Chapter: 9

98 9 0
                                    

Sabrina's POV
--------------------------

"Cordona!"
Halos mapatalon ako sa upuan ko nang marinig kong malakas na isinigaw ng teacher namin ang apelyido ko.

"Yes Ma'am."
Saka ako mabilis na umayos ng upo.

"Kung gusto mo lang din palang matulog sa klase ko dapat umuwi ka na lang at doon mo ituloy ang tulog mo."
Sermon sa'kin ng masungit na teacher namin, nakakahiya nasermonan tuloy ako sa harap ng mga kaklase namin.

"Sorry po Ma'am, hindi na po mauulit."
Sabi ko nalang para matapos na.

"Best, ano bang meron? Hindi ka ba nakatulog kakaisip sa nangyari sa date niyo kahapon?" Nakangising sabi ni Athila sa tabi ko.

Nginisian ko lang siya, wala siyang alam na nasira ang date namin kahapon ni Suea, ang alam niya siguro naging masaya ang date namin at walang muntikang magsapakang tao at pilyong robot. Tsss.

Nilingon ko ang kinalalagyan ni Suea, normal naman sa kanya ang lahat. Sinusulat niya ngayon ang mga sinusulat ng teacher namin sa blackboard. Nahihiya tuloy ako sa kanya dahil sa nangyari kahapon.

Pagdating ng lunch break namin mag-isa nalang akong kumain sa canteen dahil may gagawin si Athila at Emely.
Disadvantage kapag may position sa school ang mga kaibigan mo, lagi silang busy.

Pumila na ako para kumuha ng pagkain, maingay sa canteen kaya naglagay ako ng earphone. Pagkatapos kong magbayad pumunta na agad ako sa table na lagi naming inuupuan.

Nakakalungkot lang dahil silang dalawa lang ang kaibigan ko, kaya kailangan kong kumain ngayon ng mag-isa.

Nakakaisang subo palang ako ng kanin nang may nakita akong inilapag na plato sa tapat ko, pabagsag ang paglagay n'on kaya tumalsik ang ilang patak ng sarsa ng chicken curry sa pisngi ko. Sucks.
Sino na naman kaya 'to!

Mabilis akong tumingala para makita ko kung sinong mokong naman kaya ang gumawa nito sa'kin.
Namilog na lang ang mata ko nang makita ko kung sinong nasa tapat ko ngayon.
Suea, nakangiti siya sa'kin, sumenyas siya na tanggalin ko ang earphone ko na ginawa ko naman.

Naglagay siya ng bote ng softdrinks malapit sa plato ko.
Umupo na rin siya sa tapat ko.

"Nakalimutan mong kumuha ng maiinom, paano kapag nabulunan ka? E 'di natigok ka nang wala sa oras."
Nagsimula na siyang sumubo ng pagkain.

Kung umasta siya parang walang nangyari kahapon, nakangiti siya habang kumakain, ang sarap lang talaga niyang pagmasdan.

"Paano mo nalaman na nandito ako?"
Mataray na tanong ko sa kanya.

"Paglabas mo palang ng room nakasunod na ako sa'yo, grabe ka palang maglakad... walang lingon-lingon."
Humigop siya ng softdrinks niya.

Tumingin ako sa paligid, ngayon ko lang napansin na pinagtitinginan ngayon si Suea, hindi ko alam na talagang sikat siya at kaya matindi kung makatingin ang lahat sa kanya.
Nakikita ko ang ilang babaeng estudyante na kilig na kilig habang nanonood sa kanya.
Sabagay hindi ko naman sila masisisi, gwapo naman talaga si Suea.

Sigurado akong kung hindi lang siya maangas at masungit maraming babaeng magkakandarapa sa kanya.
Sa'kin lang siya naging ganito ka bait at nagkaroon pa ako ng chance na makadate siya... sablay pa.
Dahil sa bwisit na robot na 'yon.

"Himala wala ka ngayon sa rooftop."
Tanong ko sa kanya.

Huminto siya sa pagngasab ng manok na hawak niya saka siya seryosong tumingin sa'kin.
"Alam ko kasing hindi ka pupunta d'on, dahil nahihiya ka sa'kin."

Bumalik nanaman sa utak ko ang nangyari kahapon! Nakakahiya talaga.
Tama nga siya, hindi talaga ako pupunta sa rooftop, wala akong mukhang ihaharap sa kanya dahil sa malaking kahihiyan na nangyari kahapon.

MY ROBOT BUTLERTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon