Mission 51

1.5K 71 0
                                    

Please do votes and leave a comment.

---
RYLEE POV

Napakawit ang kamay ko sa braso ni Ked ng makita ko ang design sa bungad nitong ocean park. Ramdam ko ang pangangatog ng tuhod ko at ang panlalamig ng kamay ko. Nakakainis kasi itong trauma na naranasan ko! Hsst!

"Ayos ka lang?"nag-aalalang tanong sakin ni Ked na tinanguan ko naman.

Hangga't maaari ay ayaw 'kong ipakita sa kanya ang kahinaan ko. Lalo na't alam 'kong may myembro siyang kinabibilangan. Ayokong gamitin nila ang kahinaan ko laban sakin.

"Babe, pasok na tayo daliii!!!"excited na wika ng demonyetang babae na nasa likuran lang namin.

Tumingin ako sa kanila at masayang-masaya si Safhira habang nakakawit ang kamay niya sa braso ni JM. Dikit na dikit pa nga ang dibdib nito sa braso niya eh. Tsk! Tsk! Ang landi talaga. 'Tong isa naman ay walang pakialam.

'Wala nga ba?' wika ng nasa kabilang isip ko.

Sa laki ba naman ng hinaharap ni Safhira siguro akong ramdam na ramdam ni JM iyon. Tsaka lalaki din naman siya. Madaling tablan. Tsk! Tsk!

Lumingon sakin si Safhira tsaka ako inirapan. Tsk! Ano na naman ba ang problema ng demonyetang ito?

Nilipat ko ang paningin ko kay JM at maging siya ay masama din ang tingin sakin. Okay? Ano na naman ba ang nagawa 'kong kasalanan sa kanila? Grr! Kakainis sila! Tsk! Lalo na si JM after manlandi sa bus ngayon ganyan naman siya. Tsk! Tsk! Tsk!

Imbis na pansinin sila ay tinuon ko na lang sa harapan ang paningin ko. Kaso di pa man ako nakakapag-adjust ng maigi ng may bumangga sa balikat ko. Kaya sinamaan ko ng tingin ang bwisit na demonyetang ito.

"Exxxcusssse me!"maarte niyang wika sakin tsaka siya nagflip hair. Abay gago 'to ha!

Susugod pa sana ako sa kanya kaso lang ay binilisan niya ang paglalakad habang kinakaladkad si JM. Tsk! Tsk! Magsama kayong peste kayo! May paligaw-ligaw ka pang nalalaman tapos magpapakaladkad ka lang pala sa malanding demonyeta na iyan! Grr! Kabwisit! Palibhasa malaki ang kinakaharap niya tsk!

"Tara na."excited na yaya sakin ni Ked tsaka ako hinila papasok sa park.

Nakikita ko pa lang ang napakaraming kulay asul na tubig ay nangangatog na ang tuhod ko. Paano pa kaya kapag nakarating na kami sa gitnang bahagi nito? Iniisip ko pa lang ay sobra ng nangangatog ang tuhod ko. Kaya yung pagkakakapit ko kay Ked kanina ay mas lalong humigpit. Halos isubsob ko na din ang mukha ko sa balikat niya dahil sa mga alala na bumabalik sa isipan ko. Damn! Damn! Damn! Di na lang sana talaga ako sumama pa dito!

"A-ayos ka lang ba?"tanong sakin ni Ked na inilingan ko na lang.

Ramdam ko ang pagpulot ng kanyang braso sa aking bewang tsaka niya ako nilipat sa harapan niya. Kaya naman sa dibdib na niya ako nakasubsob ngayon. Buti na lang at medyo mas matangkad siya sakin ng kaunti.

"Sssssh~ lalabas tayo dito. Ipikit mo lang ang mga mata mo at mag-isip ka ng mga bagay na nagpapasaya sayo."tumango ako sa sinabi niya pero kahit na anong gawin 'kong pag-iisip ay hindi ko magawa dahil sa isang bagay na paulit-ulit na pumapasok sa isipan ko. Yun yung trahedyang nangyari sa pamilya ko.

Ramdam ko ang paggaguide ni Ked sakin sa daanan na sinusundan ko naman. Buti na lang talaga at siya ang nakasabay ko ngayon. At buti na rin dahil hindi nag-isip bata ngayon si Ked.

Pakiramdam ko tuloy ay mas lalo akong tumapang dahil sa kanya. Kaya naman pinakatatagan ko ang loob ko. Unti na lang makakalabas na kami. Unti na lang.

"Ry, baby?"hindi ko alam kung guni-guni ko lang iyon o ano.

"Ry baby, look up. I'm here, baby."muling dinig ko sa boses ni mommy.

Hindi ko na alam ang gagawin ko. Para kasing totoo lahat ng naririnig ko. Nandito kaya si mommy?

"Rylee..."

Sa pagkakataong iyon ay nagpakatatag ako. Inunti-unti 'kong iniangat ang ulo ko at tinignan ang paligid. Kaso sa pagtingala ko ay imahe ng kabaong ang nakalutang sa taas ng tubig. Nangatog ang tuhid ki dahil doon.

Hindi ko alam kung anong gagawin ko. Basta't ang tanging alam ko na lang ngayon ay  nagsisimula ng bumilis ang tibok ng puso ko at derederetso ang pagtulo ng luha ko. Gustuhin ko man na iiwas ang paningin ko ay di ko magawa  dahil parang minamagnet nito ang mga mata ko.

"Shit si Mrs.Miyamoto!"

"Ang daming gagamba ng bangkay niya!"

"Call the ambulance at ilayo niyo si Lady Rylee dito!"

"Patay na si Mrs.Miyamoto!"

"Patay na siya."

"Patay na."

"Arrrrrggghh!!!"naitulak ko ng wala sa oras si Ked dahil sa mga boses na pumapasok sa tenga ko.

Tama na please! Di ko na kaya.

Patuloy ang pag-iyak ko habang nasa magkabilang tenga ko ang mga kamay ko. Ayaw ko na ng marinig pa lahat ng yun. Please. Please!

Puro iling lang ang nagagawa ko dahil wala akong ibang marinig na boses kundi yung mga nangyari noon. Sila lang ang pumapasok sa isipan ko. Kung titignan ay para na akong baliw dito pero wala akong pakialam. Arrg! *sob* ayoko na!

"T-tama na...."humihikbi 'kong wika "P-pleasee tama na.... t-tama na...."paulit-ulit 'kong wika habang nakapikit pa rin.

Naramdaman ko ang kamay na yumakap sakin at di ko alam kung itutulak ko ba siya o hindi. But when I smell his scent and feel his body built makes me calm. Knowing this person hugging me tight makes me think  and feel that I am now safe. I don't know why but I thank him a lot for doing this.

"Thank you..."I just murmured before the dark eating my conciousness.
---
Copyrights ©Miixxiimii
All rights reserved

Make The Mafia's FallTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon