Sabrina's POV
--------------------------"Hello, Bernardino, nandito na kami sa SM Masinag. Nasaan ka na?"
Kausap ko ngayon si Bernardino para sunduin kami papunta sa bahay nila kung saan gaganapin ang birthday party.Ako na ang tumawag dahil ayaw kausapin ni Athila si Bernardino.
"Okay, hintayin niyo lang ako, papunta na ako."
Namatay na ang tawag.
"Ano daw, best?"
Nilingon ko si Athila, nakacrossed arms siya habang nakataas ang kilay.
Suot niya ang binili namin kahapon na itim na dress, nangingibabaw talaga ang ganda niya."Papunta na daw siya."
Sagot ko.Binalingan ko naman ang katabi niyang kanina pa nakatitig sa'kin.
Si RCS7, kakaiba siya ngayon dahil gray na tuxedo ang suot niya hindi katulad ng nakasanayan na laging itim.
Kasama namin siya bilang kundisyon sa pagpayag ni daddy para daw may kasama kami sa pag-uwi.Tahimik siya mula kaninang umaga, himala dahil madalas siyang madaldal.
Sabagay mas okay 'yun para hindi masira ang araw ko.Matapos ang ilang minuto isang kotse ang huminto sa tapat namin.
Volkswagen na kulay blue, mula doon lumabas ang nakangising si Bernardino.Nakasuot siya ng blue jumper na may pailalim na plain white T-shirt sa loob, bagsak na bagsak parin ang buhok niya at nakasuot siya ngayon ng bilog na nerdy glasses.
"Kotse ba 'yan ng lolo niya?"
Mataray na sabi ni Athila.Nginisian ko lang siya saka ako bumaling kay Bernardino.
"Pasensya na natagalan ako, may dala ba kayong kotse?""Oo, magconvoy nalang tayo papunta sa inyo."
Sagot ko sa kanya.Dalawang beses siyang tumango pero napansin kong nasa likod ko ang atensyon niya, lumingon ako kung saan siya nakatingin. Ang akala ko si Athila ang tinitignan niya pero kay RCS7 nakatutok ang mata niya.
"Butler ko siya."
Sinagot ko na ang nagtatanong na mga mata niya.Malamang nakuha na niya ang sagot na kailangan niya kaya dalawang beses siyang tumango.
"Tara na, sundan niyo lang ako."Pumasok na siya sa sasakyan at pinaandar ang kotseng dala niya.
Narinig ko rin ang padabog na pagsara ni Athila sa pinto ng kotse namin.Mula sa pinto ng driver's seat nakita ko si RCS7 na nakatingin sa'kin, malamang hinihintay niya akong pumasok.
Kinunutan ko siya ng noo samantalang nagtaas lang siya ng kilay.Pumasok na ako ng kotse, sinundan lang namin ang kotse ni Bernardino hanggang sa makarating kami sa loob ng subdivision na tinitirhan niya.
Huminto kami sa tapat ng isang malaking puting bahay.
Pagbaba palang namin sa kotse naririnig na namin ang ingay sa loob.
Tinignan ko ang orasan ng cellphone ko, ala-una na ng hapon nang nakarating kami.Niyaya na kami ni Bernardino sa loob.
Pagpasok ko palang ng gate nila isang pamilyar na mukha na agad ang nakita ko na biglang lumabas mula sa bahay.
Nakangiti siya sa'kin.Ang gwapo ni Suea ngayon sa suot niyang asul na polo na siyang lalong nagpapatingkad sa good boy looks niya na minsan lang makita sa kanya.
Napansin ko rin ang pagbaling niya sa nasa likod ko at ang biglaang pagbabago ng ekspresyon ng mukha niya.
Malamang nakita niya si RCS7.Tumikhim ako saka ako lumapit sa kanya.
"Nandito ka na pala?"Inalis niya na ang tingin niya sa likod ko saka siya ngumiti sa'kin. Tinitigan niya ako mula ulo hanggang paa.
"Ang ganda mo ngayon."

BINABASA MO ANG
MY ROBOT BUTLER
Teen Fiction"Iniisip ko pa lang na ang tanging dahilan kung bakit ka narito sa tabi ko, ang siya ring dahilan kung bakit hindi kita pwedeng mahalin. Siguro nga baliw na ako, pero hinihiling ko na sana totoo na lang ang lahat." Meet RCS7, isang robot butler na i...