Sabrina's POV
--------------------Nagsimula na ang show. Isa-isang shinoshowcase ng lalaking emcee ang mga hayop na meron sila. Mas lalong nagiging masaya ang palabas dahil nagtatawag sila ng mga volunteer na siyang hahawak sa mga hayop na inilalabas nila.
Ilang hayop na ang ipinapakita. Natatawa kami kapag tumitili sa takot ang mga volunteer. Hanggang sa nagtawag ulit ang emcee.
"Ako!"
Nabigla ako nang biglang nagtaas ng kamay si Suea. Nagtinginan sa kanya ang lahat ang iba naman ay tumili pa dahil sa kilig.
Ngumiti sa kanya ang lalaking emcee.
"Sure, come here. Sir."Fluent ang english ng emcee marahil ay para rin sa mga bisitang galing sa ibang bansa.
Naglakad na palapit si Suea pero huminto siya sa tapat ko.
"Pwede ko ba siyang isama."Nanlaki ang mata ko nang sa'kin siya nakaturo. Mabilis kong iwinagayway ang kamay ko bilang pagtanggi. Nakangiti lang na nakabaling sa'kin si Suea.
"Sure! Do as you want."
Sagot ng emcee.Mabilis na kinuha ni Suea ang kamay ko. Umiiling ako pero hindi niya ako pinapansin. Ano na naman ito?
"Go best! Keri mo 'yan!"
Rinig kong cheer ni Athila."Go! Sabrina!"
Sigaw ni Emely."Ayaw ko Suea, natatakot ako."
Sabi ko."Don't worry, kasama mo ako."
Sagot niya.Hindi talaga maganda ang kutob ko rito.
Nakayuko ako nang nakarating kami sa harap. Si Suea excited na nakangiti sa harap at ako naman kabadong kabado.
"Guys! Lets give them a round of applause!"
Announce ng emcee nang nasa harap na kami pareho.Dumagundong ang sigawan ng mga schoolmate ko.
"Wooohh! Go! Cordona!"
Sigaw pa ng isa na hindi ko kilala."What's your name ma'am?"
Nag-angat ako ng tingin at nakita kong sa akin nakatutok ang mic na hawak niya.
Papikit akong sumagot.
"Sabrina Cordona."Nagsigawan na naman ang mga schoolmate ko. Lalo tuloy akong kinakabahan!
Nakita kong tumango ang emcee.
"Nice name, and where are you from?""Antipolo, Rizal."
Mahinang sagot ko."It's your first time here?"
Tanong ulit ng emcee."Ye-yes."
"Nice, a firstimer."
Narinig kong sabi ng emcee bago siya lumipat kay Suea na ganon din ang tinanong.Hindi ko na narinig ang pinag-uusapan nila pati ang sigawan ng mga schoolmate ko. Kinakain na ako ng kaba. Ano naman kayang ipapahawak sa'kin? Butiki? Malaking pusa? Bulate?
Ipinalahad sa'kin ang ang dalawang kamay ko. Sa tingin ko hindi malaki ang ipapahawak sa'kin. Mahaba!
Ako nanginginig na! Si Suea tuwang-tuwa pa.
Humarap ang emcee sa mga tao at may ipinaliwanag. Hindi ko na maintindihan sa kaba. pero narinig ko ang huling sinabi niya.
Nagsigawan na ang mga tao lalo na nang inilabas ang dalawang ahas na dala nila.
Itim ang isa at dilaw naman ang isa.
Halos mapatakbo ako nang inilagay na sa dalawang kamay ko ang dilaw na ahas. Nanginginig ako lalo na nang gumalaw na ang ahas at halos gapangin na ang mukha ko.
BINABASA MO ANG
MY ROBOT BUTLER
Dla nastolatków"Iniisip ko pa lang na ang tanging dahilan kung bakit ka narito sa tabi ko, ang siya ring dahilan kung bakit hindi kita pwedeng mahalin. Siguro nga baliw na ako, pero hinihiling ko na sana totoo na lang ang lahat." Meet RCS7, isang robot butler na i...