Please do votes and leave a comment.
---
RYLEE POVDumiretso ako sa upuan ko ng nakabusangot. Hanggang ngayon kasi ay di pa rin mawala sa isipan ko yung nangyari kahapon. Nakakainis pa rin dahil kinain na nga yung kwek-kwek ko tapos nagsungit pa siya. Bakit di na lang siya nagthank you? Mas okay pa yun kaysa naman magsungit siya. Tsk!
Napatingin ako sa pwestong kinauupuan niya at nahuli ko siyang nakatingin rin sakin kaya halos lumundag ang puso ko ng magtama ang aming mga mata.
Damn! Nakakainis na talaga ang nararamdaman ko. Bakit ba ako nagkakaganito?
Umiwas siya ng tingin kaya bumuntong hininga na lang ako bago ko ilapag ang bag ko sa upuan ko. Padabog akong umupo tsaka ako humalukipkip.
"Umagang-umaga, sis ha."wika sakin ni Adam na naglapag din ng bag niya sa kinauupuan.
"Nakakabadtrip kasi."sagot ko sa kanya.
"Huh? Bakit ka naman nababadtrip?"
"Basta."sagot ko na lang sa kanya bago ako tumingin sa pintuan at sakto naman ang pagpasok ni Ked.
"Rylee!"masaya niyang wika sakin habang naglalakad palapit sakin.
"Bakit?"kunot-noong tanong ko sa kanya.
"Halika dito. May papakita ako."sabay hawak niya sa braso ko kaya naman napasigaw ako sa sakit.
"Aaaww! Shit! Holymotherfuckingshit!!! Ang sugat koo!!!"sigaw ko sa kanya dahil sa sobrang higpit ng pagkakahawak niya sa braso ko.
Halos tumahimik din ang buong klase dahil sa pagsigaw ko. Pakshit!
Binitiwan niya ito at agad siyang nagsorry. Tinaas ko ang manggas ng galang suot ko at dumudugo na naman ang sugat ko. Tangina!!
"Anong nangyari diyan?"nag-aalala niyang tanong. Pansin ko ang pagtingin ng ibang kaklase ko samin. Maging siya ay nakatingin din.
"Nasugat."tanging sagot ko habang inaalis ang gasang nakapulupot sa braso ko.
Ginamot ko na 'to kanina pero dumudugo pa rin. Dapat pala kay Joaquin ko na lang pinagamot. Pero dahil sa pride ay nagsarili ako.
Pansin ko ang pagtayo niya at lumapit sakin. Hinawakan niya ang braso ko na siyang nagbigay ng malakas sa kuryente buong katawan ko at bumilis na naman ang pagtibok nitong puso ko. Pakiramdam ko ay may insekto na din sa tiyan ko dahil sa presensya niya.
"You should clean this. The vicinity of your wound is infected."wika niya habang inuusisa ang braso ko.
Wala naman akong masabi o maireact dahil sa ginagawa niya. Gulat na gulat pa rin kasi ako at parang tinakas na ako ng sarili 'kong dila dahil dito.
"Let's clean this. Ked, pakilabas yung first aid kit."utos niya kay Ked na agad naman niyang ginawa.
Pinaupo niya ako sa upuan ko at humila siya ng isang upuan para pag-upuan niya. Una niyang binuksan ang mineral water na diko alam kung saan nila nakuha. Binuhos niya iyon sa sugat ko. Medyo mahapdi pero kaya namang tiisin. Nang matapos naman ay bulak at alcohol ang inilabas. Magrereact pa sana ako ng bigla niyang idampi sa mismong sugat ko yung bulak.
"WHAT THE FUCKING FUCK?!! IT HURTS!!"singhal ko dahil sa sobrang hapdi. Di ko alam kung may problema ba 'to at sakin niya inilalabas dahil napakabigat ng kamay niya o sadyang trip lang niya na ipadama ang sakit. Bwisit!
"Wag kang mag-inarte. Kung inalagaan mong mabuti ang sarili mo ede sana, wala kang sugat ngayon."sermon niya na inirapan ko na lang. Parehong-pareho sila ni Ace. Parang tatay kung manermon. Tsk!
BINABASA MO ANG
Make The Mafia's Fall
ActionMaking the Mafia's fall is hard to do. How can I complete my mission if I am the one who fall in my own trap? LANGUAGE:Tagalog & English STATUS:Completed BOOK 2:Make The Mafia's Back SERIES:Mafia Series 2.1 GENRE:Action AUTHOR:M.M (Miixxiimii) COVER...