Roshan Craze Soller's POV
------------------------------------------------"Roshan! Pag-usapan lang natin ito saglit."
Naririnig ko parin ang nakakairitang boses niya.Buti nalang umalis si mama para mamalengke kung hindi baka pinasakan ko na ang maingay na bibig niya.
Nasa loob na ako ng kwarto ko para hindi niya na ako masundan.
Hindi ako makapaniwalang gusto niyang gawin ko 'yun. Ginagago niya ba ako? Anong akala niya sa'kin manloloko?
Idadamay niya pa ako sa katarantaduhan niya. Tsss.Flashback
"Anong sabi mo? Ulitin mo nga?"
Sabi ko sa kanya nang hindi ko nagustuhan ang narinig kong sinabi niya."Three months lang Roshan, hanggang sa maayos lang si RCS7."
"Pinagloloko mo ba ako! 'Yang robot na 'yan ang dahilan kaya namatay si papa, dahil sa pesteng robot na 'yan tapos gusto mo akong manloko ng tao dahil sa robot na 'yan?"
Gigil na gigil ako magpasalamat ka tito kita kundi baka gumugulong ka na ngayon sa sahig."Roshan, sa atake sa puso namatay ang papa mo, 'wag mong isisi sa imbensyon niya ang lahat." Paliwanag ni tito sa'kin, napakakalmado niya parin.
"Imbensyon? Anong napala ng ipinagmamalaki mong imbensyon? Ayun ginawang aso ng isang teenager. Ang galing ng imbensyon niyo napakalayo ng narating." Sarkastiko akong tumawa.
"Investment ang kailangan namin para maparami pa ang model namin, pagdating ng dalawang taon makukuha namin ang financial support na kailangan namin sa tulong ng kompanya nila."
Gigil akong ngumiti sa kanya pero gustong-gusto ko na siyang bugbugin.
"Gawan mo 'yan ng paraan sa sarili mo."
Tumayo na ako para pumasok sa kwarto."Itong pabor na hinihingi ko, hindi lang 'to para sa pangarap ko, pangarap namin ito ng papa mo, alam mo 'yan Roshan."
Nagpakawala muna ako ng malakas na buntong hininga saka ako humarap sa kanya.
"Huwag mong idadamay ang wala na rito."
Mabilis na akong pumasok sa kwarto.Flashback End
Nakakagigil! Gusto kong magwala! Ang lakas ng loob niyang idamay pati si papa! Seven years nang wala si papa bakit kailangan niya pang idamay si papa para lang makumbinsi ako.
Alam ko pa pangarap 'to ni papa, pero hindi ko parin matanggap... dahil sa robot na 'yon kaya nawala sa'min si papa... dahil sa paghihirap niya para lang mabuo ang robot na 'yon.
Gusto ko nang mawala ang robot na 'yon pero naiisip ko na kapag nawala ang robot na 'yon... balewala na rin lahat ng pinaghirapan niya.
Hindi ko alam kung saan ako kumuha ng lakas na tumayo agad at mabilis na buksan ang pinto.
Nadatnan ko si tito na nasa harap ng pinto, kanina pa pala siya nandoon. Nagulat din siya nang makita niya ako."Tatlong buwan, wala nang hihigit pa doon."
Derektang sabi ko habang matama akong nakatingin sa mga mata niya.Bigla siyang nabuhayan ng loob at biglang sumigla.
"Oo, oo. Tatlong buwan lang, Roshan. Hanggang sa maayos lang si RCS7.""Hindi ko 'to gagawin dahil nakumbinsi mo ako. Gagawin ko 'to dahil pangarap ito ni papa, wala talaga akong balak na tulungan ka."
"Oo, salamat, Roshan."
"Anak, mag-ingat ka sa maynila ha, 'wag kang papagutom d'on."
Bilin sa'kin ni mama.Kinabukasan nagdesisyon na kaming umalis, walang alam si mama sa gagawin ko basta ang sinabi ko lang magtratrabaho ako sa laboratory ni tito.
BINABASA MO ANG
MY ROBOT BUTLER
Roman pour Adolescents"Iniisip ko pa lang na ang tanging dahilan kung bakit ka narito sa tabi ko, ang siya ring dahilan kung bakit hindi kita pwedeng mahalin. Siguro nga baliw na ako, pero hinihiling ko na sana totoo na lang ang lahat." Meet RCS7, isang robot butler na i...