Mission 26

2.2K 64 15
                                    

Please do votes and leave a comment.

---
"Inuulit ko, Rylee. Ano.Ang.Relasyon.Mo.Sa.Lalaking.Yun."mariin niyang tanong sakin at ramdam ko din ang pananahimik ng mga kasamahan namin sa table. Maging ang nasa magkabilang table na extend ng grupo namin ay nanahimik din sila.

They know Joaquin and I know that they didn't want to mess up with him.

"Wala."simpleng sagot ko but deep inside I felt nervous for Ked.

Wag lang talagang papakialam ni Joaquin ang subject ko kung ayaw niyang kami ang mag-away.

"Then what the hell is the holding hands for?!"sigaw niya na ikinainis ko.

Sobra na siya kung umusisa ha. Ayaw ko na ang tono ng pananalita niya. Alam 'kong alam niya na ayaw na ayaw ko ang nasisigawan.

Sinamaan ko ng tingin si Joaquin at ramdam ko ang paligid ko na para bang nag-aapoy dala ng mga aura namin. Pansin ko din ang sunod-sunod na paglunok ng mga taong kasama namin sa table.

"Kung sinabi 'kong wala. Wala! Matuto kang lumugar at rumespeto sa taong nakakaharap mo!"mariin at walang emosyon 'kong saad sa kanya.

Hindi ko gusto na sungitan siya pero wala siyang karapatan na usisain ang buhay ko. Hindi ko nga alam kung may sekreto rin siya kagaya ni Ace. Psh!

"Tsk!"tanging asik niya bago tumayo sa kanyang kinauupuan at naglakad pababa sa first floor.

"Nac-C.R ako."wika ni Jeras.

"Ako rin."

"Pati ako."

"Ms.Rylee, C.R lang kami ha."

At sunod-sunod na silang umalis sa inuupuan nila. Alam 'ko naman na umiiwas sila dahil sa nangyari kanina at hindi ko sila masisisi. Ayoko lang talaga na sinisigawan ako lalo na at alam niya kung sino ako. He should know his place and he don't have the right to shout me. Tsk!

"Ate..."napalingon ako sa right side ko at nakita ko si Rovic na nakatayo doon.

Lumakad siya at umupo sa kaharap kong upuan.

"Ate, pagpasensyahan mo na si Kuya Joaquin. Alam 'kong hindi naman niya intensyon na pagtaasan ka ng boses."umiwas ako ng tingin ng sabihin iyon ni Rovic.

Hindi sinasadya? Bakit? Nasaan ba ang pag-iisip niya para sabihing hindi niya sinasadya iyon? Lahat naman ng bagay ay napag-iisipan eh.

"Hindi mo kailangan humingi ng despensa para sa kanya. Kung gusto niyang magsorry ay siya dapat ang gumawa nu'n."saad ko kay Rovic.

Close kami ng batang 'to pero mas close sila ni Joaquin. Kaya sa tuwing magkatampuhan kami ay lagi siyang nasa side ni Joaquin pero hindi naman siya bias dahil kinakausap niya din ako. Sadyang nasa side lang siya ni Joaquin, kapatid eh.

"Pasensya na ate."yumuko siya at nagbuntong hininga. Muli siyang nag-angat ng tingin at pinakatitigan ako sa mga mata. "Hayaan mo ate. Pagsasabihin ko si Kuya."

Nginitian ko na lang siya ng bahagya. Buti pa si Rovic ay mabait. Hindi gaya ni Joaquin na may pagkamasungit at pakialamero. Tsk!

"Nasaan na sila?"napalingon agad ako sa likod ko ng marinig ako ang nagsalita. Si Ace pala kasama si Ked na namamaga pa ang kanyang mata, marahil ay dahil sa pag-iyak.

"NagC.R silang lahat. Ahm.. tapos na ba kayong mag-usap?"tanong ko kay Ace na tinanguan naman niya.

Di ko na lang siya pinansin dahil naiinis pa rin ako sa paglilihim niya tungkol sa kanyang buhay. Lumakad ako patungo kay Ked hinawakan ko ang siko niya. Tumingin naman siya sakin tsaka siya ngumiti.

Make The Mafia's FallTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon