sagutin siya. Ayaw kong maging paasa dahil hinahayaan ko siya. Pero wala rin naman akong makitang dahilan para pigilan siya. Siguro naguguluhan pa ako ngayon. At ayaw kong gumawa ng maling hakbang na pwedeng pagsisihan ko rin sa huli.
Kaya pagiisipan ko muna.
For the mean time."Anong ewan? Akala ko pa naman pumipili ka na lang ng magandang date para sa monthsary ninyo. Tapos ewan? Kelan mo ba balak? Sa December 33 pa?"
Bumaling siya ulit kay Bernardino.Pinagmasdan ko silang dalawa.
Hindi ko alam kung ano bang meron sa kanilang dalawa. May mga itinuturong calculation si Bernardino sa kanya.
Kumakamot ng ulo si Athila. Mukhang hindi niya naiintindihan ang mga sinasabi ni Bernardino.
Sabagay kahit ako hindi ko rin maintindihan. Kaya ayaw ko sa mga numbers, e."Anong plano mo para camp, Bree?"
Nabaling ang atensyon ko sa nagsalitang si Roshan. Ganon pa rin ang ayos niya.
Nakasalampak ang mukha niya sa mesa habang inuunanan ang braso niya."Malapit na pala 'yon. No?"
Sagot ko.Tinutukoy niya ang mangyayaring field trip namin na gaganapin sa Vigan.
Sa susunod na araw na iyon. Pumayag naman si daddy at mommy basta daw kasama ko si Roshan.
Advantage rin 'yon dahil dagdag sa grades namin kapag sumama kami."Yes best. Malapit na 'yon. And excited na ako!"
Inuga-uga niya ang balikat ko.Sinagot ko ang tanong ni Roshan.
"Kasama naman si Athila kaya sure ako na mag-eenjoy ako doon."
Bumaling ako kay Roshan.
"Ikaw Roshan? Tapos mo na ba 'yong ipinapagawa sa'tin. May kasunod agad na mini exam pagkatapos ng field trip kaya dapat mag-aral ka."Tamad lang na tumingin sa'kin si Roshan at iniangat ang kamay niya bilang pagkibit-balikat.
Sabagay, kelan ba kailangang mag-aral ang robot?
BINABASA MO ANG
MY ROBOT BUTLER
Teen Fiction"Iniisip ko pa lang na ang tanging dahilan kung bakit ka narito sa tabi ko, ang siya ring dahilan kung bakit hindi kita pwedeng mahalin. Siguro nga baliw na ako, pero hinihiling ko na sana totoo na lang ang lahat." Meet RCS7, isang robot butler na i...