Please do votes and leave a comment.
---
RYLEE POVBumukas ang napakalaking gate at malaki't puting-puting bahay ang bumungad sakin. Napakalawak niya at nakakalaglag panga ang kanyang ganda. Well work sa architect na nagdesign nito.
Hininto ni JM ang sasakyan niya sa tapat ng pintuan tsaka siya bumaba kaya naman sumunod ako sa kanya at bumaba na rin.
"Bahay niyo 'to?"tanong ko sa kanya habang naggagala ang mga mata ko sa design ng bahay na 'to.
"Yeah."tipid niyang sagot tsaka pumasok sa loob.
Sumunod ako sa kanya hanggang sa marating namin ang living room nila. May mga painting dito na sigurado akong mamahalin ang presyo. Kompleto sa gamit ang living room nila at kahit na ganito lang ang kwarto ko ay magiging hayahay na ako.
Ang yaman-yaman talaga ng lalaking 'to.
Pansin ko na wala man lang katulong na bumungad samin dito. O kahit na anong tao. As in kaming dalawa lang ang nakikita ko ngayon.
Umakyat siya sa hagdan pero hindi na ako sumunod sa kanya. Hihintayin ko na lang siya dito.
Nasa kalagitnaan na siya ng paglalakad ng bigla siyang huminto at lumingon sakin.
"Follow me."simpleng wika niya at nagpatuloy siya sa paglalakad. Sumunod naman ako sa kanya hanggang sa makarating kami sa taas.
Pumasok siya sa isang kwarto na hindi ko na binalak na sundan pa. Ba'ka kung ano pa ang gawin niya sakin diyan kapag sumunod ako diyan. Jusko!
Mga ilang minuto siya sa loob bago siya lumabas at may dala-dala siyang damit. Pansin ko din na nakapalit na siya ng damit.
"Here. Change your clothes."wika niya tsaka inabot sakin yung damit.
Kinuha ko naman yun at bahagya siyang nginitian.
"S-salamat."nahihiya ko pang ani.
Syempre damit niya 'to. At sa lagay ng kasungitan ni JM. Sigurado akong bibihira lang yan magpahiram ng damit.
"You can use my room or if you don't want there's a guest room there."sabay turo niya sa kaliwang bahagi ng pasilyong ito.
Mas pinili ko na lang na magpalit sa guest room nila kaysa sa kwarto niya. Sobrang nakakahiya na kasi kung sa kwarto niya pa ako magpapalit.
"Ang bango naman nito."di ko mapigilang ikomento ng maamoy ko ang damit niya.
Ang swerte siguro ng tagalaba niya. Kasi imagine, itong damit na 'to ay mabango na. Paano pa kaya kapag underwear na? Grr! Scratch that thought, Rylee! Yuckky ng utak ko. Nagiging pervert na.
Sinuot ko na lang yung damit niya at buti na lang medyo mahaba ito. Laking pasalamat ko din dahil nakasuot ako ng maiksing short ngayon. Kung wala ay ba'ka undies lang ang pang-ibaba ko. Paano kasi, damit lang naman ang binigay niya. Tsk! May pagkamanyakis din pala siya.
Inalis ko ang pagkakatali ng buhok ko tsaka ko hinarang sa hinaharap ko. May bumabakat kasi eh. Wala pa naman akong suot na brasseir ngayon.
"Done?"tanong niya na ikigulat ko naman.
Nasa gilid kasi siya ng pinto ng kwartong ito tapos bigla-bigla na lang nagsasalita.
"Oo."tipid ko na lang na sagot.
"Let's eat. I'm fucking hungry right now."aniya tsaka siya naglakad pababa. Kaya sumunod na lang ako sa kanya.
Dumiretso siya sa kusina at naglabas ng kung ano-ano sa ref niya. Samantalang ako ay nakaupo lang dito at pinapanuod siya sa ginagawa niya.
BINABASA MO ANG
Make The Mafia's Fall
ActionMaking the Mafia's fall is hard to do. How can I complete my mission if I am the one who fall in my own trap? LANGUAGE:Tagalog & English STATUS:Completed BOOK 2:Make The Mafia's Back SERIES:Mafia Series 2.1 GENRE:Action AUTHOR:M.M (Miixxiimii) COVER...