Mission 3

4.2K 91 4
                                    

Please do votes and leave a comment.

---
Rylee POV

Muli akong napabuntong hininga sa kinauupuan ko. Hindi ko na lubos mabilang kung ilang buntong hininga na ba ang nagawa. Nakakainis kasi ako pero hindi naman ako pwedeng magwala dito.

Sa tuwing iniisip ko na kalimutan na lamang ang nangyari kanina ay mas lalo ko lang naaalala. Ano ba yan?! Nakakainis talaga!

Bakit ang masungit na lalaking yun pa ang nadaganan ko? Bakit siya pa ang nakahawak sa----no. No. No! Wala siyang nahawakan. Tama! Tama! Wala siyang nahawakan.

"Ms.Lavigne!"

"AY NAHAWAKAN!"sigaw ko at napatayo pa ako dahil sa pagkabigla.

Pero ng tumingin ako sa klase ay halos manlumo ako sa kinatatayuan ko. Nakatingin kasi silang lahat sakin habang may nakakunot na noo at ang iba ay nagpipigil pa ng tawa.

"Sis, anong nahawakan?"nakakalokong tanong ni Adam na katabi ko ngayon.

"You're spacing out, Ms.Lavigne."naiiling na wika ni ma'am sakin.

"Sorry, ma'am."tanging sagot ko na lang sa kanya bago umupo.

Damn! Nakakahiya! First day of classes pero ang dami ng kahihiyan ang nangyari sakin. Ano ba naman yan!

"Bukas na lang ako magdediscuss, okay?"

"Okay'ng-okay, ma'am!"sigaw nilang lahat na inilingan na lang ni ma'am bago siya lumabas sa room.

Dahil last subject na yun ay masayang-masaya akong tumayo sa kinauupuan ko. Excited ko ding isinukbil ang bag ko ng may dalawang kamay na pumatong sa balikat ko at pinabalik ako sa pagkakaupo.

"Sinong------"di ko na natapos pa ang sasabihin ko ng makita ko kung sino iyon.

Damn! Bakit siya pa?! Bakit si Jace pa?! At ito na naman ang peste at abnormal kong puso.

Damn it! I need to focus but this fucking heart distracting me. Aiish!

"We need to elect a classroom officers now."diretsong wika niya at nagsiseryosohan naman ang buong klase ng sabihin niya iyon. Para bang napakamaotoridad niyang tao at talagang katatakutan mo siya.

Nagtungo siya sa harapan namin at sumunod naman sa kanya si Ked.

"Election for the president?"tanong nito.

"Syempre ikaw pa din ang president!"someone exclaimed and they all agreed with that.

Well, hindi naman na kami magdidisagree pa ni Adam, dahil sila din naman ang magkakasama ng matagal. Kaya alam na nila kung ano ang ugali ng bawat isa sa kanila.

"All agree?!"sigaw ni Ked na siyang may hawak sa chalk.

Nag-nod kami sa kanya bilang sagot at dahil doon ay nagsimula na siyang magsulat ng president.

"Next, is Vice-president!"muling saad ni Jace.

"Si James!"sigaw ng isa pa naming kaklase na inagreehan na lang din namin.

"Syempre ang secretary na natin ay si Ked. Yung Treasurer, sino ang gusto niyo?"muling wika ni Mr.President.

Wow, marunong din pala siyang gumamit ng malumanay na boses. Impressive! Note the sarcasm.

"Si Rylee! Si Rylee! Si Rylee!"paulit-ulit na sigaw ni Ked na tinanggihan ko naman.

"No. Ayokong maging officer. Ikaw na lang, Ked. Tutal nagsusulat ka naman na."

"No, Ry. Pleasee si Rylee na lang."pagmamatigas ni Ked na kinokontra ko, pero sa huli ay umagree din silang lahat sa gusto ng bata. Hsst!

"Yan lang and you may go."huling saad ni Jace na ikinakunot naman ng noo ko.

Make The Mafia's FallTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon