Mission 28

2K 61 4
                                    

Please do votes and leave a comment.

---
"Witwew!"bulalas ni Jennysis ng makita akong nakalabas na sa cubicle. Napalingon din sakin si Jess at agad na ngumiti.

"Ang seksi nemen!"at ayon, tinukso na nila akong dalawa.

"Mag-tigil nga kayo! Hindi ko naman 'to isusuot kung may iba pangdamit eh. Tignan niyo nga."sabay lahad ko sa kabuoan ko. "Ang iksi-iksi at ang hapit sa katawan. Nagmumukha akong suman dito eh."reklamo ko na tinawanan naman nila.

Sabay-sabay kaming lumabas sa C.R at pansin ko ang pagtingin ng ibang estudyante samin. Siguro ay dahil sa itsura ko na mukhang suman na may sabitan pa sa ulo, kasi naman nakamissy bun ako. At sigurado akong pinagtatawanan din nila ako dahil sa ayos ng bangs ko na gulo-gulo sa mukha ko. Hindi pa kasi ako nagsusuklay eh at morning towel lang ang ginamit ko na pantuyo sa katawan ko. Kaya naman umaagos pa ng tubig ang buhok ko. Pakiramdam ko ay ito na ang pinakamalas na araw na nagyari sakin. Kung nandito lang sana si Ace, may uutusan ako.

"Anong suman pinagsasabi mo? Ang ganda nga ng katawan mo at sakto lang ang damit sayo. Mas mukhang suman pa nga si Safhira kumpara sayo."natawa naman kami ni Jennysis sa sinabi ni Jess. 'Tong shibuli'ng 'to talaga ay napakadaldal. Noong first day namin ay akala ko napakasungit nila pero hindi naman pala. Totoo nga ang sabi nilang don't judge the book by it's cover.

"Pero hindi naman ako sanay sa ganito kaikling palda. Ano 'to pekpek skirt."sabay baba ko sa dulo ng palda ko dahil naiilang ako. Buti sana 'kong mataas ang medyas ko. Eh, hangang binti lang naman eh.

"Hay naku, kung may iba pang extra malamang yun yung kinuha namin. Ito lang kasi yung extrang uniform kay Sir Arman."sagot ni Jennysis sakin.

"Wag mo na ngang isipin yan. Ang ganda nga ng katawan mo. Kung ako lang ang may katawan na ganyan aba hinding-hindi na ako mang-aakit ng mga babae dahil babae na ang maaakit sakin."natatawang wika ni Jess na inilingan ko na lang. Ang kalog talaga ng babaeng 'to. Parang hindi tomboy kung gumalaw.

"Pare ang seksi ng nerd na yun oh."

"Oo nga pare. Tsaka ang hot niya sa ayos nya ngayon."

"Pare, sana ganyan siya araw-araw."

"Para masilapan mo? Psh!"

"Hindi ah! Bagay nga sa kanya yan eh. Buti nga at sa building natin siya napunta."

"Pare, wag ka ng manggulo pa samin dahil liligawan ko yan."

"Anong liligawan? Ako ang manliligaw diyan!"

"See? Gandang-ganda sila sayo."nakangiting wika sakin ni Jess na sinimangutan ko naman.

"Gandang-ganda ka diyan? Nang mamanyak nga sila eh "

Tsk! I were this boys? I'll just shut my mouth. They don't know kung kilan kikilos si karma. Tsk!

"Kasi nga maganda ka!"sabay nilang wika na nagpasimangot sakin. Sabihin ba naman sa magkabilang tenga ko. Ang ingay ha.

Pumasok kami sa classroom at gaya ng usual scene sa loob ng classroom kapag walang teacher. Ganun ang naabutan namin. Nagbabatuhan ng papel habang naghahabulan. May di pa sinasadyang nakabangga sakin dahilan para tumama ang hita ko sa gilid ng desk.

"Aray!"daing ko dahil medyo patulis ang gilid ng desk namin at malakas pa ang pagkakabangga sakin. Plus yung paldang suot ko ay maiksi. Sigurado akong may bumakat na marka sa hita ko. Damn it! Maputi pa naman ako kaya siguradong mahahalata ito

"Sorry, Rylee. Sorry."paumanhin ni Josh habang inaalalayan akong makatayo ng tuwid.

Napaigtig ako sa pagtayo ko dahil sa masakit ang hita ko. Malakas ang impact eh. Medyo bansot na nga ako tapos babanggain pa ako. Paano na ako nu'n? Tsk!

Make The Mafia's FallTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon