Please do votes and leave a comment.
---
KED POVBumalik ako sa pwesto namin kanina pero wala si Rylee doon. Saan naman kaya siya nagpunta?
Ginala ko ang paningin ko hanggang sa mahinto ito sa bar counter. Kaya nagtungo ako doon.
"Kuya, isa pa!"medyo may tama na niyang wika. Napailing na lang ako dahil doon.
"Kuya, wag mo na siyang bigyan."wika ko sa bartender kaya napalingon sakin si Rylee. Tinaasan niya ako ng kilay dahil sa inis.
"Ano ba naman yan, Ked! Minsan lang naman ako uminom kokontra ka pa ba?"mauulinigan mo ang pagkainis sa boses niya.
"Pinapasundo ka na ni Jace. Halika na."deretso 'kong wika habang poker face lang ang mukha.
Nasasaktan kasi ako sa mangyayari mamaya eh. Sana tama 'tong desisyon ko. Sana. Kahit masakit sa parte ko ay kakayanin ko basta para kay Rylee.
Tumayo siya sa kinauupuan niya at naglakad palapit sakin. Medyo na out of balance pa siya kaya agad ko siyang inalalayan.
"Nasan ba siya?"painosente niyang wika sakin.
Kapag ganito ang boses niya ay mas lalo akong nahuhulog sa kanya. Mas lalong nagiging abnormal ang pagtibok ng puso ko.
"Halika na. Dadalhin kita sa kanya."ngumiti ako ng bahagya na nginitian naman niya.
Inalalayan ko siya patungo sa table kung nasan si Jace.
"Hi, JM."nakangiting bati ni Rylee sa kanya. Nang lumigon si Jace sa pwesto namin ay kitang -kita ko ang pagdilim ng kanyang mga mata. Napailing na lang ako sa pagkapossesive ng lalaking 'to.
"Don't touch her!"singhal niya sakin at agad-agad niyang hinila si Rylee mula sakin. Kaya naman napasalampak si Rylee sa dibdib niya.
"Aray naman! Ang sakit naman nu'n, Jace!"reklamo ni Rylee habang hinihipo ang ilong niyang nasaktan siguro.
"I'm sorry, baby. May masakit ba sayo?"napangiti ako ng mapait dahil sa nasasaksihan ko kay Jace ngayon.
Alalang-alala siya kay Rylee. He really loves Rylee, dahil ngayon ko lang siya nakita na ganyan siya sa isang babae. Noong naging sila ni Safhira ay masasabi ko naman na naging sweet sila pero parang acting lang kasi yung pinapakita noon ni Jace. Ewan ko kung bakit ganun. Samantalang ngayon ay makikita mo talaga sa mukha ni Jace ang pagmamahal.
"Bakit ba kasi hila ka ng hila?! Nakakainis ka na!"inis na wika ni Rylee. Ewan ko kung bakit mainit ang ulo niya ngayon. Simula kasi kanina noong bumalik siya sa table namin ay salubong na ang kilay niya.
"Look, I'm sorry okay. I'm sorry."
Wow! Ang isang Jace Mathew Lee ay marunong magsorry?! That....that was AMAZING!
Ngayon ko lang siya narinig na magsorry eh. Maging si Lester ay nanlaki din ang mata niya dahil sa narinig.
"Did I heard him say sorry?"bulong na tanong sakin ni Lester na kinibit balikat ko naman.
"Yeah. I heard him too."balik ko.
"Tsk! Okay na! Wait nga lang. Bakit ang daming alak dito?"rinig 'kong tanong ni Rylee.
Napangiti naman ako bago ako nagsalita.
"Let's celebrate. Ayaw mo ba? Ikakasal na ang kuya natin."
"I see."tanging sagot niya bago siya kumuha ng baso at alak.
Pinanuod ko lang siya na maglagay ng alak sa baso pero agad akong napakunot ng noo ng ibang flavor na naman ang ilagay niya. Bali limang flavor ng alak ngayon ang nasa baso niya.
BINABASA MO ANG
Make The Mafia's Fall
AksiyonMaking the Mafia's fall is hard to do. How can I complete my mission if I am the one who fall in my own trap? LANGUAGE:Tagalog & English STATUS:Completed BOOK 2:Make The Mafia's Back SERIES:Mafia Series 2.1 GENRE:Action AUTHOR:M.M (Miixxiimii) COVER...