Roshan's POV
-------------------------"Good morning, my lady."
Ang pamatay na unang bati ko sa kanya kada umaga.Pero imbis na busangot na mukha ang iharap niya sa'kin, gulat na mukha ang bungad niya.
Bago a, baka may dumi ako sa mukha.Tinalikuhan ko na siya kahit mukha pa siyang nakakita ng multo.
"Nakahanda na po ang almusal sa labas, my lady. Hihintayin ko na lang po kayo doon.""Okay."
Tipid na sagot niya.At oo nga pala magsuot ka na ng bra, seriously, umay na umay na ako sa every morning show mo. Tssss.
Mukhang hindi ata maganda ang umaga ni The Victim ngayon, lutang ang utak niya. Nandon 'yung nalaglag niya 'yung kutsara habang kumakain siya dahil sa sobrang pagkatuliro niya, ipinanghugas niya ng plato ang dapat na panghugas lang ng kamay na liquid at ang pinaka-astig nilaglag niya ang mga laman ng cooler ng ref para lang makakuha ng pitsel.
Kaya ang pobreng ako ang nagmop ng lahat.Ganyan ba talaga kayong mga babae kapag nakipagdate? Natutuliro kinabukasan?
Alam ko ang tungkol sa date nila kagabi, nakarating ako sa rooftop ng building ng school nila kakahanap sa kanya.
Mukha nga siyang masaya kasama ang suha na 'yun.
Kaya siguro siya nagkakaganyan ngayon.Narinig ko na ang doorbell, siguradong si Athila na ang dumating, wala silang pasok ngayon at may usapan silang magshopping, para bumili ng gagamitin nila sa birthday ng kapatid ng kaklase nila.
Pagdating ni Athila nakabihis na rin si Sabrina, at as usual kailangang kasama nila ako. Sino ba namang lalaki ang gustong sumamang magshopping sa mga sosyal at matataray na babae? Bukod sa robot.
"Good morning, ma'am Athila."
Nakangiting bati ko sa kanya.Mataray lang niya akong tinaasan ng kilay saka siya bumaling kay Sabrina.
"Best, tara na... Excited na akong bumili ng bago kong damit."Kung hindi ka lang reyna ng katarayan maganda ka sana e. Tsss.
Kahit na nagsusungit siya nakakahumaling pa rin na titigan ang kulay chestnut niyang mata, bumabagay rin sa kanya ang kulay itim niyang buhok na siyang lalong nagpapatingkad sa white complexion niya, kaya kahit simpleng puting T-shirt lang ang suot niya na tinernohan ng maiksing itim na short umaangat pa rin ang ganda niya.
Kaya hindi kaduda-duda na siya ang campus princess ng school nila.Pumunta na kami sa sasakyan, sumakay silang dalawa sa backseat at ako lang ang nasa harap.
"Saan tayo pupunta? SM Masinag o SM Marikina?"
Tanong ko sa kanila."SM Marikina tayo... A- RCS7."
Narinig kong nagsalita si Sabrina sa likod. Binalingan ko siya pero nakatuon ang tingin niya kay Athila.Sinimulan ko nang paandarin ang sasakyan, kung tutuusin mas malapit ang SM Masinag dito sa Cogeo pero mas malaki ang SM Marikina kaya doon nila gusto, mukhang marami silang bibilhin.
"Really? May nangyari palang kakaiba nung bumalik ka kagabi?"
Umalingaw-ngaw sa kotse ang malakas na boses ni Athila.Pinag-uusapan nila ang nangyari kagabi.
"Ahm- oo, pero simpleng dinner lang naman, best."
Medyo mahinang tugon ni Sabrina.Halata sa boses niya na naiilang siyang pag-usapan ang mga ganung bagay.
Ba't nagmumukha siyang mabait kapag lovelife ang pinag-uusapan?
"Oh? Tapos? Ano nang nangyari?"
Excited na tanong ni Athila.

BINABASA MO ANG
MY ROBOT BUTLER
Teen Fiction"Iniisip ko pa lang na ang tanging dahilan kung bakit ka narito sa tabi ko, ang siya ring dahilan kung bakit hindi kita pwedeng mahalin. Siguro nga baliw na ako, pero hinihiling ko na sana totoo na lang ang lahat." Meet RCS7, isang robot butler na i...