Please do votes and leave a comment.
---
KED POVIsang linggo na ang nakakalipas magmula ng maikasal si Rylee at Jace at halos mag-iisang linggo na rin na absent si Rylee. Ang huling araw na nakita ko siya ay noong lunes. Pagtapos nun ay wala na. Hindi na siya pumasok kina-umagahan hanggang ngayon.
"Wala pa ba ang sissy ko?"tanong sakin ni Adam.
Maging siya ay nag-aalala na rin kay Rylee dahil hindi namin alam 'kong nasan siya. Si Jace naman kasi ay di makausap ng matino. Kung noon ay nakakatakot siya ngayon ay mas lalo na siyang nakakatakot. Yung tipong, di mo na nanaisin pang lumapit sa kanya dahil sa nakakatakot na presensya niya.
"Diba may panglocate naman kayo sa nawawalang tao. Bakit di mo siya i-locate?"muling tanong niya.
"Sinubukan ko na iyan pero di ko pa rin siya mahanap."
"Eh si Jace? Diba girlfriend niya si Rylee? O anong ginagawa ng lalaking yun? Dapat hinahanap niya ang girlfriend niya!"matotonohan mo ng inis ang boses ni Adam.
Nagtataka nga din ako kay Jace eh. Kasi wala siyang ginagawa. Nag-away kaya silang dalawa? Kasi nagbago si Jace.
"Ang dami ng notes dito ni sister ko. Matatambakan iyon kapag hindi pa siya pumasok."wika ni Adam habang nilalabas ang mga papel na nasa silong ng desk ni Rylee.
Tinignan ko lang ang ginagawa niya ng may mahulog na picture. Kinuha ko iyon at larawan nilang tatlo ang nandito. Si kuya Ace, Rylee, at Joaquin. Masayang-masaya siya sa larawang ito. Itong ngiting ito ang di ko pa nakikita kahit kailan. Ang ganda niya dito. Ang puti niya at wala siyang suot na salamin. Itim na itim ang kanyang buhok habang mamula-mula ang kanyang mukha. Ang saya nila. Ang saya niyang tignan dito.
"Ano yan?"tanong ni Adam at nakisilip na din sa tinitignan ko. "Wow! Ang ganda pala ng sissy ko noon. Mukha siyang Goddess!"masaya niyang wika na nakapukaw naman sa atensyon ng mga kaklase namin. Kaya nakitsismis na din sila.
"Oo nga no! Ang ganda niya."
"Kaya nga!"
"Ang swerte naman ni boss. Kasi ang ganda ng girlfriend niya."
"Pagnaghiwalay sila ni Boss liligawan ko si Rylee."napalingon ako kay Webster ng sabihin niya iyon.
"Anong sabi mo?"mariing wika ko sa kanya.
"Ahehehe! Wala yun. Sige babye."sagot niya at umalis na dito sa kumpulan.
"Guys!!!"napalingon kaming lahat doon sa sumigaw na si Vincent.
"Oh? Ang ingay-ingay mo ! Kala mo naman may sunog."inis na wika ni Lester sa kanya.
"Ay, sorry. Pero tignan niyo 'to. Nadetect ko na kung nasan si Rylee."wika niya kaya halos takbuhin ko na siya para lang makalapit sa kanya.
"Nasan siya?!"di ko maiwasang hindi tumaas ang boses ko dahil sa pagkaasam na malaman kung nasan siya.
"Nasa Batangas."sagot niya sakin kaya naman dali-dali 'kong kinuha ang cellphone ko at tinawagan si Jace.
Dalawang ring lang ang hinintay ko bago niya sinagot ang tawag.
"Jace, si Rylee nasa Batangas alam mo ba?"
["I don't care about her anymore."]sagot niya sakin na ikinakunot ng noo ko.
"What?!"
["Don't mind her and let's not talk about her anymore."]straight niyang wika at wala man lang mababakas na emosyon.
BINABASA MO ANG
Make The Mafia's Fall
ActionMaking the Mafia's fall is hard to do. How can I complete my mission if I am the one who fall in my own trap? LANGUAGE:Tagalog & English STATUS:Completed BOOK 2:Make The Mafia's Back SERIES:Mafia Series 2.1 GENRE:Action AUTHOR:M.M (Miixxiimii) COVER...