Mission 61

1.6K 65 10
                                    

Please do vote and leave a comment.

---
RYLEE POV

"Rylee, naman!"singhal sakin ni Ace dahil sa sinabi ko.

Sinabi ko na kasi ang nalaman ko patungkol kay Katryn. Nakakainis lang dahil ayaw niyang maniwala samin ni Joaquin. Pero alam ko na kinakalma lang niya ang kanyang sarili.

"Ace, ito yung mga files na nakuha ko. Sorry 'kong inimbestigahan ko siya. Gusto ko lang kasi na mapagkakatiwalaan lahat ng taong papasok sa buhay mo."wika ni Joaquin sa kanya bago niya ilapag sa centre table ang envelop na naglalaman ng mga dokumento.

"Ace, makinig ka samin. Alam mo naman na mahal na mahal ka namin bilang kapatid, lalo na ako. Ayoko lang ng may mangyaring masama sayo."

Mahirap pakiusapan si Ace kapag sarado ang isip niya. Alam 'kong mahal na mahal niya si Katryn pero hindi tama ito.

"Leave me alone."straight niyang wika at wala man lang mababakas na emosyon.

"Tara na, Lady. Kailangan niya munang makapag-isip-isip."yaya sakin ni Joaquin na tinanguan ko naman.

Kailangan nga iyon ni Ace at sana gawin niya ang tama. Sana.

Hinatid ako ni Joaquin sa bahay ni Jace pero hanggang gate lang. Alam ko naman kasi na bantay sarado sa loob at hindi sila nagpapapasok ng iba maliban saming tatlo. Nakwento ko na din kay Joaquin kung bakit kami dito tumitira. Naipaliwanag ko an rin sa kanya kanina na mag-iiba ang misyon ko kay Jace, yun ay ang protektahan siya mula sa aking pekeng ama. Sinabihan din niya ako na delikado ang ginagawa ko dahil kapag nalaman ni Jace ang unang misyon ko ay siguradong magwawala iyon. Worst ay ba'ka patayin niya kami. Pero alam ko at may tiwala ako kay Jace na di niya iyon magagawa. Maaaring masaktan niya ako pero ang patayin ay malabong mangyari iyon.

Akmang bubuksan ko na ang pinto ng sasakyan ng bigla siyang magsalita kaya napalingon ako sa kanya.

"Lady AR, mag-ingat ka. Hindi maganda ang kutob ko ngayon."tumango ako sa kanya bilang sagot bago ako bumaba sa sasakyan niya.

Magaling si Joaquin pagdating sa pakiramdam. Parang wala pa atang sumasablay sa mga guts niya kaya siya ang pinagkakatiwalaan ko pagdating sa ganito. Ako din naman. Parang di rin maganda ang kutob ko ngayon. Pakiramdam ko ay may masamang mangyayari.

Nilakad ko mula sa gate hanggang sa mansyon ni Jace. Sana wala pa siya sa bahay.

"Magadang gabi po, Ms.Rylee."bati sakin ng guard na nasa pinto ng bahay.

"Magandang gabi din po."balik ko bago ako pumasok sa loob.

Tahimik lang ang buong bahay at parang wala man lang katao-tao.

"Kuya?"tawag ko kay kuya habang ginagala ang mata ko sa bahay.

Walang sumagot kaya dumiretso ako sa taas at sa kwarto niya.

"Kuya?"tawag ko ulit bago ko buksan ang pinto.

Nakita ko doon si kuya na nakaupo habang kaharap ang computer at may nakasalpak na headset sa kanyang tenga.

Naramdaman siguro ni kuya ang presensya ko kaya napalingon siya sakin. Inalis niya muna ang suot niyang headset bago nagsalita.

"Ry, you need to hear this."wika niya tsaka niya inilahad sakin ang headset.

Kinuha ko sa kanya iyon at tsaka isunuot. Audio sign lang ang nakaflash sa screen ng computer kaya sigurado akong record lang 'to na nahack ni kuya.

"Babe! Nakakainis yung anak-anakan mo ha?!"yung boses na iyon ay kilalang-kilala ko. Kahit na tulog pa ako, alam 'kong kay Safhira ang boses na ito.

Make The Mafia's FallTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon