Mission 64

1.7K 61 6
                                    

Please do votes and leave a comment.

---
RYLEE POV

"Paano yan? Mukhang private ang party na pupuntahan nila."wika ni kuya sakin habang pinagmamasdan namin ang mga taong isa-isang pumapasok sa loob ng cruise ship.

Saktong pagbaba kasi namin sa sasakyan kanina ang siyang pagpasok naman ni Luther kasama ang di ko kilalang babae.

Mukhang mahigpit ang security sa barkong iyon kaya malabo na makapasok kami. Unless, makisabay kami sa mga papasok na guest na walang date ngayong gabi.

"Kuya, may naisip ako. Halika at magbihis tayo para makapasok tayo sa loob."yaya ko na tinanguan naman niya.

Dali-dali kaming bumalik sa loob ng sasakyan at nagdrive patungo sa isang botika ng damit dito. Agad kaming naghanap ng isusuot namin at doon na rin nagbihis. Kailangan naming magdouble time ngayon para makaabot kami sa barko.

Si kuya na ang nagdrive pabalik habang ako naman ay nag-ayos ng mukha sa loob ng sasakyan. Kulot naman ang buhok ko kaya nilugay ko na lang ito at tsaka pinatungan ng flower crown. Light make lang ang nilagay ko at mapulang lipstick.

Saktong pagdating namin ni kuya doon ay may dumating naman na lalaking walang kasabay at sa kabilang banda ay babae naman. Kaya nagtanguhan kami ng kuya ko at dumiretso sa dalawang target namin.

"Damn! Where's my invitation card?"kunwari ay inis na inis na akong naghahanap sa loob ng pouch ko habang nakatigil ako sa likuran niya.

May kumalabit sakin kaya lihim akong napangiti.

Tumingin ako sa kanya at nginitian lang ako ng matandang 'to.

"Any problem, miss?"nakangiti niyang sagot.

"Ugh? I left my invitation card. They won't let me in if I didn't show my card."may halong lungkot ang pagkakasabi ko para maawa siya sakin.

"You can join me, Miss. I don't have a date for this night. By the way, my name is Rex Santiago."nilahad niya pa ang kamay niya na agad ko namang kinuha at nakipagshake hands.

"Rylee. Rylee Lavigne."pakilala ko at nginitian ko siya ng pagkatamis-tamis.

"So? Let's go, Rylee?"sabay ayos ng kamay niya na parang hari. Wow! May manners din pala 'tong matandang 'to.

"Yes. By the way, thank you. You're a blessing in disguise!"wika ko at kinawit ko na ang kamay ko sa siko niya.

Sabay na kaming naglakad at walang kahirap-hirap akong nakapasok sa barko.

Napangiti ako ng palihim dahil doon. Woohh! Buti na lang.

Pinindot ko ang earpiece ko para makausap si kuya na nasa kabilang linya.

["Ry, nakapasok na 'ko."]

"Ako din."mahinang wika ko sa kanya at tsaka na ako sumunod sa matandang iyon.

"Ahm? Mr.Rex, I'll gonna go to the comfort room for a minute."nakangiting wika ko sa kanya.

Sumagot naman siya ng ngiti bago nagsalita.

"Okay. I'll just go there."sabay turo niya sa mga tropa niyang matatandang panot.

Tumango na lang ako sa kanya bago ako naglakad sa kabilang bahagi ng barkong ito.

"Kuya, nandiyan ka ba?"tanong ko doon sa earpiece na suot ko.

["Oo. Magkita tayo sa likod ng ship ito."]sagot niya sakin kaya agad-agad akong nagtungo doon sa sinabi niyang lugar.

Make The Mafia's FallTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon