Sabrina's POV
-------------------------"Best! Sorry talaga best!"
Yumakap sa'kin si Athila.Nasa classroom na kami, mabuti na lang at nakauwi kami kahapon ng matiwasay. Hindi nabuko si Athila sa paglalasing niya dahil nagawa na niyang kumilos ng normal nung hinatid namin siya, at dahil kasama naman namin si RCS7, hindi na naghinala pa ang mommy at daddy niya.
Kung hindi lang kami tinulungan ni RCS7, siguradong katakot-takot na sermon ang inabot naming dalawa.
Hmmmm... Buti nalang.Nanliliit ang mata kong bumaling sa kanya.
"Basta 'wag mo nang uulitin 'yun, best. Muntikan na talaga tayo."Dumungaw ang maamong ngiti ni Athila.
"Opo."
Hindi ko talaga siya matiis."Mabuti nalang hinayaan ni RCS7 na bumaba muna ang tama mo bago niya tayo inuwi."
Dagdag ko pa."RCS7? Kelan mo pa siya tinawag ng ganun."
Binalingan niya ako ng mapang-usisang tingin.Kinuha ko ang notebook ko na gagamitin ko para sa first subject namin.
"Siguro 'yun nalang ang paraan ko ng pagtanaw ng utang na loob sa ginawa niyang pagtulong sa'tin, ang tawagin ko siya sa dapat na itawag sa kanya.""Okay."
Walang interes na sagot niya, mabuti nalang at hindi na siya nagtanong ng kung ano-ano. Pero nakita ko siyang malalim pa rin na nakatingin sa'kin.Tinaasan ko siya ng kilay.
"Bakit?""Sinunod mo talaga ang suggestion ko, no?"
Nakapagtitigan din ako sa kanya.
"Anong suggestion naman sinasabi mo, best?""Nakaponytail pa rin ang buhok mo, mukhang feel na feel mo ang bitchy good girl look, kaya hindi mo pa binabago."
Isang pilyang ngiti ang sumilay sa labi niya.Nag-iwas ako ng tingin sa kanya, tumikhim muna ako bago ako sumagot.
"Ahm... Naisip ko kasi na bagay naman sa'kin.""Yeah best, ang ganda mo sa ganyang ayos, I like it."
Narinig ko ang mahinang pagtawa niya na parang kinikiliti.Nang dumating na ang lunck break namin dumeretso kami ni Athila sa Library dahil nagkatamaran kaming kumain.
"So kamusta ang party kahapon?"
Tanong ni Emely.Nakafocus ako sa binabasa ko kaya hinayaang ko nang si Athila ang sumagot sa kanya.
"Masaya, pero wala ka! Ano ba kasing mga pinagkakaabalahan mo sa buhay at bakit hindi ka makasama sa amin?"
Mataray na sabi ni Athila."Alam mo naman na busy ako sa sa pinapaasikaso sa aking negosyo si daddy, kailangan ko daw matutunan 'yun agad para ako daw magmamanage in the near future."
Binuklat na ni Emely ang kanina niya pa hawak na libro."Future my ass, paano kung mamatay ka na mamaya? E 'di namatay kang hindi manlang nararanasang magpakasaya sa marangya at walang kabuhay-buhay na lifestyle mo."
Napangisi nalang ako sa sinabi niya, sabagay totoo naman ang sinasabi niya, para sa'kin kasi 'yun din ang paniniwala ko, pero hindi naman namin masisisi si Emely, meron siyang goal na ngayon palang sinisimulan niya nang abutin.
"Hi, pwedeng makiupo rito?"
Sabay kaming tumingalang tatlo dahil sa nagsalita sa gilid namin.
Si Bernardino, may hawak siyang libro.Ang akala ko papalayasin siya ni Athila...
"Hey Bernerdino! Ano naman ang pinagsasabi mo sa parents mo ha? Umupo ka nga d'yan at marami kang ipapaliwanag sa'kin!"
Nanginginig pang umupo si Bernardino, siguro hindi niya expected na ganon ang sasabihin ni Athila.
Biglang naningkit ang mata ni Emely saka bumaling sa'kin, umirap ako sa kanya at ngumisi. Dahil kahit ako nagulat.
BINABASA MO ANG
MY ROBOT BUTLER
Novela Juvenil"Iniisip ko pa lang na ang tanging dahilan kung bakit ka narito sa tabi ko, ang siya ring dahilan kung bakit hindi kita pwedeng mahalin. Siguro nga baliw na ako, pero hinihiling ko na sana totoo na lang ang lahat." Meet RCS7, isang robot butler na i...