Mission 37

1.8K 54 2
                                    

Please do votes and leave a comment.

---
ADAM POV

["Fuck it, moron! If there's something bad happened to her I swear, I'll kill you and your whole family!!"] pambungad sakin ni Master ng tawagan ko ito para sana ipaalam ang nangyari kay Rylee pero mukhang alam na ata niya bago ko pa masabi.

"I'm sorry, master."yan lang ang tanging masasabi ko dahil kasalanan ko naman.

Napabayaan ko ang mission ko at hindi siya naprotektahan man kang. Damn!

I'm so scared when I saw her unconcious. I don't know what to do if something bad happened to her. Dahil alam kong buhay ng pamilya ko ang magiging kapalit.

["Fuck it! Your sorry won't change anything! Arrggh! I'll go to the Philippines after I recover this damnshit accident!"]galit na galit niyang wika bago niya pinatay ang tawag.

Kung hindi lang siguro siya naaksidente alam kong uuwi siya dito. Kapatid na niya ang pinag-uusap at lahat ng kuya ay nararapat lang mag-alala sa kapatid nito.

If your asking me why I'm always with Rylee. It just because she's my mission. My master wants me to protect her sister kahit na alam naman na nitong kayang-kaya niyang protektahan ang kanyang sarili.

Rylee is some kind of people na mahirap i-approach. Kaya nagpanggap akong bakla para mas mabilis akong makakapag-aapproach sa kanya lalo na at may pagmanhater siya. Ngunit nagulat ako ng bigla niya akong iaaccept as her friend kaya nagtaka na ako doon. I know she's up to something at kahit na anong pilit 'kong mag-imbestiga ay di ko magawa. Kaya di ko na tinuloy pa. She's a lady in throne by the way.

****
RYLEE POV

Dalawang linggo na rin ang nakakalipas magmula ng madala ako sa hospital. Dalawang linggo na rin ang nakakalipas magmula ng matapos yung exam namin. Kaya ngayon ay hayahay na naman kami. Syempre, exam ang pinakaworst na part sa pagiging estudyante. Pero dahil pinagpala naman ang utak ko kaya mani na lang sakin yun. Pati nga si Ked ay ang tali-talino. Hindi ko aakalain na makakaperfect siya. Si JM naman ay di ko alam kung matalino ba siya o ano. Kasi siya naman ang nagmamay-ari ng school kaya pwede niyang hiningiin ang test question.

Sinipa ko yung maliit na bato na paharang-harang dito. Mag-isa ko lang ngayon na naglalakad dito sa likod ng building namin dahil yung mga classmate ko ay nagtungo sa canteen. Busog pa naman ako kaya nagpaiwan na lang ako. Sayang din naman kasi sa pera kung maggagastos ako. Kailangan kong ibudget 'tong natitira kong pera dahil paubos na.

Kinuha ko ang phone ko sa bulsa ko at tinignan kung may tawag o text. Pero napailing na lang ako ng makitang wala man lang kahit isang tawag.

"Hsst! Kailan ba ako tatawagan ni daddy?"tanong ko sa sarili ko.

Lagi na lang kasi siyang busy. Maglilimang buwan na pero wala man lang siyang paramdam. Kapag naman tatawagan ko siya ay laging sekretarya niya ang sumasagot ng tawag. Kaya di na lang ako tumatawag sa kanya. Magsasayang lang ako sa load tapos di ko rin naman siya makakausap.

Muli 'kong sinipa ng malakas yung bato dahil sa inis ko nang may marinig akong tunog na parang metal. Kaya napaangat ako ng tingin. Ngayon ko lang din napagtanto na nasa liblib na bahagi na ako ng eskwelahan. May mga matatayog na damo na sa aking harapan at madaming puno naman sa aking likuran.

Nasan na ba ako? Kanina ay nasa likod lang ako ng building namin ha?

May narinig akong mga kaluskos kaya naman napatakbo ako sa isang malaking puno at doon nagtago. Mahirap na, ba'ka kung anong hayop na ang nandoon.

Make The Mafia's FallTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon