Chapter: 20

109 9 0
                                    

Sabrina's POV
--------------------------

Ipinagpatuloy ni Roshan ang pagtuturo sa'kin hanggang linggo. Kahit papaano marunong na akong magdrive. Mas mahirap siya kesa sa inaakala ko, pero nakaraos naman. Mas mabilis nga lang akong tumakbo gamit ang paa ko kesa sa pagpapatakbo ko gamit ang kotse.

"Kamusta naman ang training mo kahapon, best?"
Sinulyapan ko si Athila habang kumukuha siya ng notebook na gagamitin namin sa first subject.

Sinulyapan ko rin si Roshan, nakadungaw siya ngayon sa bintana ng corridor.

"Okay naman, best. Kahit papaano marunong na. Sa susunod pwede ko nang itakbo 'yong kotse."
Tumawa ako.

Natanaw ng mata ko ang pagbaling sa'kin ni Roshan, kinunutan niya ako ng noo. Tinaasan ko siya ng kilay.
Ayan nakuha ko rin ang atensyon niya.
Wait? Bakit ko nga ba kinukuha ang atensyon niya?

"Loka-loka! Dapat magpagood-shot ka sa daddy mo, malay mo bilhan ka niya ng sarili mong kotse. Mas okay 'yon."
Binuklat ni Athila ang notebook niya.

Kinalkal ko na rin ang bag ko para kunin ang notebook para sa first subject.
Naramdaman kong may kumalabit sa balikat ko.
Paglingon ko ang ngiti ni Suea ang nadatnan ko.

"Yes?"
Hinugot ko ang notebook sa bag ko saka ako bumaling sa kanya.

Inilagay niya ang kamay niya sa sandalan ng upuan ko at nasa desk ko naman ang isa.

"Balita ko nag-aaral ka na daw magdrive?"
Kinagat niya ang ibaba ng labi niya.

"Uh huh? Paano mo nalaman?"

Tumaas ang kalahati ng labi niya.
"May nagsabi sa'kin."

Naniningkit ang mata kong bumaling kay Athila. Malamang alam niya na agad ang dahilan kaya ako bumaling sa kanya. Mabilis siyang umiling.

"Hindi ako, best."
Madiin na sabi niya.

Hindi naman sa ayaw kong malaman ni Suea na nag-aaral akong magdrive. Kaso paano kung magtanong siya kung kamusta ang progress ko? Sigurado pagtatawanan niya ako sa isip niya kapag nalaman niya na mas mabilis pang maglakad ang 80 years old na matanda kesa sa kotse namin nang ako na ang nagdrive.

Ibinalik ko ang mata ko kay Suea.
"Sinong nagsabi sa'yo?"

"Si kasungsong,"
Bumaling siya kay Athila.
"Hoy! 'Di ba, nagtetext kayo ni Kasungsong?"

Nanlalaki ang mata kong bumaling kay Athila.
Naabutan ko siyang namumutla habang nanlalaki ang matang nakatingin sa'kin.
"Uhm..."
Isinaksak niya agad ang earphone sa tenga niya saka bumaling sa notes niya.
"Aral mode muna ako ngayon, best! Bawal muna ang istorbo."

Hindi ko alam kung anong mas nakakagulat. Ang malaman ni Suea ang tungkol sa pag-aaral kong magdrive dahil sa kanya, o dahil nalaman 'yon ni Suea dahil magkatext si Athila at Bernardino.

Mula sa tabi ni Athila natanaw ko ang pares ng mata na kanina pa nagmamasid sa'kin. Mukhang binabantayan niya na naman ang kilos ko.
Itinaas niya ang kilay niya para tanungin kung bakit ako nakatingin.
Kinunutan ko siya ng noo saka ako bumaling ulit kay Suea.
Kapag siya okay lang kahit maghapong tumingin sa'kin, kapag ako? Matitigan lang siya saglit akala mo bigdeal na. Tss!

"Yup, nagaaral na akong magdrive."
Sagot ko.

Sumilay na ang ngiti sa labi niya habang focus na focus sa'kin ang mga mata niya.
Parang nang-aakit lang?
"Good, sa susunod gusto ko namang maranasan kung paano ka magdrive."
Kinagat niya ulit ang ibaba ng labi niya.

Naniningkit ang mata ko habang nakatingin ako sa kanya.
Ako lang ba? O iba talaga ang dating ng sinabi niya.

Kasunod ang paghagalpak niya ng tawa.
"Kidding."

MY ROBOT BUTLERTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon