Please do votes and leave a comment.
---
RYLEE POV"Ked, sakin ka na sumabay may sasabihin pa ako sayo."yaya ko kay Ked habang naglalakad kami palabas ng school campus.
"Sige b----"naputol ang sasabihin niya ng may bwisit na sumingit samin.
"No. Ked, will ride on my car."
"Sakin nga siya sasabay diba. Tsk! Panira talaga."halos pabulong na lang ang ginawa ko sa huling salita na sinabi ko.
Kanina pa kasi siya eh. Sa room, sa canteen, at maging dito ay sumisingit pa rin siya. Nakakainis na talaga 'tong masungit na abnoy na 'to.
"You can also hop in my car if you want. You can talk inside my car."napairap ako sa sinabi niya.
"Private yun."
"I don't care if that's a private. When I said that Ked will come with me, then he must come."mariin niyang wika na ikinayukom ko na lang ng kamao para mapigilan ang inis na nararamdaman ko. Nakakabwisit na talaga 'tong siraulong abnoy na 'to ha!
"Ry, kung importante yan mas mabuti pang sumabay ka na lang samin. Tutal hindi naman nakikisabat si Jace kung may nag-uusap eh."wika ni Ked habang hinahawakan ang pinto ng sasakyan ni JM, handa na para sa pagpasok ko.
Bumuntong hininga muna ako bago tumango at pumasok sa back seat. Sana nga hindi makialam 'tong JM na 'to. Mapapatay ko na siya kung sakali man. Sobra na akong naiinis sa lalaking 'to eh.
Pumasok si JM sa backseat katabi ko at si Ked naman ang tumungo sa Driver seat. Seryoso ba 'to? Yung bata talaga ang pagdridrive'n niya? Tsaka, b-bakit siya dito umupo? Kingna! Peste 'tong puso ko. Sana naman hindi madikit ang balat niya sakin. Dahil kung mangyari man yun ay hindi ko na alam ang gagawin ko. Ba'ka magkabuhol-buhol na ang sikmura ko dahil sa mga nararamdaman ko. Shit!
"Ry, ano pala yung sasabihin mo?"
Napabalik ako sa ulirat dahil sa tanong ni Ked.
Umaandar na pala kami. Hindi ko man lang namamalayan. Pahapyaw-hapyaw siyang tumitingin sa rearview mirrior at nang nagtama ang mga mata namin ay doon na ako nagsalita.
"Nabanggit mo kasi sakin dati na magkasama kayo ni Ace sa bahay ampunan. Pwede ko bang malaman ang address nun?"tanong ko sa kanya.
Ramdam ko ang pag-ayos ng upo nitong katabi ko at ang bahagya niyang pagtingin sakin. Kita ko sa pheriperal vission ko eh.
"Bakit mo naman natanong?"balik sakin ni Ked at bahagyang tumingin sa rearview bago ulit binalik ang tingin sa daan.
"Trip ko lang. Sagutin mo na lang kasi."may halong inis ang lumabas sa bibig ko kaya napabuntong hininga si Ked.
"Sa Septar Orphanage. Sa Taguig iyon matatagpuan."sagot niya sakin na ikinatango ko naman sa kanya.
"Salamat."sagot ko sa kanya tsaka ko siya nginitian.
"Tsk!"hindi ko alam kung nananaginip ba ako o ano. Narinig ko kasi ang violent reacton ng katabi ko eh.
Pinilig ko na lang ang ulo ko dahil doon. Siguro na nanaginip lang ako.
Ginala ko ang mata ko sa daan at may nakita akong nagbebenta ng street foods kaya agad na nagningning ang mga mata ko.
"Ked, dito na lang ako."wika ko kay Ked kaya napatingin siya sa rear view mirrior.
"No. Ked, continue driving."wika ng katabi ko na ikinasimangot ko naman.
"Ked, dito na. Itigil mo nalang diyan."
BINABASA MO ANG
Make The Mafia's Fall
AkcjaMaking the Mafia's fall is hard to do. How can I complete my mission if I am the one who fall in my own trap? LANGUAGE:Tagalog & English STATUS:Completed BOOK 2:Make The Mafia's Back SERIES:Mafia Series 2.1 GENRE:Action AUTHOR:M.M (Miixxiimii) COVER...