Mission 9

2.5K 67 3
                                    

Please do votes and leave a comment.

---
"Okay, class! Nacriticize ko na ang mga pinasa niyong project sakin. Kaya iaanounce ko na ang mga nakuha niyong score. Excited na ba kayong malaman?"masayang tanong samin ni sir Arman na sabay-sabay naman naming sinagot.

"Yes, sir!"

Ang iba ay nangalampag pa ng mesa dahil sa pagkaexcite nila. Sana mataas ang score na nakuha namin. Aba, sobra kaming naghirap doon kaya dapat lang na mataas. Tapos yung mga paint pa na ginamit namin ay mahal kaya ang laki ng binayaran naming contribution.

"Alam ko kami ang pinakamataas diyan!"sigaw ni Josh na kagrupo nila Jace.

"Hindi kaya! Kami kaya ang pinakamataas diyan. Ang ganda-ganda ng amin eh."salungat naman ni Kevin na kagrupo ni James, yung taong tumulong sakin noong nakaraang linggo.

Sa tuwing naaalala ko yun ay napapangiti ako dahil sa dinami-rami ng kaklase ko ay may isang gentleman na tumulong sakin.

"Ahem! Ahem! Ang panget kaya ng gawa niyo, Kevin! Mas maganda pa ang ginawa namin."segunda ni Ked na inilingan ko na lang.

'Tong batang 'to talaga masyadong pakialamero. Wala ata ang salitang 'humble' sa bokabolaryo niya.

"Hoy Ked! Makapagsalita ka naman parang ang laki-laki ng natulong mo! Kung di ka pa nga ata tinuruan ni Rylee na magpaint ng maayos ba'ka di mo pa nagawa!"sigaw naman ni Jess kay Ked na ikinasama ng tingin niya.

"Rylee, oh! Inaaway niya ako!"sumbong ng batang 'to sakin kaya kinunutan ko naman siya ng noo.

"Huh? Pakialam ko?"

"Boom! Burn!!"sabay-sabay na sigaw nilang lahat kay Ked habang natatawa sila. Kaya naman namula ang mukha ng batang kumag at mukhang naiinis na.

Gusto 'kong humagalpak ng tawa dahil sa naging reaksyon niya pero pinipigilan ko lang. Dapat kalmado lang para kunwari wala akong pake. Hahaha! Makakabawi din ako sa kanya dahil sa ginawa niya noong isang linggo. Akala niya 'di ko alam, ah? Siya ang isa sa pangunahin na nangpusta sakin. Tsk!

"Talaga ba, Rylee? Ba'ka gusto mong sabihin ko kay ano na may ano ka sa kanya. Gusto mo ba?"ngising wika niya na ikinakaba ko.

Alam ko ang ibig niyang sabihin. Yung kay Jace na naman 'to. Sinabi ko na ngang wala akong gusto sa kanya pero pinipilit niya. Tsaka napakainfluencial niyang tao at talagang maniniwala ang iba sa kanya. Shit!

Binato ko ang hawak 'kong notebook sa kanya na tumama naman sa ulo niya.

"Sige, subukan mo. Matatanggal ko yang dila mo."mariin 'kong wika pero nginisian lang ako.

"Oy, si Rylee may pinagnanasahan sa room!"pangungutya nila na ikinapula ng mukha ko.

Pakiramdama ko ay nag-iinit ang buong pisnge ko dahil sa pang-aasar nila.

"Wala no! Magtigil nga kayong lahat diyan! At ikaw Ked! Masasampal kita kapag may lumabas na kahit ano diyan sa walang hiyang bibig mo!"sigaw ko sa kanya na siyang ikinapeace sign lang niya pero alam 'kong nandun parin ang kalokohan niya. Tsk! Kapag ito nagsalita 'di ako magdadalawang isip na patulan siya. Tsk!

"Okay Class, quite! Masyado na kayong nawiwindang."wika ni sir at doon ko lang naalala na may teacher pala sa harapan namin.

Kung ano-anong mura pa mandin ang pinagsasabi ko kanina. Hsst!

Tumingin ako kay Sir at nagpeace sign pero tumango lang siya at ngumiti. Buti na lang at mabait siya. Di gaya ng ibang mga teacher na akala mo naman kung sino. Psh!

"Iaanounce ko na ang score niyo. Sa grupo ni Vince ang score na nakuha niyo ay 88points."nagpalakpakan kami sa sinabi ni Sir. Ang galing naman nila. Naka-88. "Sa grupo ni James ay 90. Sa grupo naman ni Jace ay 95."

Pa-woah kami dahil sa sobrang taas ng sinabi ni Sir. Kinakabahan tuloy ako dahil doon. Yeah, I know it's too OA to felt this pero ngayon ko lang kasi naramdam ito. I never been in a school having this kind of society before. So this things makes me excited and happy.

Napabalik na lang ako sa reyalidad ng may bumulong sakin.

"Ano kayang score natin?"si Ked pala na nakaupo na ngayon sa tabi ko.

"Di ko alam. Mamaya ka na mag-ingay."agad 'kong sagot sa kanya habang nakafocus ang paningi  ko kay Arman.

"And the last, but not the least group...."may pa-thrill pang nalalaman si Sir? Di pa lang niya diretsohin para matapos na. Tsk! "I'm sorry guys..."sabay lungkot niya sa mukha niya kaya naman nakaramdam ako ng pagkadismaya.

Akala ko yun na yung best namin. Hsst! Nag-effort pa naman kami.

"I'm sorry guys kasi ang grupo nila Ked ay nakakuha ng 100!"masayang dugtong ni Arman na siyang ikinalaki ng mata ko.

For real?!

"Kyaaaaah!!!"sigaw naming pareho ni Ked at nagkayakapan pa kami.

"Woaaaaah!"sigaw niya na ikinabingi ng eardrums ko. Kaya naman naitulak ko siya ng wala sa oras.

Ramdam ko din ang pagtingin nila samin na agad ko ding ikinahiya. OwShit!

"Oyyyy~~ kayong dalawa ha. May something sa inyo."panunukso ni Adam sakin na inirapan ko naman.

"Wala no!"sabay pa naming sagot.

"Talaga ba?"sabay-sabay na tanong ng mga kaklase ko at si Adam ay nakangisi naman sakin.

"Wala nga! Ako magkakagusto sa kumag na makulit na batang 'to?! No way!"singhal ko tsaka ko tinalikuran si Ked.

"Mas lalo naman ako! Di rin ako magkakagusto sa kanya no! Si ano gusto niyan ehjwgqusgqnq"di na niya natuloy ang sasabihin niya dahil agad 'kong isinungalngal sa bibig niya ang mga papel.

Natawa naman ang mga kaklase namin dahil sa itsura ni Ked ngayon. Para na siyang kamatis sa sobrang pula niya.

"Ayeeei~ ang sweet niyo."tukso nila samin na ikinasimangot ko naman. Nangunguna kasi si Adam sa pagtukso eh. Tsk! Tsk!

"Ikaw, sis ha. May gusto ka pala sa kanya. Ayeee~~"sinundot-sundot niya pa ang tagiliran ko na siyang pinapigilan ko naman.

Ang kulit ng baklang 'to eh.

"Class, quite. Tama na ang pagtutuksuhan dahil si Ms.Lavigne ay mukhang walang balak na magboyfriend."ngising wika ni Arman na ikinairap ko naman.

Pakialamero talaga 'tong teacher na 'to. Tsk! Bakit di na lang siya manahimik sa isang tabi at hayaan na lang ang kung ano mang iniisip niyang wala namang kwenta?

"Sige na. Class dismissed na kaya magsimeryenda na kayo."wika ni sir na tinanguan naman namin. Vacant kasi namin sa next subject kaya recess na.

Nagsitayuan na kami sa mga upuan namin at sabay-sabay na lumabas. Pero sila ay patungo sa canteen samantalang ako ay patungo sa roof top. Gusto ko kasing matulog at may tulugan doon sa taas. Maganda doon dahil napakatahimik tapos presko pa. Hsst! Inaantok na talaga ako....

Zzzzzzz Zzzz Zzzz zzzZZZZZ

---
Copyrights ©Miixxiimii
All rights reserved

Make The Mafia's FallTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon