Mission 34

1.8K 59 2
                                    

Please do votes and leave a comment.

---
RYLEE POV

"Siya ang umampon sa kanya, hija. Ang mommy mo."

Hindi ako makapaniwala na si mommy ang taong umampon sa kanya. Ni isang beses ay hindi sinabi sakin ni mommy na may inampon siya dito sa Pilipinas. Tsaka kung iisipin ay dalawa na kami ni kuya ang anak niya pero bakit nag-ampon pa siya? Bakit inampon niya pa si Ace. Hindi naman sa ayaw kong maging kapatid si Ace pero kasi, anong rason ni mommy? Ano ang dahilan niya bakit niya ginawa ito.

--
"My ghad AR!! Can you please listen to me?! I'm older than you! I'm your older brother and don't you dare to talk to me like that!"

"I don't care, Ace. Your just a guard of mine so don't you dare to interrupt with my plan!"

"Plan?! Do you think your safe with your fucking plan!"

"Just shut the fuck up!!"I said and brawled my hair out of frustation.

How can I get my dad's attention if all my plan get destroyed because of him? Damn! Kapag ako ang nabwisit papasabugin ko talaga ang paaralan na pinapasukan ko. Tsk! Tsk! Ang hirap talaga kapag madaming business na inaasikaso ang magulang mo. Sad to say na si daddy lang ang umaasikaso nang lahat ng iyon dahil si mommy ay wala. Namatay na siya dahil sa isang aksedente na kagagawan ko. Damn me!

"You're old enough to understand your dad! Why don't you just stop being a stupid hard headed child!"he emphasize the word child that really get me mad.

"How many times do I have to tell you that I'm not a child! Can you get it?! Tsk! Palibhasa may mga magulang ka lang na laging nandiyan sa tabi mo."halos pabulong na ang huling salita na binitiwan ko dahil nakakaramdam na naman ako ng selos sa kanya.

Buti pa si Ace ay may magulang na handang makinig sa kanya. Magulang na handang magbigay ng opinion sa kanya. Mga magulang na sinusuportahan siya.

Tinignan ko si Ace pero nakatingin siya sa malayo at hindi na umiimik. Siguro ay narinig niya ang huling sinabi ko at narealize niya na tama lang ang mga ginagawa ko para makuha ang atensyon ni daddy.
--

Kaya pala. Kaya pala sa tuwing sinasabihan ko siya ng 'buti ka pa at may magulang' ay bigla-bigla na lang siyang tatahimik. Hindi siya iimik at hahayaan na lang ako. Ito pala ang rason niya. Wala na pala talaga siyang magulang na handang magmahal sa kanya ng walang kapalit. Kawawa naman siya. Kung dati ay naiinggit ako sa kanya, ngayon naman ay naawa na ako sa kanya.

Sa tuwing sinasabihin niya ako noon ng older brother ko siya ay lagi ko na lang siyang sinasabihan ng shut up. Napakasama kong kapatid para sa kanya. Akala ko kasi noon ay dahil siya ang pinakamatanda saming tatlo nila Joaquin kaya siya ang kuya namin pero hindi pala. Dahil siya talaga ang kuya ko. My adopted brother to be exact. Grabi! Hindi ko man lang natawag si Ace noon na kuya. Pakiramdam ko ay napakasama 'kong kapatid sa kanya. Napakawalang kwenta ko.

"Sister, kilala niyo ba kung sino ang mga magulang niya?"tanong ko kay sister na nakatingin sakin.

"Hindi, hija eh. Iniwan lang kasi si Ace sa pintuan ng simbahan. Ang tanging pagkakakilanlan lang sa kanya ay yung lampin na nakatali sa kanyang bewang. Masyado pang bata noon si Ace kaya marahil ay hindi niya alam kung sino ang taong naghatid sa kanya sa simbahan."napatango ako kay sister dahil sa paliwanag niya.

"Noong inampon po siya ni mommy ay alam niyo po ba kung saan sila tumuloy noon?"muling tanong ko sa kanya.

"Hmm. May address ang mommy mo diyan sa files. Pero hindi ko alam kung nandoon pa ba sila. Masyado na kasing matagal yan eh."

Make The Mafia's FallTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon