Mission 44

1.6K 61 0
                                    

Please do votes and leave a comment.

---
RYLEE POV

Mabilis lang na lumipas ang oras at ngayon ay kasalukuyan na silang nag-bibid ng mga items.

"And let us now proceed to our handsome and gentleman boys."wika ng emcee na siyang pinalakpakan naman nilang lahat.

"Get my card. Bilhin mo ako ha."bilin ni JM at inilapag ang credit card niya tsaka siya tumayo sa kinauupuan.

So kasali pala siya dito. Wow naman.

"How much will you bid for Mr. Joaquin Del Fonso?!"wika ng emcee at umabante naman si Joaquin sa harapan.

Ang bidding na ito ay taon-taon ginaganap. Ang taong makakapanalo sa kanila ay idadate nila ng one week. Okay lang naman iyon sa mga boys dahil alam nilang walang personalan. It's either to them if they want to love the girl.

Ang malilikom naman na bidding para sa kanila ay idodonate sa mga orphanage at ibibigay sa mga mahihirap na nakatira sa eskwater.

"50,000!"napatingin ako sa babaeng unang sumigaw. Napailing na lang ako dahil sa kapal ng make-up nito.

"70,000!"

"I'll get him with 100,000!"malakas na sigaw ng isang babae.

Poor Joaquin. Hanggang one hundred thousand lang ata siya ngayon. Sayang naman ang porma kung ganun.

"Higher than 100,000?"wika ng emcee at wala ng nagtaas pa. Kaya naman sayang-saya na yung babae na umakyat sa stage.

"Our next participant is Mr.Blake Watson!"wika ulit ng emcee at umabante paharap si Blake.

Base sa itsura ngayon ni Blake ay parang kagagaling niya lang sa isang byahe. Pero kahit na ganun ay di pa rin maikakaila ang pagiging gwapo niya. Kaso maloko ang lalaking yan. And if I'm not mistaken, he's the heirs of Red Dragon Mafia.

"100,000!"sigaw ng unang babae pero may sumunggab agad sa kanya.

"150,000!"

"200,000!"

"Higher than 200,000?"muling tanong ng emcee pero wala ng sumagot pa. Kaya nanalo yung nasa huli.

Ngumiti naman si Blake doon sa babae na sayang-saya.

"Our next participant is Mr.Ace Samonte! Start of bidding is 250,000."

Gaya ng inaasahan ko ay nabigyan na naman ng starting bid si Ace. Hindi naman na bago yun sa kanya pero mukhang mataas ata ngayon.

"I'll get him 250,000!"biglang sigaw ni Madelline. At gaya din ng inaasahan ko ay mukhang si Madelline na naman ang makakakuha sa kanya. But let's play with her. Smirk.

"300,000!"sigaw ng isang babae.

"500,000!"segunda naman ng isa.

Mukhang maraming nagkakagusto ngayon kay Axl ha. Tsaka madami ring kalaban si Madelline. Pero alam ko naman na hindi magpapatalo si Madelline, kahit ilan pa ang ibigay niyan ay sigurado akong barya lang yun sa kanya.

"600,000."sigaw ni Madelline. See? Hindi yan magpapatalo.

"Higher than 600,000?"tanong ng emcee.

Ilang segundo ang lumipas bago may magsalita ulit.

"700,000!"ang boses na iyon ay galing kay Katryn. Yung girlfriend ni Axl.

"800,000!"sigaw ulit ni Madelline.

Hinintay 'kong magsalita ulit si Katryn pero hindi na siya nagsalita pa kaya ako na ang nagsalita.

"900,000!"

Make The Mafia's FallTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon