Mission 22

2.3K 65 4
                                    

Please do votes and leave a comment.

---
Napatigil ako sa paglalakad patungo sa pintuan ng condo ko ng makita ang taong nakatayo doon. Parang kanina lang ay kasama ko siya pero ngayon ay nandito na. How come? Mas nauna pa nga akong umalis sa kanya, ha?

"What are you doing here?"tanong ko kay JM na nakatambay sa harapan ng condo ko.

Humarap siya sakin ng nakapamulsa. Feeling model ang peg niya.

"I'm here to give you this."sabay lahad niya sa isang sobre.

Nanlaki ang mga mata ko ng makita ang sobre'ng iyon. Dali-dali akong lumapit sa kanya at kinuha ang sobreng inilahad niya. Ghad! Paano niya nakuha ito? Tsaka nilagay ko 'to sa bag ko ha?

"P-pinakialaman mo ba ang laman nito? H-ha?"kinakabahan 'kong wika. Syempre, sobre 'to ng utang ko kaya nakakahiya naman kung makikita niya ito. Ano na lamang ang sasabihin niya? Mamaya ipagkalat niya pang utangera ako.

"I'm not curious about it. Tsk!"masungit niyang sagot sakin na ikinahinga ko naman ng maluwag. Kahit masungit siya ay okay na yun, basta wag lang talaga niyang mabasa-basa ang laman nito.

"Oh? Ano pangginagawa mo dito? Umalis ka na."pagtataboy ko sa kanya. Alergic sa lalaki ang unit ko. Hindi ako pwedeng magpapasok ng iba dahil ayokong magulo ang pagkakaayos ng mga gamit ko. Isa pa ay wala akong maihaharap sa kanya na meryenda.

"Tsk! Tsk!"naiiling niyang sagot  bago siya lumakad at umalis na.

Napahugot ako ng malalim na buntong hininga dahil sa ginawa niya. Pwe! Di bale na nga lang.

Nilagay ko na ang passcode ng condo ko at pumasok na ako sa loob. Agad 'kong hinagis sa sofa ang bag ko at pabagsak na umupo doon. Tinignan ko muna ang sobreng hawak ko at sa likod  niya ay may nakalagay na pangalan at address ko.

Binuksan ko ang sobre at nandoon nga. Naniningil na ng tuition ang school 'kong nasaan ang mga scholar ko. Oh? Ang bata ko pa pero may scholar na ako. Well, si mommy ang may business niyan. Pero dahil wala na siya ay ako na ang nagtuloy. Sabi sakin ni mommy, ay na kay Axl daw ang mga pera na pambayad doon at hindi alam yun ni daddy. Di ko alam 'kong bakit pero alam 'kong yun ang mas makakabuti. Lalo na't alam 'kong may pagkagahaman si daddy. Sa ngayon ay pinapaikot na lang ni Ace ang perang naiwan para lumago ito. Hindi rin naman kasi sasapat ang perang naiwan ni mommy para sa lahat ng scholar niya.

Kinuha ko ang cellphone ko at agad na tinawagan si Ace. Ilang ring din ang lumipas bago niya sagutin ito.

"Ace, naninigil na yung eskwelahan. Bakit di mo pa binabayaran?"panimula ko sa kanya.

["Ay sorry... nakalimutan ko. Busy kasi ako sa school kaya di ko na naharap yan."]agad na umangat ang isang kilay ko dahil sa sinabi niya.

"Anong school? Kilan ka pa bumalik sa pag-aaral, ha?"wala akong pakialam 'kong mas matanda siya sakin. Wala man lang akong kaalam-alam sa nangyayari sa buhay niya. Tapos kapag may nangyari sa kanya ay ako naman ang ginugulo niya.

["It's Victor school. You know him. And he needs to have a acting professor, so I take the opportunity. You know, dagdag income."]napairap ako ng wala sa oras dahil sa sinabi niya.

Dagdag income? Eh, ang yaman-yaman nga niya tapos naisipan niya pa ang dagdag income.

"Kilan ka pa natutong magturo, ha? Alam mo bang nakakatanggap na ako ng mga sulat galing sa mga school ng mga scholar tapos ikaw ay sarap buhay lang diyan."inis 'kong saad sa kanya.

Make The Mafia's FallTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon