Mission 59

1.4K 57 8
                                    

Please do votes and leave a comment.

---
KED POV

"Hi. My name is Rylee Lavigne, 17 years old. I'm not good looking pero sana magkaroon pa rin ako ng kaibigan."pakilala ng bagong transfer na babae.

Nakasalamin siya at hindi fit sa kanya ang suot niyang uniform. Hindi naman siya mukhang manang dahil saktong lang ang porma niya. Kahit na sabihin niyang hindi siya good looking ay masasabi 'kong maganda siya. Paepal lang talaga yung salamin niya.

"Ako na ngayon ang mangtritrip no?"ngising tanong sakin ni Webster.

Mukhang may masama siyang balak. Halos lahat kasi ng nagtratransfer na napupunta sa seksyon namin ay pinagtritripan namin. Itong babaeng nerd na ito ang pang-apat na pu't-limang transferee.

"Ano bang pangtritrip ang gagawin mo sa kanya?"kuryos 'kong tanong.

Itong magkambal na ito kasi ang may pinakamanyak na trip. Halos lahat ata ng babaeng maliligaw dito ay mamanyakin nila.

"Hahawakan ko ang hita niya tapos ikukulong ko siya dito kasama ko."

"Tsk! Luma na yang trip mo. Pasa mo na lang siya sakin. Yung susunod na lang na magtratransfer ang pagtripan mo."sagot ko sa kanya.

"Luma? Eh, ikaw nga di marunong mangtrip."napasimangot ako dahil doon.

"Anong hindi! Marunong ako no!"

"Sige nga. Pagtripan mo nga siya."sa loob-loob ko ay napangisi ako dahil sa sinabi ni Webster.

Kung si Lester ay magaling magpaikot ng tao. Si Webster naman ay bobo pagdating doon. Kaya lagi siyang naiisahan ng kapatid niya eh dahil sa kabobohan ng gagong 'to.

Kinuha ko ang glue sa bag ko at nilagyan ko ana kamay ko. Habang naglalagay ako may pumasok naman na isa pang transferee. Mukha siyang bakla pero pogi. Pero syempre mas gwapo ako! Ako kaya ang pinakagwapo sa buong kampus. Ang dami-dami ngang nagkakagusto sakin. Pati langgam ay gusto ako. Hsst! Ang hirap talaga maging gwapo.
Yang si Jace? Naku pangalawa lang yan. Yung ibang fans ko nga ay binigay ko na sa kanya para naman may fandom din siya. Hsst!

Muli akong tumingin sa harapan pero wala na si Sir. Saan naman kaya nagsusuot ang isang yun? Hay, hayaan na nga.

Tumayo ako sa kinauupuan ko at tinignan ko muna si Webster na pangisi-ngisi sakin.

"Watch and learn."wika ko at ginawa ko pa yung sign ng watch. Yung tipong, fore finger at middle finger ko ay tinutok sa mga mata ko tsaka ko ibinaling sa kanya.

"Yabang! Gawin mo na at ng mapahiya ka."natatawa niyang wika sakin.

Di ko na lang pinansin iyon at naglakad na ako patungo sa pwesto ng babaeng transferee.

Tinago ko muna sa likuran ko ang kamay 'kong may glue bago siya kinausap.

"Hi. Ako nga pala si Ked."

Nginitian ko siya ng pagkatamis-tamis pero ng ibalik niya sakin ang ganung ngiti ay tila ba nag-iba ang tibok ng puso ko. Shit! Ano yun?! May sakit na yata ako sa puso potek!

"Rylee."pakilala niya tsaka siya nakipagshake hands sakin. Pero syempre yung ginamit 'kong kamay ay yung may glue.

Sa sandaling nagdikit ang aming mga balat ay parang may dumaloy na kuryente sakin. Takte! Ano na bang nangyayari sa pakiramdam ko? Noong di pa naman ako lumalapit sa babaeng 'to ay okay pa naman ha? Bakit ngayon ay nagkakaganito na ako? Kingina! Mangkukulam ata 'to!

Inalis ko na ang pagkakahawak sa kamay niya tsaka ako tumakbo ng mabilis. Kailangan 'kong makalayo sa kanya. Mangkukulam ang babaeng yun!

Napailing na lang ako ng maalala ko ang unang araw na nakita ko si Rylee. Yung araw din na iyon ang unang beses 'kong makaramdam ng pagmamahal sa isang babae. Sa kanya lang ako naattract ng sobra kaya sobra-sobra ko siyang iniingatan. Kahit na parang kapatid at makulit lang na bata ang turing niya sakin ay hinahayaan ko na lang. Ang mahalaga ay nakakalapit ako sa babaeng una 'kong minahal.

"Ano na ang gagawin mo ngayon? Kasal na ang babaeng mahal mo sa bestfriend mo?"napalingon ako kay Lester dahil sa sinabi niya.

"Ewan ko."tanging sagot ko na lang at muling tinungga ang alak na nasa bote.

Si Jace ang bestfriend ko pero magmula ng malaman 'kong may gusto siya kay Rylee ay parang lumayo ang loob ko sa kanya. Naging mas malapit na ako kay Lester at tanging si Lester lang ang nakakaalam sa nararamdaman ko.

"Bakit mo ba kasi sila gustong ipakasal?"tanong niyang muli.

"Basta. Akin na lang iyon."sagot ko sa kanya nainirapan naman niya. "Kuya, isa pa nga. Yung dynamite nga."utos ko sa bartender.

Di ko naman alam kung anong lasa ng dynamite pero gusto 'kong subukan ito. Sana yun na ang makakabura ng nararamdaman ko sa kanya.

Binigyan ako ng bartender na agad ko namang ininom. Lasang maanghang, maasim na matamis na maalat. Ewan. Basta halo-halo ang lasa niya at isa lang ang masasabi ko. Ang sarap nito. Mga ilang sandali pa ang lumipas ng bigla na lang akong makaramdam ng pagkahilo hanggang sa bumigay na ang mga talukap ng mata ko.

*****
LESTER POV

*Booggssh!*

Napalingon ako sa gilid ko ng marinig ko ang tunog na iyon.

Haayyy! Ano ba naman yan! Ako pa talaga ang gagawing tagabuhat ng lalaking ito! Tsk! Tsk!

"Ked!"tinapik ko ang mukha ni Ked na bagsak na bagsak na ngayon dahil sa kalasingan.

Tsk! Tsk! Kung sinabi na lang kasi niyang may gusto siya kay Rylee ede maganda! Hayyy! Bakit ba kasi napakatorpe ng batang 'to! Kung di ako nagkakamali ay si Rylee ang pinakaunang babaeng minahal niya ng ganito.

"Gising na diyan!"inis 'kong wika pero wala pa rin. Knock out ang loko.

"Sir, mukhang di po kaya ni Sir Ked ang gumising ngayon. Dynamite po kasi ang inorder niya eh."napailing na lang ako dahil sa sinabi ng bartender.

Iinom-inom 'to ng ganun tapos di pala niya kaya. Tsk! Tsk!

No choice ako kundi ang buhatin siya. Hindi yung bridal style na buhat ha. Kundi yung pagbubuhat ng mga taong lasing. Iniakbay ko ang kamay niya sa aking balikat at tsaka inilalayan ang kanyang katawan. Kainis kasi 'tong torpeng to eh! Kung di lang ako blinackmail nito, di ko talaga siya sasamahan dito. Pssh! Pasalamat kang bata ka!

---
Copyrights ©Miixxiimii
All rights reserved

Make The Mafia's FallTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon