Please do votes and leave a comment.
---
Naglalakad ako papasok sa school ng may maramdaman akong kamay na umakbay sakin. Tinignan ko kung sino iyon at si Joaquin pala. Kaya naman sinamaan ko siya ng tingin at tinanggal ang pagkakaakbay sakin.'Kala nito nakakalimutan ko na ang ginawa niya kahapon. Tsk! Halos atakehin ako sa puso dahil sa bwisit na gagamba tapos pagtatawanan lang niya ako. Tsk! Tsk!
"Sorry na nga eh. Sorry na. Patawarin mo na ang pogi mong crush---este kapatid."natatawa niyang wika na di ko naman pinansin.
Saan ba ako nakakita ng taong nagsosorry pero tumatawa naman? Tsk! Sapakin ko 'to eh.
Nagmadali akong maglakad pero siya ay nakasunod pa rin. Kita ko din ang mga taong napapatingin samin tapos magbubulong-bulong. Mga tsismosa talaga ang mga 'to kahit kilan. Tsk!
"Boss!"napatingin ako sa likod ko ng marinig ko iyon.
Nakita ko ang mga kaklaseng lalaki ni Joaquin at nakipag-fist bump sila sa isa't-isa.
"Boss, di mo man lang kami sinama sa rambulan kahapon. Kaw, ha? Nagsasarili ka. Di mo ba alam na ang tagal na naming hindi nakikirambol?"wika ng lalaking matangkad at moreno ang balat pero may itsura.
"Oo nga, boss."segunda rin ng isa na maliit pero maputi at matangos ang ilong.
"Hsst! Hayaan niyo na. Ibigay niyo muna kay Lady ang pagkakataon na iyon. Matagal-tagal din siyang hindi nakikipagsuntukan dahil abala siya sa mga kung ano-anong bagay."sagot sa kanila ni Joaquin. Alam ko ang grupong kinasasalihan niya at kung gaano siya kadalas mapaaway kaya hindi na ako nagugulat pa sa mga pinagsasabi niya.
Kung kanina ay ako ang nasa unahan, ngayon naman ay nasa likod na lang nila ako. Mas okay na 'to para marinig ko ang mga sinasabi nila. Diba, intants chismiss na rin 'to. Itong kasing si Joaquin di nagkwekwento magmula nu'ng nauna siyang umuwi sa Pilipinas. Pareho na sila ni Ace na nagiging masekreto sakin. Medyo di na ako nakakasabay sa kwento ng buhay nila. Nakakatampo pero ganun talaga.
"Ano kayang itsura ni Lady? Matanda na kaya siya? Maputi ba? Maganda? Magkwento ka naman samin boss Joaquin ng itsura ni lady. Alam mo bang gustong-gusto na namin siyang makita dahil gusto naming magpasalamat sa kanya ng personal."wika ng matangkad na lalaki.
"Oo nga, boss. Malaki ang utang na loob ko sa kanya dahil siya ang sumusuporta ng pag-aaral ko. Kung 'di dahil sa kanya ay ba'ka tambay ako ngayon at walang mararating sa buhay."wika din ng isa panglalaki.
"Ako din. Binigyan niya ako ng panibagong buhay. Binigyan niya ng liwanag ang buhay kong wala ng ilaw."
"Ako din. Kung di dahil sa kanya ba'ka hanggang ngayon ay bobong basagulero pa rin ako."
"Sana makita na namin siya."
"Tama. Tama. Kung naririnig siguro ni lady ito ano kaya ang magiging reaksyon niya?"
"Alam 'kong matutuwa si lady dahil sa mga sinasabi niyo. Isa lang naman ang gusto nu'n eh. Ang makapag-aral kayo ng mabuti kahit na nakasali kayo sa gang slash mafias."nakangiting sagot sa kanila ni Joaquin na siyang nagpatibok naman ng mabilis sa puso ko. Di dahil sa gwapo siya kundi dahil sa sinabi niya.
Napakalawak na niyang mag-isip. Hindi na puro kalokohan ang laman ng utak niya at masaya ako dahil may pinatunguhan naman ang kanyang pananatili dito. Hindi lang siya basta-basta na kikipagbasag-ulo dahil gumagamit na siya ng utak. Im so proud of you Joaquin!
Lumiko na lang ako ng dadaanan dahil nasa kabilang wing ang building namin. Ganun din sila na nasa kabila kaya di ko na narinig pa ang mga pinagsasabi ng kanyang mga kasamahan. Masaya din ako sa mga kasamahan niya dahil kahit na may gang silang sinalihan ay di pa rin nila pinapabayaan ang pag-aaral nila. Sigurado akong matutuwa ang lady nila.
BINABASA MO ANG
Make The Mafia's Fall
AksiyonMaking the Mafia's fall is hard to do. How can I complete my mission if I am the one who fall in my own trap? LANGUAGE:Tagalog & English STATUS:Completed BOOK 2:Make The Mafia's Back SERIES:Mafia Series 2.1 GENRE:Action AUTHOR:M.M (Miixxiimii) COVER...