Please do votes and leave a comment.
---
KED POVPagpasok ko sa room ay agad 'kong nakita si Rylee na nakaupo sa upuan ko habang nakapalumbaba siya at nakatingin sa labas ng bintana. Akala ko hindi na naman siya papasok. Sa tatlong araw na pag-absent niya ay nag-alala kaming lahat. Lalong-lalo na si Sir na lagi kaming pinapaalalahanan na dalawin siya. Naku, kung hindi ko lang kilala si Sir ay ba'ka iisipin 'kong anak niya si Rylee. Kasi naman, grabi siya kung mag-alala.
Nagkibit-balikat na lang ako dahil sa isiping iyon.
Tumungo ako sa pwesto ni Rylee at agad siyang tinabihan. Napansin naman niya agad ako dahil liningon niya ako at nginitian. Pakiramdam ko tuloy ay buo na ang araw ko. Naku, kung hindi ko lang alam na may kaya si Rylee ay ba'ka iisipin 'kong kinukulam niya ako. Kasi, naman kapag ngumingiti siya ay hindi mapakali ang pesteng laman loob. Tsk! Sila Josh kaya ganito rin ang nararamdaman? Ignorante pa naman ako pagdating sa babae. Kasi naman! Puro shibuli ang kasama namin at walang totoong babae. Si Rylee pa lang.
"Aga natin ha."wika ko sa kanya sa tonong nang-aasar.
"Syempre. Ako pa!"masigla niyang wika kaya napangiti ako.
Ginulo ko ang nakaterentas niyang buhok kaya napasimangot siya. Hala! Nagpapacute pa ang potek!
Wag ka naman ganyan Rylee! Alam 'kong may itsura ka pero wag mo ng lampasan pa ang kacute'an ko!
"Nagandahan ka sakin no?"
Pakiramdam ko ay biglang naging abnormal ang tibok ng puso ko dahil sa sinabi niya. Ano ba 'tong nangyayari sakin. Dudukutin ko 'tong pesteng puso na 'to eh!
"Huh? Nagandahan ka diyan! Ang panget mo nga eh!"wika ko sa kanya na ikinasimangot naman niya.
"Aray ha! Ang sakit mong magsalita."sagot niya sakin na ikinatawa ko naman.
"Feelingera ka kasi. Psh!"
"Feelingera ka diyan. Sus! Nakakuha ka lang kasi ng picture sakin eh."
"Ba'ka kasi ako yung idol mo."
"Idol? Wow ha!? Hindi ako nainform na bumaba na pala ang standards ko."pang-aasar niya na ikinasimangot ko.
Ang sakit niya magsalita eh! Parang sinabi na din niyang ang panget ko. Kutusan ko kaya 'to ng malaman niya. Tsk! Kundi ko lang nakita ang pormahan niya noon ay hindi ako magpapaasar sa kanya pero tangina! Tablado ako eh. Ang ganda at ang sexy niya noon.
"Ang panget mo talaga! Wag ka ngang ngumuso diyan."
"Ngumunguso ba ako?! Halikan kita diyan eh!"
"Ked, come here!"napalingon ako sa bwisit na sumingit pero agad ko ding binabawi ang salitang bwisit dahil si bossing pala.
Narinig kaya ni Jace ang sinabi ko? Naku, lagot ako. Sana hindi niya narinig ang huling salita na sinabi ko. Alam ko naman kasi na patay na patay siya kay Rylee kahit di niya sabihin. Kunwari pa kasi 'to eh. Di pa lang niya ligawan si Rylee at iwan na lang niya si Safhira. Lagi na lang niyang hinahabol yung babaeng yun eh sa tingin ko ay maluwag na siya. Psh! Kapag talaga may nanligaw kay Rylee who you ka bossing. Di kita tutulungan. Tsk!
Lumakad si Jace palabas ng classroom kaya sumunod na lang ako sa kanya. Ano na naman kaya ang sasabihin niya?
****
RYLEE POVPagkakataon ko na yun. Pagkakataon ko na para matanong kay Ked kung saan sila nakatira noon ni Ace pero dahil sa bwisit na JM na yun ay nabulilyaso pa. Naku, kung hindi lang ako nakucurious kay Ace ay hindi ako mag-aaksaya ng panahon para sa kanya. Kaya nga ako pumasok ngayon araw para sana magtanong. Kailangan ko ng maunawan ng lubos ang pagkatao ni Ace dahil ang dami-dami ng pumapasok sa isipan ko. Tsaka para malibang din ang sarili ko dahil sa nangyari sakin noong nakaraang linggo. Gusto ko munang alisin sa isipan ko ang kalagayan ni kuya. Dahil kung hindi ko gagawin yun ay mas lalo lang na mahihirapan ako na tulungan ang kuya ko.
BINABASA MO ANG
Make The Mafia's Fall
ActionMaking the Mafia's fall is hard to do. How can I complete my mission if I am the one who fall in my own trap? LANGUAGE:Tagalog & English STATUS:Completed BOOK 2:Make The Mafia's Back SERIES:Mafia Series 2.1 GENRE:Action AUTHOR:M.M (Miixxiimii) COVER...