Chapter: 21

88 11 0
                                    

Sabrina's POV
-----------------------

Naging maayos ang buong linggo namin.
Hindi naman nahirapang mag-adjust si Roshan dahil mainit naman ang pagtanggap sa kanya ng lahat- I mean halos lahat maliban kay Suea na laging nakabusangot kapag nakikita siya.

Nakaupo ako sa tapat ng computer ko para magsearch sa internet para sa assignment namin ngayong weekend.
Kanina pa ako nagtitipa ng mga sagot para sa mga questioner ko. Lahat ng subject ko ngayon may assignment kaya natagalan ako. Buti na lang patapos na ako.

Tumingin ako sa orasan at nakitang ala-syete na pala ng gabi. Hindi ko napansin na gabi na rin pala. Sabado bukas kaya siguradong tuturuan ulit ako ni Roshan para magmaneho.

Biglang tumunog ang cellphone ko nang biglang may nagtext.
Dinampot ko ang cellphone ko para basahin kung sinong nagtext.
Bahagyang kumunot ang noo ko nang nakita ko kung sino.

EMELY:

Hi Sab, pwedeng tumawag? :)

Ano naman kaya ang meron at gusto niya akong tawagan?
Nagtipa ako ng reply sa kanya.

AKO:

Sure.

Wala pang ilang segundo tumunog na agad ang cellphone dahil may tumawag.
Sinagot ko naman agad.

"Hi Sab!"
Bati niya sa kabilang linya.

"Hi Emely, anong dahilan at napatawag ka?"

Tumayo na ako sa upuan saka patihayang ibinagsak ang katawan ko sa kama.

"Ito namang si Sabrina, hindi ba pwedeng nangangamusta lang?"

Naningkit ang mata ko sa kisame.
Hindi maganda ang kutob ko rito.

Nakahalata siguro siyang nanahimik ako kaya siya na ang nagsalita ulit.

"Kinukuha ko kasi 'yong cellphone number ni Roshan pero ayaw naman niyang ibigay... nagbabakasakali lang baka alam mo ang number niya."

Here she is! Sabi ko na! Hindi ka nga talaga tatawag para kamustahin lang ako.

"Wala siyang cellphone."
Malamig na sagot ko.

"Ahm ganun ba?"
Naramdaman ko ang panghihinayang sa boses niya.
"Tulungan mo naman akong mapapayag siyang makipagdate sa'kin... Ayaw rin kasi niya."

Lalong naningkit ang mata ko sa kisame.
Kung nakakabutas lang ng kisame ang mata ko, malamang kanina pa kami walang bubong.
Alam ko na close kami, kung tutuosin wala namang masama sa hinihiling niya. Hindi rin naman niya alam na robot si Roshan.
Pero bakit ayaw ko? Hindi dahil naiirita ako sa paghingi ng tulong sa'kin ni Emely. Basta ayaw ko lang. Ayaw na ayaw.

"I'll ask him first."
Malamig na sagot ko.

Narinig ko ang halos pagtili ni Emely sa kabilang linya.
"Thanks Sab, thanks talaga."

Naniningkit lang ang mata ko habang tumatango sa kanya.

May kumatok sa kwarto ko.

"Yes?"
Tanong ko.

"Pinapababa ka ni sir Saber, may bisita ka."
Si Roshan.

"Bisita?"
Hindi na siya sumagot malamang umalis na siya agad.

Bisita? Sigurado akong si Athila ang tinutukoy niya. Bakit hindi na lang siya dumeretso sa kwarto?

"Si Roshan iyon no? Ang gwapo talaga ng boses niya! Boses niya pa lang gwapo na. Lalo pa siya!"

MY ROBOT BUTLERTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon