Mission 12

2.3K 73 2
                                    

Please do votes and leave a comment.

---
Pagdating ko sa classroom ay wala ang mga classmate ko. Himala dahil late na nga ako pero mukhang mas late pa sila. Teka, ba'ka naman may pinuntahan sila? Mahanap nga sila.

Bumaba ulit ako sa building namin at hinanap ang mga mokong na yun. Nang may marinig akong mga bulong sa tabi-tabi at nagkakagulo ang mga estudyante.

"Anong meron?"tanong ko sa isang estudyante na nakasalubong ko.

"Si kuya Jace po nakikipagsuntukan."natataranta niyang sagot bago tumakbo palayo sakin.

Sinundan ko yung estudyanteng yun at nakita ko ang kumpulan ng mga tao sa quadrangle. Nakipagsiksikan ako at nakita ko ang likod ni Jace na nakikipagsuntukan sa isang lalaki. Napaupo sa sahig yung lalaki at tangis bagang na tumingin kay Jace.

"You're such a demon!! Dapat hindi nag-aaral-----"bago pa man matapos ng lalaki ang sasabihin niya ay sinuntok na naman siya ni Jace.

"Tama na, Dyes!"suway sa kanya ni Ked pero di pa rin siya papapigil.

Madami din ang umaawat sa kanila pero di nila maawat-awat kaya naman pumunta ako sa pwesto nila Ked.

"Tama na."mariin 'kong wika pero di sila nakikinig. Ayaw pa rin paawat ni Jace at ganun din yung isa.

"Rylee, umalis ka nga diyan!"dinig 'kong wika ni Joaquin na di ko pinakinggan. Alangan namang manahimik ako samantalang ang mga kaklase ko ay nakikipagrambulan dito.

"Miss, wag kang makialam dito."wika din ng lalaki na kasuntukan ni Jace na di ko pinansin.

"Pakealamera din tong babaeng 'to! Grr!"

"What a bitch!"

"Akala naman niya makakaya niyang makipagsuntukan."

"Duuh! Pa-hero ang peg."

"Who she is? She's so freak!"

Dinig 'kong wika ng iba na di ko na lang pinansin pa. Kaya ko pang magtimpi kaya wag na muna.

"Tama na. Bumalik na tayong lahat sa classroom natin."walang emosyon 'kong wika at ramdam ko ang mabigat na atmospher sa paligid.

Alam 'kong di lang ako ang nag-iisa dito. May mga taong nagpipigil na din ng galit nila at isa na dun si Joaquin.

"Bakit ba?! Wag ka ngang makialam dito!!"singhal ni Jace sa pagmumukha na agad kong ikinainis pero pinipigilan ko ang sarili ko dahil ayaw kong magkagulo dito.

"Rylee, let's go.."mariing wika ni Joaquin na nasa likuran ko na.

"No. Kaklase ko sila at di ko sila papabayaan."balik ko bago ako muling tumingin sa galit na galit na mata ni Jace.

I saw how anger he is. Alam 'kong anytime ay mananapak na siya.

"Ano!!! Di ka aalis! Magpapabida ka rin?!!! Ba'ka nakakalimutan mong babae ka------"

Bago pa man matapos ng buo nitong lalaking walang hiya ang kanyang sasabihin ay hirap ko na siya at walang sabing sinapak ang pagmumukha niya. Dinig ko ang pagsinghap ng mga tao sa paligid namin at kita ko din sa pheriperal vission ko ang pagyukom ng kamao ng ibang estudyante.

"Wag mo kong mamaliitin!"

"At bakit?! Nakasapak ka lang ng isa ha! Gusto mong mamatay?!!"singhal niya sa pagmumukha ko at wala pang isang minuto ng paulanan na siya ng suntok ni Joaquin.

"Don't you dare to do that! You're such a bastard! You don't no who she is!!!"singhal niya habang pinapaulanan ng suntok yung lalaki. Kaya naman nagkagulo dito sa quadrangle. May mga sari-sarili ng away ang mga tao at puro lang sila suntukan.

"Tama na!"wika ko pero di sila nakikinig maging ang ibang kaklase ko ay may karambulan na din. "Tumigil na kayo!! TAMA NAAAAA!!!!"sigaw ko na nagpatigil sa kanila.

Nakita ko si Jace at may sugat na siya sa kilay at sa labi, maging ang kanyang kamay ay dumudugo na rin. Kaya naman lumapit ako sa kanya at kinaladkad siya patungo sa room namin. Di naman siya tumutol pero nu'ng makarating kami sa loob ay winaksi niya ang kamay 'kong nakahawak sa kanya.

"Tsk! You should not get yourself in trouble! Paano 'kong tambangan ka ng mga yun?!"galit niyang wika sakin na ikinabilis na naman ng tibok nitong puso.

Pakiramdam ko ay may halaga ako sa kanya. Hsst! Erase! Erase! Bakit ko naman iisipin iyon? Eh si Safhira nga ang gusto at alam 'kong as a classmate lang naman yan.

"Ayos lang. Kaya ko ang sarili ko. Pero bakit ka ba------"bago pa matapos ang sasabihin ko ay pinutol na niya ito.

"It's none of your business."

Tama nga naman. Wala na akong pake sa kung ano ang gawin. Tama. Tama. Pero tangina!! Ngayon lang ako nasabihin ng ganito. Ako yung laging nagsasabi ng mga salitang yun pero ngayon ako na ang nasasabihin. Nakakatangina lang sa pakiramdam!

Tumango-tango ako sa kanya bago ako lumabas ng classroom. Ang sakit kasi ng pagkakatanggap ko sa sinabi niya eh. Nagmamalasakit lang naman ako pero ganun ang sasabihin niya. Shit! Parang naapakan ang pride ko du'n ha. Tsk!

Dumiretso ako sa C.R dahil pakiramdam ko ay nanunubig na ang mga mata ko. Alam 'kong anytime ay babagsak na 'to. Kainis! Bakit ba ako nagkakaganito sa kanya? Hindi naman ako ganito dati ha? Tsaka hindi ko naman ugali ang makialam ha. Nakakainis! Parang kailangan ko ng kumonsulta sa doctor dahil sa bwisit na nararamdaman 'kong 'to. Nakakainis! Nakakabwisit! At nakakapanggigil! Tsk!

---
Copyrights ©Miixxiimii
All rights reserved

Make The Mafia's FallTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon