Mission 43

1.6K 63 7
                                    

Please do votes and leave a comment.

---

RYLEE POV

KINO, apat na letra pero nakakabwisit. Dahil si Kino lang naman ang dahilan kung bakit ako nandito. Kung bakit ako nagsusuffer sa nakakabagot na buhay. At siya din ang magiging dahil kung bakit hindi ako magiging masaya sa hinaharap ko.

He's Kino Firence. Ang lalaking nakatadhana na papakasalan ko. Pero kung magagawa ko ang misyon na binigay sakin ay maaaring hindi matuloy ang kasal ko sa kanya.

"I miss you, Ae. Did you miss me too?"tanong niya sakin sa tonong nalulungkot.

"Bakit kita mamimiss kung araw-araw ko namang nakikita ang taong kamukha mo?"deretsa 'kong sagot sa kanya.

Gaya nga ng sinabi ko kanina, mas gwapo si JM sa kanya and YES. Magkamukhang-magkamukha sila ni JM. Yung unang araw ko sa eskwelahan ni JM ay buong akala ko ay si Kino iyon pero hindi. Ibang-iba si JM kay Kino. Kung si JM ay strict at tahimik. Si Kino naman ay maingay at happy go lucky. Pero kapag si Kino ay nanahimik, ibig sabihin galit na iyan.

Their twins but they have opposite characteristic. At gaya ng nabasa niyo ay magKAPATID nga sila. It was four months ago. After ng klase ko sa unang araw ng pasukan ay nagsagawa agad ako ng imbestigasyon tungkol sa kanila. Then I found out na magkapatid sila pero hindi nila alam pareho na magkapatid sila. Dahil ang biological parents nilang dalawa ay namatay. Pero bago mamatay ang papa nila ay pinaampon nila si Kino at JM sa mga Firence. Ang di ko lang alam at hindi ko matukoy-tukoy ay yung tungkol sa pagiging Lee ni JM. Bakit siya napunta kay Mr. Don Matthew Lee? Arrrggg! Ang gulo ng magkambal na 'to.

"What do you mean?"kunot-noong tanong niya.

"Ugh! Nothing. Bakit ka nga pala nandito? Ten months ang palugit niyo sakin diba? Kaya dapat nasa Japan ka wala dito."pang-iiba ko sa topic.

"Eh sa namiss ko ang fiancé ko eh."wika niya na ikinasama naman ng tingin ko.

Kahit kilan ay di ko siya tinuring na fiancé. NEVER. Dahil ayokong makulong sa isang bagay na hindi ko naman magawang maging masaya.

"Fiance for now. Pero malay mo, ba'ka sa mga susunod na araw ay hindi na."deretso kong ani sa kanya na ikinatahimik naman niya.

Lumabas na ako sa C.R bago pa may makakita samin doon. Ayokong may isipin ang ibang tao tungkol sakin at ayoko rin makita ng matagal ang pagmumukha ni Kino. Damn! He already ruinned my night! I don't want him. Kapag nakikita ko pa lang siya ay nabwibwisit na ako sa kanya. Kung di ba naman dahil sa kanya ay di ako mapupunta sa ganitong sitwasyon. Damn it!

"Oh, Ry ang tagal mo ha."wika sakin ni James ng makarating ako sa pwesto namin.

"Madami kasing tao doon eh."sagot ko na lang tsaka ko ininom ang tubig na nasa harapan ko.

Grabi! Ang swerte ko talaga ngayong gabi. Insert sarcasm. Unang-una, na-OP ako sa section namin. Tapos nameet ko ang girlfriend ni Axl, tsaka nagpakita si Madelline tapos sumulpot si Kino na ang buong akala ko ay nasa Japan. Fuck! Gusto ko na talagang matapos ang misyon na ito para makabalik na ako sa sarili 'kong buhay. Hirap na hirap na ako sa ginagawa ko. I'm so confused with myself dahil di ko na alam kung acting pa ba ito o totoo na.

"You look horrible. Are you okay?"pati ba naman itsura ko ay napapansin pa nila.

"Y-yeah."medyo nauutal 'kong sagot kay Jess.

Sino ba naman kasi ang di kakabahan kung ang dalawang magkapatid ay nakatingin sayo? Si JM na kung makapagmasid sakin ay para akong kriminal na bawal makawala at si Kino na kahit nasa malayo ay  nakatingin pa rin sakin. Buti na lang talaga at nakatalikod si JM. Hindi pa ito ang tamang oras para magkakilala sila.

Napahinto ako sa pag-iisip ng biglang tumugtog ang isang kanta ni Ed Sheeran.

Play:How would you feel by Ed Sheeran

You are the one girl
And you know that it's true
I'm feeling younger
Every time that I'm alone with you
We were sitting in a parked car
Stealing kisses in the front yard

Nagulat ako ng bigla akong yayain ni JM. At dahil nakakahiya naman na tanggihan siya ay umoo na lang ako tsaka kami nagtungo sa gitnang bahagi ng mga nagsasayaw.

How would you feel, if I told you I loved you?
It's just something that I want to do
I'll be taking my time, spending my life
Falling deeper in love with you
So tell me that you love me too

Habang nagsasayaw kami ngayon sa gitna ay di ko maiwasan mapatingin sa kanya. Ibang-iba talaga ang hubog ng kanyang mukha sa kanyang kapatid. Oo, sa unang tingin ay magkamukha sila pero kapag pinagmasdan mong mabuti ay mas gwapo tignan ang mukha ni JM kaysa kay Kino. Pero mas maamo namang tignan ang mukha ni Kino kaysa kay JM.

In the summer, as the lilacs bloom
Love flows deeper than the river
Every moment that I spend with you
We were sat upon our best friend's roof
I had both of my arms round you
Watching the sunrise replace the moon

Hindi ko alam kung tama pa ba 'tong nararamdaman ko. Basta, kapag napapalapit ako kay JM naghuhumirintado ang puso ko. Pakiramdam ko maging ang buong sistema ko ay nagkabuhol-buhol na din dahil sa kanyang presensya.

Damn! Hindi ko alam kung kilan pa ito nagsimula. Pero ngayon ay sigurado na ako. Siguradong-sigurado na ako na nahulog na ako sa kanya. Sigurado na ako na nagkakagusto na ako sa kanya. Mali na itong nararamdaman ko. Kabaliktaran na ito sa dapat sanang pwedeng mangyari. Damn it!

How would you feel, if I told you I loved you?
It's just something that I want to do
I'll be taking my time, spending my life
Falling deeper in love with you
So tell me that you love me too

Ano kaya ang magiging reaction niya kapag nalaman niya ang nararamdam ko? Or worst kapag nalaman niya ang totoong anyo ko. Lalapit pa rin ba siya sakin o lalayo? Knowing JM. He's too playful, but in a quiet move.

"You look so beautiful tonight."wika niya na ikinabilis na naman ng pagtibok nitong puso ko. Pakiramdam ko ay nagkabuhol-buhol na naman ang mga intestine ko dahil sa kanya.

"T-thank you."medyo nahihiya ko pang sagot sa kanya. Damn it! Ganito ba talaga kapag nafafall? Nagiging mahiyain?

It's just something that I want to do
I'll be taking my time, spending my life
Falling deeper in love with you
So tell me that you love me too
Tell me that you love me too
Tell me that you love me too

"Alam mo ba na gusto ka ni James?"napakunot ang noo ko dahil sa sinabi niya.

Ako? Gusto ni James? Damn! Why him?!

"Di ko alam eh."I plainly said.

"Ngayon alam mo na. Kaya dapat lagi kang nasa tabi ko. Kung kinakailangan na bakudan kita ay babakudan kita dahil ayokong mapunta sa iba ang babaeng mahal ko."

Ano daw?

Halos mabingi ako sa huling katagang sinabi niya. Tama ba ang narinig ko? O may tae lang ang tenga ko? Damn! I suddenly felt that I am special to someone and it's really give me chill. Pakiramdam ko ay ako na ang pinakamasayang tao sa buong mundo dahil mahal din ako ng taong kinahuhumalingan ko.

Ngunit tila naglaho ang lahat ng saya na nararamdaman ko at napalitan ng konsensya at lungkot ng sumagi ang mission sa aking isipan. Damn! He's my mission but I fall in my own trap.

---
Copyrights ©Miixxiimii
All rights reserved

Make The Mafia's FallTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon