Epilogue

3K 76 8
                                    

Copyrights ©Miixxiimii
All rights reserved

---

Hanggang ngayon ay di pa rin magprocess sa utak ko ang narinig ko mula kay Master. Ang master ng lahat ng master.

G-Grandaughter?

Apo niya si Rylee? Ang babaeng mahal ko na sinaktan ko ay apo niya?

Pinaputukan niya ako na at natamaan ang aking balikat. Napalingon ako sa bumaril sakin at si Master iyon.

Walang emosyon na mababakas sa kanyang mukha kaya hindi ko siya mabasa.

"Ayokong umeksena sa problema niyo ng apo ko pero ang gawan siya ng maling bagay ay hindi ko palalagpasin! Isa kang hangal Black! Dyamante na nga pinakawalan mo pa!"sigaw nito at muli na naman niya akong pinatamaan sa kabilang bahagi ng balikat ko.

"Hindi kita papatayin, Black dahil ayokong lumaking walang ama ang magiging anak ng apo ko."napakunot ako ng noo dahil sa sinabi niya. "Hindi natin alam. Malay mo nabuntis mo pala siya."deretso niyang wika na ikinabilis naman ng tibok nitong puso.

Hindi ko alam kung naexcite ba ako sa isiping iyon o kinakabahan.

"Pero syempre, pahihirapam muna kita!"muli niyang sigaw at pinagbabaril ako sa iba't-ibang bahagi ng katawan ko hanggang sa mapaluhod na lang ako sa sobrang sakit. Hindi naman tumatama sakin ang mga bala pero nadadaplisan ako sa mga masasakit na parte

"I'm sorry, Master..."pakiusap ko sa kanya.

Grabi siya. Sabi niya di niya ako papatayin pero ang dami ko ng daplis dahil sa pinaggagawa niya. Damn it!

"Tsk!"wika niya tsaka niya nilagay sa kanyang bewang ang baril.

"LADY AR/LADY AEDAM/RYLEE!"sabay-sabay na sigaw nila kaya napabaling sa kabilang direksyon ang atensyon namin.

Nagtakbuhan ang mga tao sa railings ng barkong ito at dumangaw sila.

"A-ang apo ko. Nahulog ang mga apo ko...."wika ni Master na ikinanginig ng buo 'kong katawan.

Tumakbo siya sa direksyon na iyon. Gusto 'kong sumunod sa kanila pero di ko magawa dahil di ako makatayo sa dami ng tama ng baril sa katawan ko. Damn it!

"Rylee!"I screamed and my tears start to fall.

Nakadungaw sila habang tinatawag ang pangalan niya. Hindi ko alam ang gagawin. Oo, nasaktan ako sa ginawa niya pero di ko pa rin maikakaila na mahal ko pa rin siya. Mahal na mahal.

"I'm sorry, Rylee. I'm sorry...."paulit-ulit kong bulong pero alam kong wala ng magagawa ang pagbulong ko na ito.

Nilihis ko ang aking atensyon at napunta iyon sa kinaroroonan ni Ked. Naiyukom ko ang kamao ko nang maalala ko ang ginawa niya kanina. He shooted my love! He shooted Rylee!

Nanlilisik ang mga mata ko na nakatingin sa kanya. Mas lalo lang kumukulo ang dugo ko ng dahil sa rason niya upang barilin sila.

"J-jace, calm down."di ko pinansin ang sinabi ni James dahil pinapangunahan ako ng galit ko.

Pinilit 'kong tumayo at lumapit sa kanya. Agad ko siyang kwenelyuhan dala ng panggigigil ko sa kanya.

"WHAT DID YOU DO?!!"

Nakitaan ko siya ng takot dahil sa pagsigaw ko sa kanya. Pero mas nangingibabaw pa rin ang galit sa kanyang mata.

"HINDI SI LUTHER ANG AMA MO!! KAYA HINDI MO DAPAT BINARIL SI RYLEE AT ANG KUYA NIYA!! NANG DAHIL SAYO AY NASA PANGANIB ANG BUHAY NILA!!! OF ALL PEOPLE IKAW ANG PINAKAHULING TAO NA INAAKALA KONG GAGAWA NU'N SA KANYA. YOU DISAPPOINT ME!"I shouted because of angry.

Make The Mafia's FallTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon