Mission 23

2.4K 71 5
                                    

Please do votes and leave a comment.

---
Rylee POv

Friday na ngayon at ang bilis ng araw. Parang kamakaylan lang nung pumasok ako tapos maya't-maya ay bakasyon na naman. Pero dapat bago pa man magkalimutan ay kailangan ko ng magawa ang dapat 'kong gawin. Hindi ako pwedeng pumalpak dahil pride ko ang nakataya.

"Guys, sa covered court daw tayong lahat!"sigaw ni Josh na nasa may pintuan at ang mga kaklase ko naman ay may kanya-kayang pamamaraan para maghiyawan. Parang ngayon lang sila makakapunta doon.

Dahil biyarnes ngayon ay halfday lang ang pasok namin. Ang buong umaga namin ay gugugulin namin sa puro activity. P.E na may halong C.A.T ang aming biyernes. Nasabi na din ni Sir Arman kahapon na magkakaroon kami ng activity doon tungkol sa archery. See? Ang bonga sa school nila dahil may paganito pa sila. Buti na lang at may class naman yung pinanggalingan 'kong school dati kaya hindi ako magpapahuli ngayon dito. Hindi ako maiignorante sa mga bagay-bagay na gagawin namin.

Nasa labas pa lamang kami ng covered court ay umaalingawngaw na ang ingay sa loob. Kung sabagay ay lahat naman ng estudyente malaya ngayong araw. Walang seatwork na proproblemahin at discussion na nakakabagot.

"Mukhang kasabay natin ang mga class E."wika ni Jennysis samin na agad namang sinang-ayonan ng lahat.

"Hindi lang class E. Pati ang class G ay nasa loob na din ng court."segunda ni Veejay.

"Hsst! Sila na naman ang maghahari-harian at as usual, sa kanila na naman ang trophy."may halong lungkot sa boses ni Ked kaya napatingin ako sa kanya.

"Bakit?"

"Kasi kapag nakakaharap namin ang mga class na yan ay lagi na lang nila kaming binababa. Buti nga at mabait si Jace dahil hinahayaan niya lang. Kaya kami naman ay nagtitimpi na lang. Tsaka mura lang naman yung trophy na makukuha sa tuwing may activity, kayang-kaya na naming bumili ng ganun."sagot sakin ni James.

Di na ako magugulat kung masasama ang ugali ng mga class E dahil nandun si Safhira na bwisit sa buhay ko. Pero si JM? Mabait? Aba'y pinagloloko ata ako ni James. Isa pa ay ang sosyal ng school na 'to dahil may patrophy pa sa mga activity nila. Kung sabagay mga mayayaman ang nag-aaral dito.

"Hay naku, James! Syempre nandoon ang lovelife ni master kaya nagbabait-baitan para makapagood points siya kay Safhira."napairap ako ng wala sa oras dahil sa sinabi ni Ked.

Like seriously?! Dahil lang ba nandoon ang liniligawan niya ay magbabait-baitan na siya kahit na inaapakan na ang ego nila? Aba kung ako yan ay hindi yan pupwede! Kung ano man ang iuugali ng dalawang class na yan mamaya ay hindi ako magpapatalo.

"Iba na kasi kapag may lovelife."ngising dugtong ni Veejay.

"Hay naku, tara na nga sa loob para makita na natin ang venue."yaya ko sa kanila pero 'tong si Ked ay pasimpleng humirit pa sa tabi ko.

"Selos ka lang eh. Hahaha!"tsaka siya nagpaunang pumasok sa loob kaya di ko na siya nabatukan pa.

Nagsisunod naman kami sa pagpasok at agad kaming nagtungo kay Sir na nakatayo sa isang side ng bench.

"Halika kayo dito. Dito ang pwesto natin."wika ni Sir habang inaakay kami doon sa upuan.

"Sir, ilang points ulit ang gagawin namin para makapasa?"agad na tanong ni Kevin kay Sir.

Umayos naman ng tindig si sir tsaka humarap sakin. Tumikhim muna siya bago niya pinaliwanag ang mangyayari.

"Okay! Alam naman nating mahigpit na kalaban ang Class G at E pero sana ay gawin niyo pa rin ang best niyo para naman manalo tayo. Lagi na lang kasi tayong bangko sa tuwing may activity. Pero gaya nga ng lagi 'kong sinasabi sa inyo ay dapat nag-eenjoy lang kayo sa activity'ng ito. Kung mabangko man tayo ulit ang passing points na kailangan niyong gawin ay thirty points."

Make The Mafia's FallTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon