Sabrina's POV
---------------------Isang nakalungkot na alaala, pinilit kong iwaksi sa utak ko ang pinagdaanan kong iyon, pero napapapikit pa rin ako sa kirot kapag bumabalik sa hinuha ko.
It's been three years, ganun na katagal pero sariwa pa rin sa isip ko ang lahat na parang kahapon lang nangyari.
"Hoy, best. Tutunganga ka lang ba d'yan o magsisimula ka nang idial ang number ni Suea?"
Natapos ang pagmumunimuni ko nang biglang gisingin ni Athila ang ulirat ko. Nadatnan ko ang nakasimangot niyang mukha habang nakapamaywang ang isang kamay habang nakasandal sa gilid ng pinto ng kotse ko. Hawak niya ang cellphone habang nakatutok sa tenga niya. Hindi mapakali ang paa niya dahil nakatutok sa amin ang sinag ng araw.
Nginitian ko siya.
"Sorry, 'to na po."Mabilis kong dinial ang cellphone ni Suea, pero walang sumasagot sa kabilang linya. Pinagmasdan ko ang kaliwang gulong ng kotse ko, pumutok nalang ito bigla kanina, mabuti nalang talaga nakapreno ako ng mabilis kundi baka mas malala pa ang pwedeng mangyari.
"Unang-una tinanghali ka ng gising dahil sa walang kwentang alarm clock mo, pangalawa naiwan nila tayo kaya tayong dalawa lang ang bumyahe papunta rito samantalang sila nandoon na sa beach naglalangoy, at ngayon... Naputukan naman tayo ng gulong sa gitna ng kawalan, sabihin mo nga, Sabrina. Ano bang kamalasan ang dala mo ngayon- He-hello? Dino!"
Napabuntong hininga nalang ako sa haba ng sermon ni Athila sa 'kin. Mabuti nalang at sinagot na ni Bernardino ang tawag niya.
"Ba't ang tagal mong sagutin?... Nasaan na kayo?... Mabuti pa kayo nasa Saud beach na... Kami? Eto timaaan ng matinding kamalasan, naflat ang gulong namin at wala sa aming dalawa ang marunong mag-ayos."
Napapangiti nalang ako kay Athila. Matagal na sila ni Bernardino, sa unang tingin hindi mo aakalain na magkakasundo silang dalawa, ang lalaking tahimik at ang girlfriend niyang madaldal. Ilang beses na ring napaaway si Athila dahil sa tindi ng pagiging selosa niya.
"Hoy! Suea! Ibigay mo nga sa boyfriend ko ang cellphone kung ayaw mong bangasin ko ang mukha mo... Ano?"
Matamang tumingin sa 'kin si Athila at iniabot sa 'kin ang cellphone niya. Namumula na siya dahil sa init.
"Bakit?"
Tanong ko."Kakausapin ka raw ni Suea the jerk."
Kinuha ko ang cellphone at mabilis na itinutok sa tenga ko.
"Hello?""Walang'ya naman, Sabrina. Ikaw ang nagyaya sa 'min na dito tayo sa Pagudpud magswimming tapos ikaw ang mahuhuli?"
Saka siya malakas na tumawa."Baliw, hindi ko naman expected na magkakaganito, maghanap nga kayo ng towing service d'yan. Hindi ako marunong magpalit ng gulong."
Narinig ko nanaman ang malakas na tawa ni Suea sa kabilang linya.
"Kasungsong? Ano ba 'to? Tinuruan mong magdrive si Sabrina pero hindi mo tinuruang magpalit ng gulong? Anong klase ka!"Ang lakas din talagang mang-asar ng isang 'to. Tsk.
Tama, si Bernardino ang nagpatuloy sa pagtuturo sa 'kin na magdrive, hindi ko alam kung bakit pero bigla nalang siyang nand'yan lagi para sa 'kin. Pati sa pagtretraining ko sa paghawak ng kumpanya siya na rin ang naga-assist sa 'kin dahil napag-aaralan nila ang tungkol sa pagmamanage ng negosyo, idagdag pa ang taglay niyang talino. Hindi tuloy maiwasan na pati ako pinagseselosan na ni Athila minsan.
BINABASA MO ANG
MY ROBOT BUTLER
Ficção Adolescente"Iniisip ko pa lang na ang tanging dahilan kung bakit ka narito sa tabi ko, ang siya ring dahilan kung bakit hindi kita pwedeng mahalin. Siguro nga baliw na ako, pero hinihiling ko na sana totoo na lang ang lahat." Meet RCS7, isang robot butler na i...