Mission 38

1.6K 52 2
                                    

Please do votes and leave a comment.

---
RYLEE POV

"Pass your paper."wika ni Ma'am dahil paend na ang time niya samin.

Pagtapos kasi niyang magdiscuss kanina ay nagpagawa siya ng individual activity samin. Kaya ito kami at busy'ng-busy sa paggawa. Buti na nga lang at natapos ko na.

"Sis, pasabay na lang ako sa pagpasa."wika ni Adam ng makatayo sa kinauupuan ko.

Kinuha ko na lang yung papel niya tsaka na ako dumiretso sa teacher's table. Nginitian ko muna si ma'am ng maibigay ko ang papel namin ni Adam bago ako tumalikod sa kanya. Sa pagbalik ko sa aking upuan ay di ko inaasahan na may makakabangga sa braso ko na may sugat.

"Awww! Pwede ba tumingin ka sa dinadaanan mo!"frustated 'kong wika dahil ang hapdi.

Isang oras ba naman na nakatingga lang ang sugat ko tapos tumutulo pa ang dugo. My ghad! Ang sakit eh. Psh!

"Tsk!"tanging wika niya na nagpaangat saking ulo.

Yung puso ko na normal kanina, ngayon ay nagpapalpitate na ng sobrang bilis. Ano ba heart?!! Tumigil ka muna sa pagtibok ng mabilis dahil masakit ang braso ko.

"Excuse me."yan na lamang ang tanging nasabi ko at umalis na sa harapan niya. Kinuha ko na din ang bag ko at dali-daling lumabas ng classroom.

Pakiramdam ko ay pinagkakaitan ako ng oxygen sa tuwing nakikita ko si JM. Yung dating niya ay napaka-otoratibo at ang hirap sumabay sa kanya. Damn!

"Ry!!"napalingon ako sa likod ng may tumawag sa pangalan ko, at walang iba kundi si Ked.

"Bakit?"bored 'kong tanong sa kanya habang tinitignan siyang naglalakad papalapit sakin.

"Wala lang. Sabay na tayong umuwi."yaya niya na di ko na lang sinagot.

May magagawa pa ba ako kung tatanggi ako? Isa pa ay ba'ka maghinila siya kapag tumanggi ako. Pero wait? Nakita kaya nila ako? Hssst! Sana naman hindi.

"Ry, bakit ka nga pala nakajacket? May sakit ka ba?"napatingin ako sa kanya dahil sa tanong niya.

"Ah, n-nilalamig ako."kinabahan pa ako sa sagot ko. Potek!

"Ahh ganun ba. Dumaan ka kaya muna sa doctor bago ka umuwi. Ang putla mo kasi."segunda niya pa tsaka ako tinignan sa mukha ko.

Damn! Bakit ko ba kasi pinayagan na sumabay 'to sakin? Ang daming tanong eh.

"Pahinga lang 'to. Ikaw? Bakit hindi ka kay JM--este Jace sumabay?"pag-iiba ko sa topic. Naku naman! Sana naman maiba na ang topic.

"May pupuntahan pa daw siya eh. Kaya sayo na lang ako sasabay."

Hsst! Ano ba naman yan! Kung minamalas ka nga naman. Hssst!

"Sabay ka na lang kay Adam. May pupuntahan din ako."wika ko sa kanya at nagmamadaling lumakad pero dahil makulit ang lahi niya ay sinundan pa rin ako.

"Sasama ako!"wika niya at ikinawit pa ang kamay niya sa braso ko. Mabuti na lang sa kabila iyon.

"Hsst! Hindi pwede bata dun."medyo may tono na ng inis ang pagkakasabi ko para lang bumitaw siya sa kamay ko.

"Kahit na! Sasama pa rin ako. Di ako maglilikot promise. Basta isama mo lang ako."napairap na lang ako sa hangin dahil doon. Ano pa nga bang magagawa ko?

"Tsk!"yan na lang ang naiwika ko sa kanya at bakas naman sa mukha niya ang saya.

Kainis naman! Dadaan pa sana ako sa doctor para ipalinis ang sugat ko pero wag na lang. Ba'ka magtanong pa ng magtanong 'to. Kay Axl na lang ako pupunta mamaya para linisin niya ito.

Make The Mafia's FallTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon