Please do votes and leave a comment.
---
RYLEE POV"Kuya, naman! Engagement party ngayon ni Axl kaya dapat nandun tayo!"inis 'kong wika kay kuya.
Hanggang ngayon kasi ay nakikipagmatigasan pa rin siya. Kung ayaw niyang pumunta ede wag lang. Basta ako ay pupunta. Bahala siya diyan.
"Ang kulit mo naman, Baby AR eh! Sabi na ngang di tayo pupunta doon."inis din niyang sagot sakin.
Napairap na lang ako dahil sa inaasta niya. Kaninang umaga pa siya ganyan at mamaya na ang engagement party. Actually, ay ako na ang umayos ng lahat ng iyon. Regalo ko na iyon kay Axl dahil sa lahat-lahat ng ginawa niyang pagproprotekta sakin noon. Isa pa ay minsan lang akong magbigay sa kanya kaya lubos-lubosin na. Kaya naman sayang lang ang inihanda ko kung di ko rin lang matutunghayan ang pangyayaring ito sa buhay niya.
"Kuya, naman. Minsan lang mangyari ito sa buhay niya. Bahala ka nga diyan! Kung di ka pupunta ede hindi. Basta ako, pupunta ako!"inis 'kong sagot sa kanya at padabog na sinara ang pinto sa kwarto niya.
Nandito pa rin kami sa bahay ni Jace dahil ayaw naman niya kaming paalisin. Nagpabugbog pa nga siya kay kuya para lang wag kaming umalis. Medyo nakakakilig yung ginawa niya at nakakainis naman si kuya.
"What's with that face?"tanong niya ng makasalubong ako.
"Si kuya kasi eh. Ayaw niyang pumunta sa engagement party ni Ace tapos pati ako ay idadamay niya pa."sumbong ko sa kanya na inilingan naman niya.
"I'll go with you."napangiti ako ng malawak dahil sa sinabi niya. Kaya mahal na mahal ko siya eh.
Agad ko siyang dinamba ng yakap at pinaghahalikan ang mukha niya.
"Thank you! I love you, JM!"masayang wika ko sa kanya na ikinangiti naman niya.
"For you. I love you too, baby."ngiting wika niya habang nakayakap sa bewang ko.
"Ayeee~ kinikilig ako shit!"bulalas ko sa kanya na tinawanan naman niya.
Nakakatawa lang yan kapag kaming dalawa lang.
"Sige na, maligo ka na at maliligo na din ako."tumango siya sa sinabi ko at kinalas na niya ang pagkakayakap sakin.
Agad akong dumiretso sa kwarto ko at sinimulan na ang ritwal.
--
"Congrats, Kat."bati ko sa girlfriend ni Ace.Nagliliwaliw ako dito sa mga pagkain ng makita ko siya kaya kinongrats ko na. Ano kaya ang magiging reaksyon niya mamaya kapag nagpropose na si Axl? Hmm! I'm excited to witness that moment!
"Salamat. Ikaw, sa March ka na gragraduate ng highschool noh?"natawa ako sa sinabi niya.
Buong akala pala niya ay nasa highschool pa lang ako. Well, ganun na nga, kaso nga lang nasa mission ako kaya imbis na nag-accelerate na ako, ay napawi pa. Napabalik tuloy ako ng wala sa oras dahil sa pesteng mission na binigay sakin ng peke 'kong ama. Pero ayos lang din dahil nakakilala naman ako ng bagong pamilya at sa mission na ito ko na ipakita ang lahat ng emosyon ko.
"Kamusta na pala kayo ni Ace? Nalaman 'kong kayo na pala isang buwan na. Naku, kung hindi lang nadulas si Ked ba'ka hanggang ngayon ay hindi ko pa alam na kayo na."pang-iiba ko sa topic.
Actually, wala naman talagang nababanggit sakin si Ked. Sadyang siya lang ang naisip 'kong idahilan.
"Ah. Hahaha.. ganun ba?"medyo natotonohan ko ang awkwardness sa boses niya na hinayaan ko na lang.
Tumango-tango ako sa kanya pero nang maisip ko ang ugali noon ni Ace ay agad akong napasimangot.
"Alam mo, simula noong naging kayo ni Ace lagi ko na siyang nakikitang masaya. Minsan nga nagmumukha na siyang baliw dahil tumatawa siya sa isang tabi. Hahaha! Maraming salamat."
BINABASA MO ANG
Make The Mafia's Fall
ActionMaking the Mafia's fall is hard to do. How can I complete my mission if I am the one who fall in my own trap? LANGUAGE:Tagalog & English STATUS:Completed BOOK 2:Make The Mafia's Back SERIES:Mafia Series 2.1 GENRE:Action AUTHOR:M.M (Miixxiimii) COVER...