Mission 54

1.6K 86 9
                                    

Please do votes and leave a comment.

---
RYLEE POV

"Kuya, sigurado ka ba talagang patay na si daddy?"paniniguro ko kay kuya.

Mag-iisang linggo na rin magmula ng umuwi kami dito sa Pilipinas at mag-iisang linggo na din kaming nandito sa poder ni JM. By the way, wala siya ngayon sa bahay at puro sandamakmak na bodyguards lang ang kasama namin. Mas maganda at wala ngayon si JM dahil may pagkakataon ako na makausap ang kuya ko. Balak ko kasing sabihin sa kanya ang plano ko. Kailangan ko ang tulong niya at kailangan ko ring malaman kong sino ang nagtatago sa kanya.

"Oo, Ry. Nandoon ako noong mga panahon na yun."sagot niya sakin.

Alam 'kong unti-unti ng natatanggap ni kuya ang katotohanan at kahit hindi niya sabihin sakin ay alam 'kong gusto niyang bumawi sa mga taong nagmalupit sa pamilya ko.

"Kung ganun ay peke ang ama na kinalakihan ko."napakunot ang noo niya dahil sa sinabi ko.

"What do you mean?"

"Yung ama na kinalakihan ko na namumuno ngayon sa clan natin ay peke. Hindi siya ang daddy natin. Pero kuya pleaseee, tulungan mo ako."

"Wag kang mag-alala baby girl. Tutulongan kita at lagi akong nandito sa lahat ng laban na dadating."napayakap ako kay kuya dahil sa sinabi niya.

Muli akong umayos ng upo at sinimulan ng sabihin sa kanya ang plano ko.

"Kuya, pinag-enrole ako ni daddy--I mean ng pekeng daddy natin dito sa school na pinapasukan ni Jace. Inutusan ako ng fake dad natin na pa-inlove-in si Jace----"naputol ang pagkwekwento ko ng sumingit si kuya.

"So you mean, mission lang ang pagiging mag-on niyo?"sa tono ng kuya ko ay parang unti na lang ay pupokpokin na niya ako ng bato sa ulo dahil sa nalaman niya.

"Oo----"

"What?! Are you out of your mind, Aedam Rylee Lavigne Miyamoto?!"sigaw niya sakin at talagang napatayo pa siya mula sa kinauupuan niya.

Minsan lang akong tawagin ni kuya ng buo 'kong pangalan. Yun ay kapag galit at sobrang naiinis siya sakin. And YES, capital Y-E-S ako nga si Aedam Rylee Lavigne Miyamoto. Aedam kapag galit at gustong pumatay. Rylee naman kapag mabait. And all people around me knows me as Rylee.

"Ku---"di ko natuloy ang sasabihin ko dahil muli niyang pinutol ang pagsasalita ko.

"My ghad, AR! Ano na lang ang sasabihin ni mom kapag---"

"Kuya, please listen first!"singhal ko sa kanya na ikinakalma naman niya.

Inuuna kasi ang paghihysterical eh. Tsk! Tsk!

"Noong una ay yun talaga ang plano ko. Pero noong mas lumalim ang nararamdaman ko sa kanya ay nagbago na ang lahat. Mas lalo ko lang siyang minahal noong nalaman 'kong peke pala ang ama na nagpapagawa sakin ng mission na iyon. Kay please. Tulungan mo akong alam kung ano nga ba talaga ang meron kay Jace dahil gustong-gusto siyang ipabagsak ng fake dad natin. Si Jace ang Mafia Boss ng Black Aces. He is also known as Black in Mafia World. May ilang estudyante doon sa paaralan na pinapasukan ko ay tauhan niya. Di na rin ako magtataka pa dahil sa kanya ang eskwelahan na iyon. Isa pa ay may natuklasan ako doon. May head quarter sila sa loob ng school."

"Kung ganun ay napapaligiran ka ng mga tauhan niya. Mag-ingat ka lagi, AR."tumango ako kay Kuya dahil sa sinabi niya.

"Kaya habang busy ako sa paghahanap ng impormasyon sa school kuya ay ikaw naman ang bahala dito. Kaya ako pumayag na tumira tayo sa pamamahay niya ay para makahanap tayo ng impormasyon patungkol kay Jace. Ayoko siyang mapahamak ng dahil lang sakin."tumango siya sakin.

Make The Mafia's FallTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon