Please do votes and leave a comment.
---
RYLEE POVBreak time ngayon at lahat ng kaklase ko ay nasa canteen. Ako lang ang wala dahil nagpunta ako dito sa swimming pool. Takot ako sa tubig na ganito karami pero itong area lang kasi na ito ang walang tao, tsaka ito na ang pinakamalapit sa canteen.
Sinagot ko ang tawag ng masiguro 'kong wala ngang tao dito.
"Nande Ishi?"bungad ko sa kanya.
Translate:Why, doc?
["Ry, anata no kyõdai"]agad akong nakaramdam ng kaba dahil sa sinabi ni Dr.Tokimawa
Translate:Ry, your brother.
"Kare ni nani ga okotta no?"kinakabahan 'kong tanong.
Translate:What happened to him?
Jusko! Wala naman sanang masamang nangyari sa kuya ko. Kakahanap ko pa lang sa kanya. Naambush siya sa sinasakyan niya at mabuti na lang nakasunod sa kanya ang sniper at spy na pinadala ko upang hanapin siya. Laging pasalamat ko dahil nandoon sila at naisugod agad ang kuya ko sa isang private hospital na konektado pa rin sakin.
Nagising na ang kuya ko last-last week at gustuhin ko man na puntahan siya ay hindi ko naman magawa dahil laging may nakasunod sakin. Ayokong malaman ng daddy na nahanap ko na ang kuya ko. Kaya todo ang security sa hospital hanggang sa makalabas siya ngunit sa kasalaang palad ay naambush na naman sila. Hindi pa naman makakalaban si kuya ng buong pwersa dahil may kaoopera lang sa sugat niya. Mabuti na lang talaga at pinadala ko ang 2-4 Petal Group Leader. Nakabantay lang sila mula sa malayo kaya agad silang nakaresponde ng masugod ulit nila ang kuya. Ngunit sa kasamaang palad ay natamaan na naman ang kuya ko. Sobra na akong naaawa sa kanya at gagawin ko ang lahat para lang mabuhay ulit siya. Pinahunting at pinabagsak ko na ang mga taong gumawa nu'n kay kuya.
["Kare no hātobītosutuppo."]muli akong napabalik sa reyalidad ng marinig ko iyon.
Translate:His heartbeat stop.
Naginig ang aking kalamnan dahil sa sinabi ng doctor. Sa dinami-raming pwede niyang sabihin, bakit yun pa? Naramdaman ko ang pangingilid ng luha ko pero pinipigilan ko iyon dahil gusto 'kong maging matatag para sa kuya.
'Please kuya, not this time again. Not this time.'
"Nani?! Kare o fukkatsu sa seru tame ni zenryoku o tsukushi nasai!"balik ko sa kanya at pilit na pinasungitan ang boses ko para gumalaw sila ng maayos.
Translate:What?! Do your best to revive him!
Ang kuya ko na lang ang natitirang pamilya ko na hinding-hindi ako iiwan at tatalikuran. Kapag nawala siya ay hindi ko na alam ang gagawin ko.
["Ware ware wa genzia kare o kinkyū chiryūshitsu ni tsureteitte imaso."]
Translate:We currently taking him to emergency room.
"Just do your fucking work!!"inis 'kong bulyaw sa kanya.
["Daijūbo, daijubo. Watashi wa kare no jokyo o koshin suru tame ni anata ni denwa suru dakedesu."]pagkasabi niya nu'n ay inend call na niya.
Translate:okay, okay. I just call you to update his situation.
Napabuntong hininga naman ako sabay pikit ng mariin.
'Alam ko na madami akong kasalanan sa iyo panginoon pero sana tulungan mo ang aking kapatid. Sana magising na siya.'
Taimtim 'kong wika sa utak ko.
BINABASA MO ANG
Make The Mafia's Fall
ActionMaking the Mafia's fall is hard to do. How can I complete my mission if I am the one who fall in my own trap? LANGUAGE:Tagalog & English STATUS:Completed BOOK 2:Make The Mafia's Back SERIES:Mafia Series 2.1 GENRE:Action AUTHOR:M.M (Miixxiimii) COVER...