Mission 2

5.4K 128 1
                                    

Please do votes and leave a comment.

---
Rylee POV

Kasalukuyan kaming kumakain ngayon ni Adam ng meryenda at syempre nasa canteen kami ngayon. Alangan naman sa C.R! Tsk!

Pagkatapos ng nangyari kanina sa room ay ipinagsawalang bahala ko na lang ito. I need to calm my self to create a new character that will rid them all. Kaya hangga't maaari ay iiwas muna ako sa gulo. Kung kaya kong magtiis, magtitiis muna ako. I also want to feel a peaceful life for atleast a month.

"Ateng, ang liit naman ng kinakain mo."wika ko sa kanya habang nakatingin sa pagkain niya.

I need to get rid on him kaya nagpapamabuting nilalang muna ako. Tsaka ang konte talaga ng inorder niya. Sayang naman kung titipirin niya ang sarili niya, ang sasarap pa naman ng benebenta nila dito. Pang-special talaga kahit na yung sandwich lang ay napakasarap. Parang pang five-star ang sarap. Kung sa bagay ay pang-mayaman naman ang school na 'to.

"Sis, nagdadiet ako. Kaw din magdiet ka dahil mas lalo kang papangit kapag tumaba ka."napasimangot ako sa sinabi niya. Kailangan talagang ipamukha? Hsst!

Hindi naman ako yung tipo ng taong sobrang ganda at hindi rin naman sobrang pangit. But for me, I consider myself as 'pangit' because of my style right now and ofcourse because of this shit. It stress the hell out of me. Daman!

Sa ayos ko ngayon pwede ng pumasa bilang nerd. Look, I'm wearing a not so thick eye glasses and I also have bangs that makes my face hide for atleast half of it.  Hindi naman yung tipong abot hanggang ilong ang bangs ko, hmm, hanggang sa may kilay ko lang siya. I also put a fake mole between my nose and tounge.

"Buti ka pa, sis at marunong kang magdiet. Hindi ko kasi mapigilan ang mapakain ng ganito karami dahil nagugutom ako ng sobra."

Totoo yan. Wala kasi akong makain na maayos at hindi naman ako ganun kagaling magluto. Kaya puro cup noodles ang laman ng tiyan ko.

"Halata nga, sis. Parang limang taon kang hindi nakakain ng tunay na pagkain. Tignan mo nga, ginawa mo ng baboy ang lamesa natin."natatawa niyang saad habang nakalahad ang kamay sa lamesa naming napakadumi.

May mga pagkain kasi na natapon. May mga stick pa ng spaghetti na pakalat-kalat sa mesa, tapos yung plastic ng sandwich na pinagkainan ko kanina ay nandiyan lang at nakatambak. May mga kalamansi pa sa gilid na ginamit ko kanina sa pansit. Bigla tuloy akong napangiwi dahil sa ayos nito. Ewww, para akong di desenteng tao dahil sa mga pinagkainan ko.

"Wag mo na lang akong pansinin, sis. Ganito lang talaga ako dahil limang taon talaga akong hindi nakakain ng matino."natatawang sagot ko sa kanya.

"Nakakaloka ka talaga, sis!"

Napailing na lang ako dahil sa sinabi niya. Siya pa talaga ang naloka sakin.

Imbis na sumagot pa sa kanya ay kinuha ko na ang isa pang sandwich. Ang kahuli-huliang pagkain na inorder ko.

Kinagat ko ito at halos makalahati na. Ang liit kasi eh! Kasing laki lang yung tinapay niya doon sa pinoy tasty bread, pero masarap.

Isusubo ko na sana ulit yung kalahati pa ng may bigla na lang humablot nito at tsaka niya isunubo! Heeeeellll! Wala na akong pagkain! Yung sandwich ko!

"Salamat!"natatawang wika ng batang 'to. Ang sarap niyang sapakin pero kailangan ko munang pigilan ang sarili ko dahil ayaw kong mapatrouble dito.

Umupo siya sa tabi ko at nakisip-sip pa sa juice na nasa baso ko. Ang kapal! Sinamaan ko siya ng tingin pero nginitian lang niya ako ng pagkatamis-tamis.

Make The Mafia's FallTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon