Please do votes and leave a comment.
---
RYLEE POV"I can't breath everytime I lost you in my sight."wika niya na ikinaabnormal ng puso ko at ikinabuhol-buhol ng sistema ko.
Anong ibig niyang sabihin? Alam 'kong matalino ako pero pagdating sa mga ganito ay nagiging bobo ako. Ano nga ba ang gusto niyang iparating?
"Hey, Rylee!"biglang sigaw ng taong kakilala ko. Kaya naman napunta sa kanya ang atensyon ko. Kumakaway pa siya habang may labas gilagid siyang ngiti.
"Don't go there."parang may pagbabanta sa tinig ni JM kaya bumalik sa kanya ang atensyon ko. Masama na ang tingin niya at hindi ko alam kung bakit.
Ano bang nangyayari sa taong 'to? Parang noong nakaraang linggo lang ay bwinibwisit niya ako. Tapos ngayon naman ay gusto, nasa malapit lang ako.
"Jace, your here."biglang singit ng isang matandang lalaki kaya napunta sa kanya ang atensyon ni Jace. "Can I have some drinks with you? I want to discuss you about the de---"
"Sure, Mr.Lim. But we need to go in a quiet place where we can focus and discuss your concern."putol ni Jace sa sasabihin ng matanda.
Ngumiti naman yung matanda sa kanya tsaka tumingin sakin.
"Excuse me, hija. Hihiramin ko muna tong boyfriend mo ha."paalam ng matanda na tinanguan ko na lang. Pero nung makita 'kong ngumisi si JM ay doon ko lang narealize ang sinabi ng matandang kalbong ito.
Bwisit! Inirapan ko na lang siya at dumiretso ako doon sa table nila Joaquin. Nandoon si Axl Ace at yung girlfriend niya na tinutukoy kanina ni Rovic.
"Oh? Andito pala kayo."wika ko sa kanila at pansin ko ang pagtitig sakin ng girlfriend ni Ace.
Kilala ko si Ace. Hindi yan magdadala ng babae sa isang party kung hindi yan seryoso sa kanya. Maswerte ang babaeng ito dahil nadala siya ni Axl dito and that means na kinahuhumalingan talaga siya ni Ace.
"Syempre naman. Kami pa ba mawawala."sagot ni Joaquin na tinawanan ko lang ng bahagya. Party goer talaga ang isang 'to. Halos lahat ata ng mag-invite sa kanya noong nasa ibang bansa pa lang kami ay pinupuntahan niya.
Well, di na rin ako nagtataka dahil isang auction party ito. Lot of illegal man and illegal business will discuss here. Ang mga nakakasalamuha namin kanina ay namumukaan ko pa pero alam 'kong di nila ako kilala. Ako pa ba? Tsk!
Tumingin ako kay Ace na nakatingin lang doon sa babae. Di ko alam pero nakakaramdam ako ng inis kay Ace. Parang di naman niya ramdam ang presensya ko. Kahit man lang sana sabihin niya "hey, nandiyan ka pala? Well, nandito rin ako at kasama ko ang girlfriend ko."
Kahit ganyan lang ang sabihin niya ay okay na ako. Hindi kasi ako sanay na ganyan siya makitungo sakin. Yung parang wala lang ako.
"So Ace, this must be Katryn."wika ko kay Ace para naman gumaan ang nararamdaman ko. Nginitian ko pa siya pero deep inside ay seryoso talaga ako.
"Yeah. She is."sagot naman ni Axl. "By the way, Katryn, she's Rylee and Rylee, she's Katryn."pagpapakilala niya samin sa isa't-isa.
Nakipagshake hands ako sa kanya at tsaka siya nginitian. Maganda naman si Katryn. Simple lang siya pero eye catching. Pilipinong-pilipino ang dating niya at sigurado akong makakasundo ko siya.
"Can I share some drinks with you, Katryn?"formal 'kong yaya sa kanya.
Tumingin muna siya kay Axl na tila ba nagpapaalam at ng tumango ang isa ay tsaka lang siya tumingin sakin at tumango din.
BINABASA MO ANG
Make The Mafia's Fall
ActionMaking the Mafia's fall is hard to do. How can I complete my mission if I am the one who fall in my own trap? LANGUAGE:Tagalog & English STATUS:Completed BOOK 2:Make The Mafia's Back SERIES:Mafia Series 2.1 GENRE:Action AUTHOR:M.M (Miixxiimii) COVER...