Sabrina's POV
--------------------------"Bree."
Dahan-dahan akong dumilat nang naramdaman kong ang malumanay na pagyugyog sa balikat ko.
Umungol ako para malaman niyang nagising na ako saka ako umunat.
Nakasandal ako sa balikat niya habang tulog kanina. Habang ang dalawang kamay ko naman ay naka-kawit sa pagitan ng braso at tagiliran niya."Nasa Vigan na tayo?"
Garalgal pa ang boses ko.Napansin kong nakahinto ngayon ang bus.
"Wala pa, nasa San Fernando, La Union pa lang tayo. Pero malapit na."
Malambing na sabi niya.Dumeretso na ako ng upo at pinasadahan ng tingin ang nasa kabilang parte namin.
Tumayo si Athila at Bernardino."Best, tara! Lunch tayo sa baba."
Aya niya sa'kin.Tumayo na rin ako para sumunod sa kanila. Binalingan ko si Roshan.
"Ikaw? Hindi ka bababa?""Bababa ako."
Lumabas na ako sa hilera ng mga upuan para makatayo na rin siya.
Sa likod namin natutulog pa rin si Suea at Emely. Pareho silang nakayakap sa mga sarili nila habang nakasuot ng mga jacket nila.Nilapitan ko sila at kinalabit si Emely sa gilid ng bintana. Tamad siyang dumilat saka pinasadahan ng tingin ang paligid.
"Oh? Nandito na tayo?"
Tanong niya habang kinukusot ang mata niya.Pati Suea ay nagising na rin.
"Wala pa. Nasa La Union palang tayo. Baba tayo para kumain."
Naglakad na ako palabas ng bus.Naramdaman kong sumunod na rin sa'kin agad si Roshan. Pagbaba ko ng bus nakaabang doon si Athila at Bernardino.
Dumalo ako sa kanila at ganoon din si Roshan na tahimik lang na sumusunod sa'kin.Sumampa si Emely sa huling baitang ng hagdan ng bus habang nakataas ang dalawang kamay.
"Hello! Ilokandia- aw!"Galit na galit siyang lumingon sa tumulak sa kanyang si Suea. Samantalang si Suea naman ay nakakalokong nakangiti lang.
"Ang bagal mo kasi, meron kapang nalalamang hello! Ilokandia!"
Itinaas rin niya ang kamay niya kagaya ng ginawa kanina ni Emely.Sabay kaming nagtawanan pwera lang kay Emely na halos humaba na ang nguso dahil sa tindi ng pagkakasimangot.
Tinawag na kami ng mga kasama naming teacher para pumasok sa loob ng restaurant. Naghanap kami ng mauupuan namin na kakasya kaming anim.
Nang nakahanap na kami ay umalis na si Emely, Bernardino, Suea at Roshan para kumuha ng mga makakain. Naiwan lang kami ni Athila.
Halatang naiilang siya dahil hindi siya makatingin sa naniningkit na mga mata ko. May kailangan akong malaman.Iginalaw ko ang kamay ko para magpalumbaba nang bigla siyang napakislot. Mukhang guilty nga siya.
"May... Hindi ka ba sinasabi sa'kin. Athila?"
Bungad ko."Wala naman, best. Bakit? May napapansin ka bang problema?"
Maang-maangan siyang ngumiti sa'kin.Nginisian ko siya.
"So... I love the nerdy things. Huh?"
Saka ako mataray na tumingin sa kanya.Sarkastiko siyang tumawa.
"Nagkita kasi kami kagabi- I mean hindi namin 'yon sinasadya... Nagkataon lang na kailangan naming pumunta pareho sa Marikina. Pero correction hindi kami nagdate, sinamahan ko lang siyang magpagupit at bumili ng matinong salamin. Kaya ayon! Bwala! Nakapagawa na rin kami ng damit ng hindi namin inaasahan."
Iwinwestra niya pa ang kamay niya na parang feel na feel niya pa ang pagkwewento.
BINABASA MO ANG
MY ROBOT BUTLER
Teen Fiction"Iniisip ko pa lang na ang tanging dahilan kung bakit ka narito sa tabi ko, ang siya ring dahilan kung bakit hindi kita pwedeng mahalin. Siguro nga baliw na ako, pero hinihiling ko na sana totoo na lang ang lahat." Meet RCS7, isang robot butler na i...