Sabrina's POV
--------------------------Hapon na nang mapagdesisyonan namin na umuwi. Masayang kasama sila tita Lorie at Elpidio. Kung hindi lang sila malakas mangbuyo sa'ming dalawa ni Roshan.
Nagpaalaman na kami sa isa't isa tapos ay dumeretso na kami si Roshan sa parking lot ng mall.
"Oh? Ba't d'yan ka pumwesto?"
Takang tanong ko sa kanya nang umupo siya sa front seat, na dapat ay sa driver's seat siya pumwesto.Nagkibit-balikat siya.
"Ikaw magdrive.""Baliw ka ba? Paano kapag nadisgrasya tayo?" Hinila ko siya palabas pero mas malakas siya sa'kin.
"Don't worry, gagabayan naman kita."
Mapapanatag na sana ako kung hindi lang siya nakakalokong nakangiti. Ngisi ng demonyong may masamang balak.
"Umayos ka nga, Roshan! Hindi ko na gusto ang ganitong trip mo."
May kataasan na ang boses ko.Natunaw ang pilyong ngisi niya at napalitan ng pagiging seryoso.
"Gusto ko lang gawin ngayon. Baka kasi sa susunod hindi na kita mapanood ulit na magdrive."Hindi ko alam kung anong magic ang ginawa niya, pero nawala ang pangamba ko at napalitan ng simpatya tungkol sa sinabi niya. Oo nga naman tama siya.
"Basta alalayan mo ako, ha?"
Sumilay nanaman ang nakakalokong ngiti niya. Hay na 'ko! Parang gusto ko nang bawiin ang sinabi ko.
"Oo naman, akong bahala."Umupo na ako sa driver's seat para magdrive. Pagdagundong pa lang ng makina halos mapatalon na ako sa kaba.
Bakit ba kasi ako naniniwala sa isang ito?"Dere-deretso lang ang daan pauwi kaya hindi ka na mahihirapan, Bree."
Hindi ko na siya sinagot, pinaandar ko na lang ang kotse para matapos na 'to. Bakit ba pakiramdam ko isecelebrate ko ang birthday ko ng nakawheelchair ako?
Naging madali lang ang paglabas namin sa mall. Pero nang nakalabas na kami sa kalsada ay doon na nagsimula ang kalbaryo ko. 20 kilometers per hour lang ang takbo ng kotse kaya makailang beses kaming binusinahan ng mga kasunod namin.
First time kong magdrive sa isang public highway kaya pakiramdam ko maiiwan ko na ang puso ko sa kalsada habang nagdradrive. Halos hindi pa umuusad ang sasakyan namin dahil sa bagal ng takbo ng sasakyan. Mas mabilis pa ata ang tibok ng puso ko kesa sa ikot ng apat na gulong ng kotse.
"Roshan! Binubisinahan nila tayo."
Nanginginig na ang kamay kong may hawak ng manibela."Talagang bubusinahan nila tayo, ang bagal mo, e."
Humagalpak pa siya ng tawa."Huwag kang tumawa d'yan! Naduduling na ako rito!"
Sigaw ko sa kanya dahil hindi na siya magkamayaw sa kakatawa."Deretso lang, Bree. Huwag mong pansinin ang mga nasa paligid."
"Baka may LTO dito! Baka mahuli tayo, wala pa naman akong lisensya."
Diyos ko, naiimagine ang sarili ko na nakahawak sa rehas habang hinihihipan ang birthday cake ko."Okay lang 'yan! Ako rin naman walang lisensya."
Nanlalaki ang mata kong bumaling sa kanya kahit halos manginig na ako sa kaba dahil sa pagmamanehong ginagawa ko.
"Wala akong lisensya, Bree. Saan ka ba nakakita ng robot na may lisensya?"
Humagalpak na naman siya ng tawa.Pakiramdam ko umakyat na sa utak ko lahat ng dugo ko dahil sa sinabi niya. Napalitan ng nagpupumuyos na galit ang takot ko. Ang walang hiyang robot na 'to, balak pa yata akong pagpaskuhin sa kulungan.

BINABASA MO ANG
MY ROBOT BUTLER
Teen Fiction"Iniisip ko pa lang na ang tanging dahilan kung bakit ka narito sa tabi ko, ang siya ring dahilan kung bakit hindi kita pwedeng mahalin. Siguro nga baliw na ako, pero hinihiling ko na sana totoo na lang ang lahat." Meet RCS7, isang robot butler na i...