Chapter: 2

176 11 0
                                    

Dr. Lukas Soller's POV
----------------------------------------

Narinig ko ang pagtunog ng doorbell sa loob ng pindutin ko ang pindutan dito sa labas ng bahay, mayamaya nakita ko agad ang katulong nila na papunta sa pinto.

"Magandang araw po, Dr. Soller."
Saka binuksan ng guard ang gate.

Mabilis akong pumasok at naglakad papunta sa bahay nila, pagpasok ng sala una kong nadatnan ang nag-iisang anak nila na si Sabrina, nakaupo siya ngayon sa sala.

Sumilay agad ang maamo niyang ngiti nang makita niya ako.
"Magandang araw po, Dr. Soller." Bati niya sa'kin.

Gumanti rin ako ng ngiti sa kanya.
"Magandang araw din, nandito ako para sunduin si RCS7, nasaan si Sir Saber at ma'am Irina?"

"Pababa na rin po sila mayamaya, gusto niyo po ba ng kape." Saka siya tumayo.

"Sige iha, salamat." Mabait na bata naman si Sabrina, ang hindi ko lang malaman kung bakit ganun ang pakikitungo niya kay RCS7.

Umupo na ako sa sofa, hindi nagtagal dumating na ang mag-asawang Cordona pati si Sabrina na may dalang kape.
Pati si RCS7 nandito na rin, ngumiti siya sa'kin nang makita niya ako.

"Nandito ako para sunduin si RCS7 para sa every three months maintenance niya, kamusta naman siya rito?"

"Wala kaming nagiging problema sa kanya dahil nagiging malaking tulong siya para mabantayan ang anak ko, pero gusto kong dagdagan mo pa ang security program niya para hindi na makakatakas si Sabrina." Sabi ni sir Saber.

Tumingin ako kay Sabrina, nakayuko lang siya habang nakikinig, sa kanya umiikot ang buong program ni RCS7.

"Sige gagawin ko 'yan, sir," tumayo na ako. "Mauuna na po kami."

"Sandali lang po, Dr. Soller."
Biglang nagsalita si RCS7, deretso siya ngayong nakatayo sa likod ng sofa na inuupuan ni Sabrina.

"Ano 'yon, RCS7?"
Tanong ko sa kanya.

"Baka meron din pong request si lady Sabrina tungkol sa program ko."

Kitang-kita ko ang gulat sa mga mata ni Sabrina sa sinabi ng nasa likod niya. Mabilis siyang pumihit paharap doon saka gulat na tinitigan si RCS7.

"Baka kung ano-anong kalokohan nanaman ang sabihin niya-"

"Saber, pakinggan mo muna ang anak natin." Pigil ni ma'am Irina kay sir Saber.

"Ano bang suggestion mo, Sabrina?"
Tanong ko kay Sabrina.

Halatang kinakabahan siya dahil makailang ulit muna siyang tumikhim bago siya nagsalita.
"Matagal ko na po kasing iniisip, wala po kasi siyang ibang kayang gawin kundi ang ngumiti- I mean okay naman po 'yun pero gusto ko sana magkaroon naman siya ng ibang expression bukod sa pagngiti... ang creepy na po kasi."
Saka siya ilang na ngumiti sa 'kin.

Hindi ko narinig na tumutol si Sir Saber kaya nginitian ko siya.
"Walang problema, Sabrina. Gagawan natin 'yan ng paraan. In-short gusto mo siyang gawing mas tao?"

Ngumiti siya sa'kin saka mabilis na tumango.

Nasa biyahe na kami ngayon ni RCS7, ako ang nagdradrive habang siya naman ang nasa passenger seat, tamihik lang siya habang deretsong nakatingin sa kalsada.

Ako na ang bumasag sa katahimikan.
"Kamusta naman kayo ni Sabrina?"

"Wala parin pong pagbabago."
Deretso parin ang tingin niya sa kalsada.

"Siguro darating din ang araw na matatanggap ka niya bilang kaibigan, kailangan mo lang maghintay."
Pagpapagaan ko sa loob niya, kahit alam ko na wala naman talaga siyang totoong emosyon at damdamin.

MY ROBOT BUTLERTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon