Roshan's POV
---------------------Ito na ang araw na pinaka-ayaw ko sa lahat. Bumaba na ako ng kotse para pumasok sa building ng Cordona Enterprise.
Pakiramdam ko ang bigat ng buong katawan ko. Oo, nung una gusto ko ang ideya ng pagtigil ko sa pagpapanggap bilang si RCS7, pero iyon 'yung mga panahon na bumabiyahe pa lang ako papunta rito sa maynila galing ng Pagudpud.
Nagdesisyon si tito Lukas na pauwiin na ako dahil sa nangyaring insidente ng tangkang pagkidnap kay Sabrina. Ayaw daw niyang isaalang-alang ang buhay ko dahil lang dito. Naiintindihan ko siya pero hindi ko talaga magawang matuwa sa ideya niyang pauwiin na ako.
Kahit konti, hindi ko ikinatuwa ang ideya na iyon.Pagpasok ko nadatnan ko si Tisay at tito na nag-uusap sa tapat ng malaking salamin na capsule ni RCS7. Parang kailan lang nung una akong tumapak sa lugar na ito. Sa tingin ko ito na rin ang huli.
"Tito."
Bungad ko sa kanila. Kumaway ako sa kanilang dalawa habang naglalakad ako papalapit.Humarap sa'kin si tito ng may pag-aalala sa mukha. Sucks! Naiirita talaga ako kapag ganyan siya sa'kin.
"Mabuti naman at dumating ka na. Bukas ng umaga bumyahe ka na pauwi sa Pagudpud. Hindi na kita maihahatid dahil kailangan na nandito ako kapag nalaman nila ang tungkol sa pagkasira ni RCS7."
Umupo siya sa monoblock na upuan saka niya pinisil ang sintido niya.Nung nakaraan pa siya hindi mapakali. Ang gusto nga niya huwag na akong sumama sa fieldtrip, buti na lang nagawan ko pa ng paraan.
"Roshan, kape."
Iniabot sa'kin ni Tisay ang kape. Tumango lang ako sa kanya bilang pagpapasalamat."Anong idadahilan mo sa kanila?"
Umupo ako sa monoblock na upuan sa tapat ni tito."Sasabihin kong nasira si RCS7 habang sinasagawa ang maintenance niya. 'Di bale isang buwan na lang naman ang kailangan para makuha ang pyesa na kakailanganin. Gagawan ko na lang ng paraan."
Ginulo niya ang buhok niya. Mukhang stress nga siya. Tssss."Sabi ko naman sa'yo tito, ako na munang bahala. Tapusin ko na lang ang huling isang buwan pa, para walang maging-"
Pinutol niya ang sasabihin ko."No! Hindi ko isusugal ang buhay mo para dito, hindi ko alam kung gaano kasama si Mr. Seclarin. Pero sigurado ako na hindi sila magdadalawang isip na patayin ka lalo na kung robot ang tingin nila sa'yo... Problema ko ito, hayaan mo na ako dito."
Natahimik ako sa sinabi niya. Siguro nga tama siya. Dapat wala na akong tutol, pero may isang parte ng katawan ko ang matindi ang pagtutol. At sigurado akong walang kinalaman ang konsensya ko doon.
Tumayo ako at hinarap ang malaking capsule kung nasaan si RCS7. Mukha pa rin siyang mahimbing na natutulog.
Hinaplos ko ang salamin na nagsisilbing harang niya. Wala siyang kahit anong suot ngayon. Makikita mo talaga ang pagiging robot niya dahil sa kawalan ng ilang parte ng katawan niya. Kagaya ng... Sex organ? Wala siya n'on. Slide lang ang makikita mo sa parteng iyon."Kapag ikaw na ang nasa pwesto ko, ingatan mo siya. Huwag na huwag mo siyang paiiyakin." Nakadama ako ng kalungkutan sa ideya ng katotohanan na aalis na nga ako bukas at maaring hindi ko na makita ulit si Sabrina. Bumaling ako kay tito.
"Aaminin ko, hindi ko gusto ang ideya mo. Pero kagaya nga ng sabi mo. Problema mo ito, nagawa ko na ang parte ko, ikaw nang bahala."Tumango lang si tito.
Nabulahaw kami nang biglang may pumasok sa loob ng laboratory.
Halos madapa sa pagtakbo si Alfred the Glass dahil sa sobrang pagmamadali niya.Nagpalipat-lipat muna ang tingin niya sa'ming dalawa ni tito bago siya nagsalita. Pwede namang sabihin agad may nalalaman pa siyang adlib. Tsss.
"Anong meron, Glass? Bakit para kang hinahabol?"
Tanong ko.
BINABASA MO ANG
MY ROBOT BUTLER
Teen Fiction"Iniisip ko pa lang na ang tanging dahilan kung bakit ka narito sa tabi ko, ang siya ring dahilan kung bakit hindi kita pwedeng mahalin. Siguro nga baliw na ako, pero hinihiling ko na sana totoo na lang ang lahat." Meet RCS7, isang robot butler na i...