Please do votes and leave a comment.
---
JAMES POVKami ni Adam na lang ang naiwan dito na nagbabantay kay Rylee. Wala ang mga kasama namin dahil kumain muna sila ng gabihan. Ang iba naman ay umuwi.
Fuck! Buti na lang talaga at nakita ko agad kanina si Rylee. Akala ko ay patay na siya dahil hindi gumagalaw ang pulso niya pero nung makita ko yung isang basag na bote ay agad ko ng alam na may laman iyon na kakaiba dahilan para mawala siya sa huwesyon niya. Iyon ang unang beses ko na mag-alala sa isang tao at pakiramdam ko ay ang bigat-bigat ng loob ko. Damn!
"Haaaayyy! Ang tagal mo namang gumising, sis."wika ni Adam na nakaupo sa kabilang silya.
"Sssssh~ ang ingay mo, Adam."suway ko sa kanya na inirapan naman ng baklang 'to.
"If I know, ay crush mo lang si sis ko. Tsk! Kung gusto mong makuha ang boto ko ay magpakabait ka sakin!"
Kita mo 'tong baklang 'to. Tsk! Suplada niya talaga.
"Kung gusto ko man siya, pwes, Hinding-hindi ko kakailangan ang boto mo sakin. Bakit? Nakakapogi points ba yun?"ismid ko sa kanya na pinaningkitan naman niya ng mata.
Asar talo talaga 'tong baklang 'to psh!
"Ede kung gayun ay kay Jace ko na lang ibibigay ang boto ko! Hmm!"tsaka siya nagcross arm at tumingin sa kabilang direksyon.
Tsk! Pakialam ko ba kung kay Jace ang boto niya? Bakit makakain ko ba iyon? Tsk! Tsk! Tsaka alam ko naman na hindi magkakagusto si Jace kay Rylee dahil hanggang ngayon ay hinahabol-habol niya pa si Safhira. Tsk! Nakakabadtrip talaga si Jace kapag nakikita kong magkasama sila ni Safhira. Tsk! Tsk! Kung di dahil sa kanya ay ba'ka kaming dalawa ni Safhira ang nagkatuluyan. Grr!
"Oh? Natahimik ka diyan?"tanong ng baklang 'to na di ko na lang pinansin.
Wala na eh. Badtrip na ako. Tsk!
"Pakialam mo?"blanko 'kong wika sa kanya na inilingan naman niya.
"Tsk! Asar talo ka talaga eh no! Tsk! Tsk!"inis niyang wika bago siya tumayo ng padabog sa kanyang kinauupuan at lumabas ng kwarto.
Ngayon ay dalawa na lang kami ni Rylee ang nandito. Kinuha ko ang kanang kamay niya at dinala iyon sa aking labi. Hinalikan ko saglit bago ako nagsalita.
"Gising na Ry. Kanina ka pa tulog diyan eh."malambing 'kong wika.
Wala na ang kanyang salamin ngayon kaya kitang-kita ko ang napakaamo niyang mukha. Maganda siya lalo na kung mag-aayos. Yung buhok ay dapat straigth dahil mas babagay iyon sa kanya. Maganda naman siya sa kulot pero para sakin ay mas maganda siya kung straight ang buhok niya. Yung ilong niya ang ganda. Maliit pero matangos. Yung labi niya kahit hindi na lagyan ng lipstick ay parang nakalipstick na siya dahil sa sobrang pula nito. Yung kulay ng kanyang kutis ay hindi maputi at hindi rin maitim. Sakto lang iyon na parang isang pangkaraniwang tao. Minsan ko na ding nakita ang hubog ng kanyang katawan at masasabi kong maganda ito. Hindi siya payat at hindi rin mataba. Sakto lang iyon.
"Ba'ka matunaw siya diyan."napalingon ako sa likod ko ng marinig ko iyon.
Si Lester pala ang pumasok dito.
"Tsk!"tanging usal ko na lang bago ko ibinalik kay Rylee ang aking tingin.
Narinig ko ang pagbagsak niya sa sofa na nasa likuran ko. Hindi ko na lang pinansin iyon at tinuon ang atensyon ko kay Rylee.
"Tsk! Tsk! Tinamaan ka na ba sa kanya?"tanong niya sakin na di ko sinagot.
May mangyayari ba kapag sasagutin ko siya? Tsk! Mas mabuting ako na lang ang nakakaalam sa sarili ko kaysa malaman pa ng iba. Mamaya ay may hadlang na naman diyan. Tsk!
BINABASA MO ANG
Make The Mafia's Fall
ActionMaking the Mafia's fall is hard to do. How can I complete my mission if I am the one who fall in my own trap? LANGUAGE:Tagalog & English STATUS:Completed BOOK 2:Make The Mafia's Back SERIES:Mafia Series 2.1 GENRE:Action AUTHOR:M.M (Miixxiimii) COVER...