Please do votes and leave a comment.
---
Gaya kahapon ay ako na naman ang nauna dito sa classroom. Mukhang napapadalas na ata ang pagpasok ko ng maaga. Ibig sabihin ba nun ay masipag na akong mag-aaral? Hmmm...Dumiretso ako sa upuan ko at gaya din ng kahapon ay may mga kung ano-ano na naman na nakalagay sa desk ko. Kung kahapon ay tatlong rosas na kulay red galing sa di ko kilalang admirer ngayon naman ay paper bag ang nakalagay. Dalawang paper bag na kulay blue at green tapos yung isa naman ay kisses na nakabox na nilagyan lang niya ng ribbon.
Kunot-noo 'kong tinignan ang mga iyon. Yung blue na paper bag ay may damit doon na kulay black at may arrow na puti na nakaturo pakanan. May nakapatong din na note doon at ang nakalagay ay;
'Crush, isuot mo yan sa intramurals natin ha. Para naman couple tayo kahit na nasa malayo ako't nakatanaw sayo.'
Mukhang nakakakilabot lang yung sinabi niya dahil parang stalker ang dating niya. Grr! Bakit ba ako nakakatanggap ng mga ganito? Hindi ko naman kilala kung kanino galing ang mga ito. Psh!
Binalik ko sa loob ng paper bag ang damit at sunod 'kong tinignan ang isa. Agad na bumungad sakin ang isang teddy bear na kulay violet. Ang cute ng dating niya at gustong-gusto ko ito. Hindi ko naman favorite ang violet pero dahil sa teaddy bear na ito ay mukhang magiging favorite ko na.
Binalik ko ulit sa loob ang teady bear at agad tinignan ang greeting card. Ba'ka kasi may nakasulat at hindi nga ako nagkamali. Meron nga.
'Sana magustuhan mo ito.'
Naku, kung sino man ang nagbigay sakin ng mga ganito ay nag-effort pa sila. Parang di ko naman kayang bumili. Tsk! Pero di na rin masama dahil naexperience ko din ang magkaroon ng secret admirer. For the first time.
"Wow, Rylee kanino yan galing?"napaangat ako ng tingin ng marinig ko ang boses na yun.
Si Ked yun at naglalakad patungo sa kinaroroonan ko.
"Hindi ko kilala eh."simpleng sagot ko sa kanya.
Kinuha naman niya ang mga paper bag at tinignan ang mga laman nu'n. Pagtapos ay yung chocolate naman ang sinunod niya at tinikman pa.
"Pwe! Hindi imported 'tong chocolate."sabay dura niya sa kung saan at binalik sa box yung nakagatan niya. "Kung ako sayo Rylee itapon mo na ang mga yan bago pa dumating si Jace."napakunot naman ang noo ko dahil sa sinabi niya.
Ano na naman bang kinalaman nung masungit na lalaking yun dito? Hindi ko naman siya inaano at lagi na lang sinisingit ng abnoy na batang 'to ang abnoy na masungit na yun.
"Kung naiingit siya edi bumili din siya."pagsusungit ko habang nililigpit ang mga nasa mesa ko.
"Hindi naiingit. Sadyang mapambakod lang yun."kinunutan ko ng noo si Ked dahil sa sinabi niya. Hindi ko makuha ang pinupunto niya eh. Bakit di na lang niya deretsohin? Dami pang paligoy-ligoy eh. Tsk!
"Dami mong alam. Psh!"sagot ko na lang at hindi na pinansin pa ang sinabi niya. Bahala siya diyan.
"Bahala ka. Sige na babyeyo."wika ko at naglakad na ako palabas ng classroom. Sa likod na pintuan ako dumaan dahil nakaharang si Ked sa dadaanan ko.
Ilalagay ko muna sa locker ko ang mga 'to. Sa intramurals ay sisiguraduhin 'kong malalaman ko kung sino ang isang taong nagbibigay sakin ng couple shirt. Yung stuff toy at chocolate ay wala pa aking ideya doon. Basta ang mahalaga ngayon ay mailagay ko sa locker ko ang mga ito.
Inalis ko ang salamin ko at pinunasan ito habang naglalakad ako. Nakalimutan ko kasing punasan sa bahay eh. Nang akmang isusuot ko na sana ay nabangga naman ako sa isang matigas na pader kaya nahulog ang salamin ko at dahilan para mapaatras at maaout of balance na sana ako nang may biglang humila sa braso ko at kinulong ako sa kanyang mga bisig.
BINABASA MO ANG
Make The Mafia's Fall
ActionMaking the Mafia's fall is hard to do. How can I complete my mission if I am the one who fall in my own trap? LANGUAGE:Tagalog & English STATUS:Completed BOOK 2:Make The Mafia's Back SERIES:Mafia Series 2.1 GENRE:Action AUTHOR:M.M (Miixxiimii) COVER...