Mission 41

1.7K 68 4
                                    

Please do votes and leave a comment.

---
RYLEE POV

Hindi ko alam kung ano ang irereact ko. Wala eh. Nangyari na ang di dapat mangyari, tatanggi pa ba ako? Gayung naayos na ako at tanging pagdalo na lang doon sa party ang kailangan kong gawin.

"You look so fabulious gorgeous, beautiful young woman!"tili ng baklang nag-ayos sakin.

Pinadala pa 'to ni JM para lang maayosan ako at maging ang suot 'kong damit at heels ay galing pa sa kanya. Buti na lang at kakilala ko ang baklang 'to dahil lahat ng gusto kong palagyan ng foundation sa kanya ay nilalagyan niya. Gaya na lang ng sa likod ko. Pinalagyan ko ng liquid foundation ang tattoo ko doon.

"Itsusera ka talagang bakla ka."nakangiti 'kong sagot sa kanya.

"Trulalo naman kasi, Young Lady. Ewan ko na lang kung di pa maiinlove sayo si Sir Jace."balik niya na nginitian ko na lang ng awkward.

Sa dinami-rami ng maiinlove bakit si JM pa? Pero damn! 'Tong puso ko ay nagpapalpitate na naman ng sobrang bilis.

"Mukhang siya na yung nagdodoor bell."wika ng baklang nag-ayos sakin kaya naman napabalik ako sa ulirat.

Ngumiti lang ako sa kanya saglit bago siya lumabas ng kwarto ko. Sumunod naman ako sa kanya at saktong paglabas ko ay siyang pagpasok naman ni JM.

I don't know how to react. But damn! He really look like a prince charming who's waiting to his princess. A very handsome prince charming.

Nagsimula na namang magpalpitate ng malakas at mabilis ang puso ko at tila ba nag slowmo at nagblurred ang paligid ko. Bakit may ganito na akong nararamdam? Epekto ba ito ng naalis na salamin ko? O dahil lang sa taglay niyang kagwapuhan? Oo na't aaminin  ko ng gwapo siya. Siya pa ba? Ang perpekto ng mukha niya.

"You look human today."wika niya sakin na nakapagpabalik sa ulirat ko.

Ano nga ulit ang sinabi niya? Look human? Bakit? Di ba ako tao kanina ha?! Ha?! Pigilan niyo 'ko! Masasapak ko talaga 'tong hari ng kasungitan na ito!

"What are you waiting for? Let's go."yaya niya na sinamaan ko naman ng tingin.

Tsk!tsk! Di pa niya ako binati tapos kung makapag-utos 'to parang siya ang boss ha! Tsk! Ano pa nga bang aasahan ko sa kagaya niyang masungit. Grr!

"Goodluck, girl. Enjoy your night."wika ni baklita sakin ng sumunod ako kay JM. Nginitian ko na lang siya at tsaka na ako lumabas ng unit ko.

Siya na lang ang magsasara doon. Tutal wala namang mawawala sa bahay ko.

--
AFTER a minute of traveling ay nakarating din kami dito sa dadaluhan nilang party. Sa buong byahe namin ay walang nagkikibuan. Masama loob ko sa kanya kaya hindi ako kumikibo. Bahala siya diyan.

Ako na ang nagbukas ng pinto ng sasakyan niya dahil nakakahiya naman sa kanya. Unang tapak ko palang sa semento ay tila nakaramdam na ako ng kakaibang kaba. Hindi ko alam kung bakit pero basta. Alam kong may masamang mangyayari ngayong gabi. And my guts never failed me.

"Let's go."wika ni JM na tinanguan ko na lang.

Inoffer naman niya ang kamay niya sakin kaya inangkla ko doon ang kamay ko. Hindi talaga maganda ang pakiramdam ko sa party'ng 'to.

Pagpasok namin sa entrance ay may mga nakaabang na photographer. Parang hollywood naman ang peg namin dito. May pa-red carpet pa kasi sila.

Nagpapicture naman kaming dalawa ni JM and as usual ay nakapoker face lang siya. Nakakakilabot kapag ganyan ang mukha niya.

Make The Mafia's FallTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon